Clue 42: One Happy Awkward Family

836 33 5
                                        


Walang nagawa sina Alejandro at Evelyn kundi pumayag sa gustong mangyari ni Troy. The boy wanted them to stay together. Nakakatawang isipin pero parang Kupido ang bata sa ginagawa nito.


Kinuha na ni Evelyn ang kakailanganin niyang mga gamit at dinala sa pad ni Alejandro. The unit is too small for the three of them.


Ang sabi nila ni Alejandro ay baka namimiss lang ng bata ang mga magulang nito kaya gusto nitong silang dalawa ni Alejandro ang titingin dito. They sleep together in the same bed na tila gawain ng mag-asawa. Noong una, ilang na ilang ang dalawa pero habang tumatagal ay tila nakasanayan nila iyon.


Their daily routines are like that of a married couple. Salitan sila sa pagluluto ng mga pagkain. Salitan din sila sa paghatid at pagsundo kay Troy sa eskuwelahan nito.


Linggo ngayon, wala silang pasok at wala ring pasok ang bata. Matatapos na rin ang kanilang kontrata dahil bukas ay darating na ang mga magulang ni Troy mula sa honeymoon ng mga ito.


Maagang nagising si Evelyn dahil siya ang magluluto sa araw na iyon. Pumunta siya sa kusina para magluto. Inihanda niya lahat ng kanyang iluluto. Naghanap siya ng kaldero. Napansin niya ang kalderong nakapatong sa mataas na estante. Feeling niya ay iyon ang babagay sa kanyang iluluto.


Kumuha siya ng upuan para abutin ang kaldero. Pakanta-kanta siya habang ibinababa ang hawak. Hindi niya inaasahan ang susunod na nangyari. Nadulas siya habang pababa siya ng upuan.


Napapikit siya at inaasahan ang pagbagsak sa sahig. Pero wala siyang sakit na naramdaman. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Ang napakaguwapong mukha ni Alejandro ang kanyang nasilayan. Saka niya narealize na nasalo pala siya ng binata.


Ang lapit ng kanilang mukha. Pareho nilang nalalanghap ang hininga ng bawat isa. Tila walang balak na ibaba siya ni Alejandro. Katulad na rin ng tila wala siyang balak na bumaba sa pagkakabuhat nito.


Alejandro suddenly closed his eyes and claimed her lips with no warning. There was an old feeling that was suddenly aroused in her. She began to respond to his kisses.


Isang malakas na pagbagsak ang nagpatigil sa kanilang kapusukan. Tila sila nabuhusan ng malamig na tubig. Napilitan siyang ibaba ni Alejandro. Pareho silang natawa nang makita ang sanhi ng ingay. Iyon ay ang kalderong hawak-hawak niya. Nabitiwan niya pala iyon.


Kinuha niya iyon at ipinatong sa sink.


"Good morning." sabi ni Alejandro na may pilyong ngiti sa mga labi nito.


"Morning too." she replied shyly. "Si Troy?"


"Nakatulog pa. Tulungan na kita."


"Sure. Pakislice na lang itong cabbage. Hugasan ko lang ang karne."


Nang matapos silang magluto ay sakto namang nagising ang bata. Sabay na silang kumain ng agahan. Nang matapos silang kumain ay sinamahan ni Evelyn ang bata sa sala para manood ng TV. Si Alejandro na ang naghugas ng mga pinggan.

John Alejandro: STERNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon