**Evelyn POV**
"Sinong dating nag-aasikaso nitong garden niyo?" tanong ko kay Alejandro. We are currently pulling off the weeds that began to emerge.
"Mostly my mother. Sometimes my father joins him kung naglalambing ito. Kami rin ni Alex kung pinaparusahan kami. Meron din kaming hardinero na siyang tunay na umaasikaso sa lahat."
"It's kinda fun doing these stuffs. Hindi pa kasi ako hinayan ng mga magulang kong pakialaman ang hardin namin."
"Yeah, I enjoy doing these things. Sometimes, I join Xeira doing their garden if we have time."
Napatahimik ako nang marinig ang pangalan ng kanyang girlfriend. Hindi ko kasi maipaliwanag ang aking nararamdaman nang isiping magkasama sila na gumagawa ng mga ganito.
"You really had good times together."sabi ko na lang sa kanya.
Siya na rin ang naglihis ng usapin. Ibinigay niya kasi sa akin ang isang hose at sinimulan na naming magdilig.
"Whoah, careful. Malulunod ang halaman." sabi niya sa akin nang masobrahan ang pagdilig ko sa isang nakapaso.
Nang ilayo ko ang hose ay nagkamali ako ng tinamaan. Dumiretso kasi kay Alejandro ang hose. Natamaan ang kanyang shirt.
He looked at me with amused eyes. Itinutok niya sa akin ang hawak-hawak niyang hose. Dahil hindi ko pinaghandaan ang ginawa niya ay ang kawawa kong T-shirt ang sumalo sa tubig.
Tuwang-tuwa niya akong pinaliguan. Gumanti ako at nagtutukan kami ng hawak-hawak naming hose. Basang basa na kami pero wala pa ring sumusuko. Nagtakbuhan kami sa boung hardin, spraying water to each other.
Nang makakuha ako ng tiyempo ay hinabol ko siya at in-spray ang hawak-hawak kong hose sa kanya. He ran away at pumunta sa kinalalagyan ng main valve ng tubig. Pinihit niya iyon at tumigil ang tubig na nakatutok sa kanya.
"You cheat!" sigaw ko at lumapit sa kanya. Tawang-tawa siyang pinapanood ang aking pagrereklamo.
Tumayo na rin siya at tiningnan ang aking kalagayan. "You look like a wet chick."
Natawa ako sa pagtranslate niya sa salitang 'basang-sisiw' sa English. Natawa din siya nang marealize iyon.
"Since, we're already wet. Do you want to wash the car in the garage?"
Tumango ako at nagtungo kami sa kanilang garahe. Dalawang kotse ang nakaparada doon. Isang Ford Focus at isang bagong Lexus.
"Whose car are those?" mangha kong tanong.
"Those are my parents'. The Ford is mom's, Lexus is dad's.We also have a hummer. They used it for vacation. Ang isang Ford Ranger ay para sa mga tauhan. They also used it for vacation."
Wala akong narinig na anumang pagmamayabang sa kanyang boses. Tanging nag-iimporma lamang ang kanyang tono.
"What about you and Alex? Bakit wala kayong mga sasakyan?" Ang kuya ko kasi ay may sariling mga sasakyan. Isang simpleng kotse at isang sportscar.
"Dad promised to give usour own when we reach the age of majority. Pero hindi ako excited doon. Gusto ko pa ding i-experience ang pagsakay sa jeep."
"You do?" gulat kong tanong sa kanya.
"Yeah, I tried to ride one on my own since we rode once going to the mall. I'm so overwhelmed but all the passengers are staring at me and I don't know why."
Tumawa ako sa inosente niyang pagkukuwento. "They did not see it coming. Baka nagulat sila sa itsura mo."
"Maybe."Ngiting-ngiti itong nakatingala sa kawalan. "I hope, I can convince my brother to ride one in the coming days."
Muli akong napangiti sa kanyang sinabi. Ako kasi mismo ay hindi man lang napasakay si Alex sa jeep.
"Anyway, don't mind my words. Let'start washing."
Nabigla ako nang tanggalin niya ang basa niyang shirt. Tumambad tuloy sa akin ang mga abs at muscles niya.
Saka na lang ako natauhan nang iabot niya sa akin ang washing detergent. Nagsimula na naming linisin ang kotse ng kanyang mga magulang. Tulad kanina, hindi namin naiwasan ang sabuyan ng tubig sa isa't-isa. Another task was completed na naenjoy namin ang paggawa.
"Let's go for a swim." anyaya niya sa akin pagkatapos malinisan ang mga sasakyan.
He took my hand at patakbo naming tinungo ang pool. Hinila niya ako papunta sa pool nang tumalon siya. Sabay kaming bumagsak sa tubig. Tawa kami ng tawa nang umahon ang aming mga ulo.
"You're silly!" reklamo ko sa kanya nang sabuyan niya ako. Hindi ko kasi alam na may kapilyuhan palang nakatago sa isang seryoso at tahimik na John Alejandro.
"I know." wika pa niya. "And I'm making you one."
Muli kaming nagsabuyan ng tubig hanggang kami ay mapagod.
Nang umahon kami sa pool ay natawa kami sa aming mga itsura. He is still in his pajama pants habang ako ay nakajeans at nakasout pa din ang aking shirt.
"We're really silly." natatawa niyang deklara.
"Yes we are." boung puso kong sagot na walang pagsidlan ng sayang aking nararamdaman.
*****
**Andro POV**
"What's you're favorite color?" tanong sa akin ni Evelyn habang hinintay namin ang aming order sa seafood restaurant.
Kagagaling lang namin sa sinehan at pinanood ang paborito niyang cartoons. At first, I was hesitant. But honestly, nagustuhan ko din ang palabas.
Pagkatapos namin sa bahay kaninang umaga ay lumabas kami at kung saan-saan kami napadpad. Hanggang sa mapunta kami sa restaurant na 'to.
"Why?"
"Wala lang just to start a conversation."
"It's blue. What about you?"
"Violet or purple. Favorite fruit?"
"Oranges. Lots of oranges. You?"
"Ripe mangoes, lots of ripe mangoes." panggagaya niya sa akin.
"That too." dagdag ko.
"Favorite singer?" siya ulit.
"Imagine Dragons. Hindi ba halata?"
"Yeah. Napansin ko. Favorite people?"
"My sister Alyana, Erika and you."
"Tristan and my brother." sabi niya. Akala niya yata ay tanong ang pagsabi ko ng 'you'. I meant that she was one of my favorite. Ikaklaro ko pa sana nang dumating na ang aming order. Tahimik kaming nagsimulang kumain. Muli akong napatingin sa kanya at napangiti. My shirt looked oversized in her.
Wala kasi siyang choice kanina nang mabasa siya kundi gamitin ang mga damit ko. She's wearing one of my favorite shirt. Sout niya rin ang isa kong jog pants na lumiit na para sa akin.
Hindi naman siya nagmukhang baduy sa kanyang sout. Kakatwa pang bumagay sa kanya ang kanyang mga sout. Pilyo akong ngumiti when I thought about the situation a while ago. When I insisted that she will wear my unused brief. Wala kasi siyang magagawa dahil basa na rin ang kanyang mga underwear. Well, she's also using my slightly used sando.
Pinandilatan niya ako nang mapansin ang aking pagngiti.
"Why?" tanong niya.
"Nothing. Just eat." Muli akong napangiti.
BINABASA MO ANG
John Alejandro: STERN
Teen FictionGaya ng boyfriend niyang si Alex, si Evelyn ay makulit, maingay at fun-loving na tao. Iyon ang dahilan kung bakit sila nag-click kaagad. They are very similar in many ways. They are just perfect for each other. Came Andro, ang boring, moody at masu...
