Chapter 29.
Sabrina’s POV
Daming nangyare, saglit lang ako nawala. Mga abnormal talaga ang mga kaibigan ko. Paano, ‘nung pagdalaw ko sa school ito na ang eksena:
Si Julia at Enrique na holding hands!
Si Frances at Kim na sumasayaw ng sweet sa mirrored room.
Si Ellaisa naman malapit na daw bumalik dito sa school. Tapos meron na siyang kaibigan dito na lalake, Darryl yata ang pangalan. Bukambibig ba naman palagi!
Si Brent? Uhm, yieeh. Wait, hinahanap ko pa nga siya eh.
Walang klase sa’min dahil birthday ng principal. Hahaha, walang kwentang holiday. Chos! At least nga, makaka-gala na naman ako eh.
Tuwang tuwa akong naglalakad at nakita ko si Brent. P-pero… May buhat na babae at mukhang papuntang clinic. Nang lumapit ako ng kaunti pero nagtago ako sa pader, ‘di ako nagkakamali! Si Ritchem ‘yon.
Nak ng tokwa’t pusa naman oh. Ang landi niyang babae na yan. Alam niya na nililigawan ako ni Brent pero kung makapag-post sa wall ni Brent sa facebook ng kung anu-ano eh parang sila na. Ang sabi naman sa’kin ni Brent, wag ko daw pansinin KASI NAG IISA LANG NAMAN AKO SA PUSO NIYA. YUNG RITCHEM NA DAW ‘YAN AY WALA PA SA MGA BACTERIA KO SA KATAWAN. Hahaha.
Sinundan ko naman sila hanggang makapasok sila sa clinic. Sus, if I know sinadya ‘yan ni Ritchem para makapag-papansin kay Brent. Naawa naman ako sa kanya kaya ipagdarasal ko na lang na goodluck! Haha.
Sarap sabunutan ang buhok niya sa BABA ng matigil siya sa kalandian niya. Naghintay naman akong lumabas si Brent sa clinic. Parang dati lang, ako ang dinadala niya doon pero tignan mo naman, sarap talagang suntukin! Ugh.
Pagkalabas niya ay halos madapa pa siya sa gulat. Just kidding! Para nga niyang ini-expect na nandoon ako dahil kung makangiti sya eh, wagas!
“Wow ha. Sino bagong babae?” Sarkastiko kong sabi sa kanya. At imbes na sagutin ako ay niyakap niya lang ako. Knowing na pandak ako ay napapatong ang mukha ko sa dibdib nya at nakapatong naman ang baba niya sa ulo ko. Cute namin!
“Selosa mo, pero alam mo? Na-miss kita.” Hinigpitan niya lalo ang yakap at ako din hinigpitan ko. Ubusan pala ng oxygen ha?! ‘Di na kaya ako makahinga, adik’to. Pero enjoy! Sasabog na nga puso ko kasama na obaryo at pisnge ko sa kilig eh. Miss na miss ko kaya ‘to! We barely see each other na lang kasi eh. Naka-focus pa kami sa studies kaya lalong humirap. Well, last year na din naman namin kasi kaya ganito na kahirap.
May dumaan na estudyante doon sa tapat namin at hinarang ko, nabigla naman si ateng. Hahaha!
“Ate, papicture nga kami ng manliligaw ko, dali!” Hinila ko pa siya kahit ‘di siya pumayag tapos binigay ko cellphone ko sa kanya. Natatawa naman si Brent sa ginagawa ko pero lampake! Minsan lang ang mga ganitong moment kaya dapat ma-capture mo na.
Sinabi ko na ganung pwesto ulit kami katulad nung kanina kung paano niya ako yakapin. Nakathree shots si ate. Na-enjoy yata sa ka-sweet-an namin. Hahaha! Nag thankyou naman ako sa babae.
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...