She's very excited! Para siyang nasa top of the world na naman. Hindi niya maexplain ang kasiyahang nararamdaman.Bakit kaya masaya na naman ako? On what ground? For what reason? What causes it? Why would I be? In short, bah-keet?
Para siyang sirang pangiti-ngiti at pagkatapos ay tinatanong ang sarili ng bakit. Tapos wala siyang maisasagot.
Hay naku!
"On the pontoon, makin' waves and catchin' rays up on the roof. Jumpin' out the back, don't act like you don't want to. Party in slow-"
Napatigil siya sa pagkanta nang mapansing nakahinto na pala ang sasakyan.
She looked outside and noticed na nasa gate na pala sila ng Stevenson.
Napatingin siya sa kapatid upang mabigla lamang nang mapansing nakatingin din ito sa kanya. "Bakit?"
He smirked. "In love ka noh?"
"Ano ba 'yan kuya. Siyempre! Ang guwapo kaya ng boyfriend ko. Bakit mo naman nasabi?"
"Bakit parang napakasaya mo? Para kang bulate diyan. Kanina ka pa galaw ng galaw na parang nakikilig. May pangiti-ngiti ka pang nalalaman."
"Oy! Wag mong ipasa sa akin ang ginagawa mo. Ikaw lang kaya ang naggaganun."
"Really? Bakit napakanta ka pa ng 'Pontoon'? Di ba kinakanta mo yun pag masaya ka?"
"Ewan ko sa iyo. Magaling ka lang mag-imbento ng kuwento."
"Kung nag-iimbento lang ako, bakit ngayon mo lang napansin na nasa school na tayo. Kanina pa kaya tayo nandito." He checked his watch. "Well, twenty minutes ago pa kaya tayo nakarating."
"Ewan ko sa iyo." sabi na lang niya at bumaba na ng sasakyan. "Salamat kuya."
"Ipakilala mo siya sa akin minsan." Pahabol pa sa kanya ni Bryll, ang kuya niya nang makababa na siya sa sasakyan nito.
Tumuloy na lang din siya sa kanyang classroom. Tuwang-tuwa pa rin siya na di mawari ang dahilan. Binati niya ang lahat ng mga kaklase niya. Pumunta siya sa upuan niya at inilagay ang bag. Tiningnan niya ang katabi niyang upuan sa kaliwa. Wala pa si Tristan.
Sa kanan naman, "Good morning Alejandro." masigla niyang bati sa lalaki na busyng-busy sa pagbabasa ng isang napakakapal na libro.
Nadismaya na lang siya nang hindi ito pumansin.
"Ui kuya gov." She tried again. Nabigla na lang siya nang bigla siyang tapunan ng masamang tingin ni Alejandro.
"You're disturbing me!"
Biglang gumuho ang kasiyahan niya kanina. Aba't ang Alejandrong 'to ay may attitude talaga. Nag-iba na namn ito ng mood. May period yata.
Hindi na lang niya ito pinansin. Masasanay din siya sa pagiging moody nito. Sa ngayon paghirapan niya muna itong ispelingin.
*****
"Evelyn, in your opinion, may family planning na ba sa panahon ng ating mga ninuno?"
Hah? Ano daw? Family planning? History subject nila at napunta sa family planning ang usapan.
"Family planning, Sir, In my opinion, wala pa pong family planning sa sinaunang panahon. Sobrang napakalawak po ng bakanteng lupain ng Pilipinas noon para mag-family planning pa ang mga Pilipino."
Hindi pa siya nakakaupo ay biglang nagsalita katabi niya.
"I object. Family planning is already existing even during the Pre-Spanish era."
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Novela JuvenilGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...