Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Napasigaw siya nang mapansin ang hindi pamilyar na silid na kanyang kinaroroonan.
Bigla siyang kinabahan nang wala siyang maisip kung anong nangyari kagabi. Agad-agad niyang sinipat ang katawan. She brought out a sigh of relief. Her clothes are still on.
Maingat siyang bumangon sa kabila ng masakit na ulo. Napangiti siya nang makita ang kanyang cellphone na nakalapag sa lamesa malapit sa kamang kanyang kinahihigan kanina.
Dinampot niya iyon at ibinulsa. Pagkatapos ayusin ang kama na alam niyang kama ng isang lalaki ay lumabas na siya ng silid.
Laking gulat niya nang mapansin ang lalaking pilit pinagkasya ang sarili sa isang sofa. She slowly approached the sleeping man.
Mas lalo siyang nagimbal nang makilala kung sino iyon. Bigla siyang itinulos sa kanyang kinaroroonan. Hindi niya pinaghandaan ang pagkakataong iyon.
The very goodlooking Alejandro is sleeping like an angel.
Ang kumot nito ay nakatabing lang sa ibabang bahagi ng katawan nito. Wala itong sout na anumang shirt kaya kitang-kita niya ang matipuno nitong torso.
Tila kiliti ang hatid sa kanya ng manipis na balahibo mula sa navel nito pababa sa natatabingan ng kumot. Tila tadtad ang katawan nito sa workout. Hindi pa kasi nawawala ang mga abs nito na ilang beses niya ring nakita nung highschool pa sila.
Kakaiba ang kanyang pakiramdam sa muli niyang pagsulyap sa mukha ng taong ito. Ilang taon na rin niya itong iniwasan.
Alejandro suddenly stirred. Bago pa magising ang binata ay tinakbo na niya ang pinto at nagmamadaling lumabas ng silid. Nang makalabas siya sa building ay saka niya napansin na isa sa mga condominium building na pagmamay-ari ng mga Veneracion ang kanyang pinanggalingan. Binigyan niya ng huling sulyap ang gusali bago siya pumara ng taxi.
*****
"Good morning mom."Isang nagtatakang tingin ang binigay kay Evelyn ng kanyang ina.
"Where have you been?"
"Ahm, from a friend's party. Si Dad?"
"You look miserable." wika nito bago pasadahan ang kanyang anyo. "Naunang lumabas ang Daddy niyo.""Sayang hindi ko siya naabutan. Any news from Kuya Bryll?"
Kumislap ang mata nito pagkarinig sa pangalan ng kanyang kapatid.
"He took off a vacation. And guess what? He's with Alexa."
"Oh, I'm happy for them. Kailan sila nagbakasyon."
"Kagabi. He waited for you but you did not go home."
"Oh, I'm so sorry. Tatawagan ko na lang siya."
"You better be. Sige na umakyat ka na at ayusin ang iyong sarili."
"Mommy!" mariin niyang reklamo sa ina pero natatawa na rin siyang sumunod dito.
*****
Pagbukas ni Evelyn sa kanyang kuwarto ay biglang tumunog ang cellphone na nasa kanyang bulsa.Inilabas niya iyon at bigla siyang pinangunutan ng noo nang makitang hindi nakarehistro sa kanyang phonebook ang tumatawag.
"Hello?"
"Evelyn?"
Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses mula sa kabilang linya. Kahit tawag iyon ay tila napakasarap sa kanyang pandinig ang boses ng caller.
"Evelyn, hello?"
Hindi siya nakapagsalita. Bagkus ay inilayo niya sa kanyang tainga ang cellphone at vinirefy kung sino ang tumatawag.
Muntik na siyang mapatili nang makitang ang kanyang numero ang tumatawag. Saka lang nagsink-in sa kanyang utak na hindi sa kanya ang cellphone.
Una, the caller ringtone is unfamiliar. Pangalawa, the screen is too plain. Ni walang kawolpi-wallpaper iyon.
"Hey, are you still there?"
"Ahm, Y-yeah. S-sorry. Hindi ko napansin na naipagpalit ang cellphone natin.""Ah, can we exchange later?"
"S-sure. Where?"
"Where you're most convenient."
"Ako na lang magdadala sa iyo. Tutal, wala naman akong gagawin ngayong araw."
"It's up to you. I'll be at my office the whole day."
"Ok. Doon ko na lang dadalhin."
Hindi mapigilang mapamura ni Evelyn.
"Hindi talaga nagbabago ang Alejandro na yun!"
Sinubukan niya lang namang sabihing siya ang magsusoli ng cellphone. Bigla namang pumayag ang hudyo. Hindi man lang nagpakagentleman kahit minsan!
Naantala tuloy ang plano niyang pagbeauty rest.
And the biggest problem, she doesn't know where the hell is his office?
Nuncang, tatawagan niya naman ito para tanungin.
No way!
Pero anong gagawin niya ngayon? Hindi naman niya talaga alam kung nasaan ang office nito.
Biglang niyang naalala si Chantal kasabay nun ay ang pagsakit ng kanyang ulo.
This was all her friend's fault!
*****
"What really happened?" Hindi maubos-ubos ang tanong sa kanya ni Chantal. Magkasama sila ngayon at papasok sa malaking gusali kung nasaan naroroon ang opisina ni Alejandro Veneracion.Si Chantal ang kanyang pinagtanungan kung nasaan ang opisina ng pinsan nito.
"Huwag mo akong tanungin ng ganyan. Besides, this was all your fault. How dare you to leave me last night?"
"Hey, I did what was the best I thought for you. Hindi kita mabuhat kagabi no? Gusto mo bang sa bouncer kita pinabuhat?"
"Kahit na, you should atleast told your cousin na sa bahay niya ako dinala kagabi."
"Nakakahiya sa mga parents mo no? Imagine kung nakita ka nilang lasing kasama ang isang lalaki, di ba ang sagwa?"
"Whatever!" Ibinigay niya dito ang cellphone ni Alejandro. "Give that to your cousin and get my phone from him. Hintayin na lang kita dito."
Walang nagawa si Chantal nang maupo na siya sa mga nandoong sofa.
*****
Biglang naningkit ang mga mata ni Alejandro kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. Ang salarin, Chantal, is in his door with a very wide grin on her face."Hi!" bati nito sa kanya habang papalapit sa kanyang mesa.
"What made you come here?"
"Anong nangyari kagabi?" sa halip ay balik-tanong nito sa kanya. Hindi pa rin natatanggal ang ngiti nito. Balewalang umupo ito sa silyang nasa harapan ng kanyang mesa.
"What do you mean?"
"Ito naman, napaka-KJ. Di ba iniuwi mo si Evelyn kagabi?"
Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ni Alejandro. Whatever her cousin is saying?"I did not bring her home. You made me bring her."
"Ganun lang din yun. So ano na?"
"Chantal?" lumalim na ang kanyang boses tanda ng pagkairita.
"Ok. Ok. I'm just teasing. Nasayo daw ang cellphone ni Evelyn?"
Bigla siyang napatayo nang marinig ang pangalang binanggit nito.
"Where is she?"
Nakakunot-noong napatingin si Chantal sa kaharap at pilit na pinipigilan ang matawa.
"Ground floor." Inilabas nito ang cellphone ni Alejandro. Inilapag nito iyon sa mesa ng binata.
Blankong expression ang ibinigay ni Andro sa pinsan. Hinugot niya mula sa bulsa ni Evelyn ang cellphone nito at iniabot sa pinsan.
Hinablot iyon ni Chantal at nagmamadaling tinungo ang pintuan. Bago pa ito lumabas ay muling napalingon sa kanya.
"Evelyn wants to thank you for accomodating her last night."
Yun lang at nawala na ito sa kanyang opisina. Naiwan siyang nakatulala na hindi malaman ang susunod na gagawin.

BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Ficção AdolescenteGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...