Chapter 41: Thankyou, Chase.

707 32 5
                                    

Chapter 41.

Sabrina.

Hindi ko na napigilang lumabas sa puno at nakita ko sila Chase at Brent na nag-uusap. Parehas silang napatingin sa akin.

"S-sabrina? Kanina ka pa nandiyan?" Tanong ni Brent. Mukhang hindi siya mapakali. Sinubukan kong hindi isipin ang mga huling narinig ko kanina. Pakiramdam ko ay sasabog na talaga ako sa nangyayare.

"Ano ka ba talaga Brent?" Tanong ko sa kanya. "Sabihin mo nga sa akin, gaano katagal mo na kong niloloko sa totoong ano ka?"

Natahimik silang parehas. Hindi alam kung anong isasagot sa akin.

"Sabrina, umuwi ka na. Wala lang ang narinig mo--"

"Pati ba naman ikaw Chase? Niloloko nyo lang ba ako simula pa lang? Para saan? Sabihin nyo naman sa aking mali narinig ko!" Sabi ko kahit pakiramdam ko niloloko ko na lang sarili ko. "Please Brent, i-deny mo." Hindi ko na napigilang umiyak. Parang binibiyak ang puso ko sa mga narinig ko.

"Totoo lahat, Sabrina. I-I'm sorry." Nakayukong sabi ni Brent. Lumapit ako sa kanya at pinaghahampas hampas ko siya pero hindi siya lumalaban. Doon na tuluyang nabasag ang puso ko. Para bang buong buhay ko, nakipaglokohan lang ako kay Brent. "Yon ang gusto kong sabihin sa'yo dati pa lang. Pero habang tumatagal, nakakalimutan ko na. Napapalitan na nung nararandaman ko para sa'yo."

"Hindi mo ba inisip kung anong mararandaman ko sa ginawa mo, Brent?! Kaya ba iniiwasan mo na ako? Kaya ba pumayag kang maging kaibigan ko nung una pa lang? Para saan, kukuhaan mo ako ng dugo? Sige Brent, patayin mo na lang ako. Para mo na din akong pinatay eh!" Sigaw ko sa kanya at naghahampas pa din sa kanya.

"Sabrina hindi ganon 'yon! Nandito ako para protektahan ka. Kahit kailan hindi ko naisip ang binibintang mo. Hinding hindi ko magagawa sa'yo 'yon--"

"Pero nagawa mo nga mag sinungaling tungkol sa sarili mo eh! Hindi mo ba alam kung gaano mo ako sinaksak Brent?" Hinampas ko ng ilang beses ang dibdib ko. "Ganyan kadami Brent, ang sakit! Hindi ko akalaing magagawa mo 'to sa'kin. Minahal lang naman kita, anong mali doon? B-bakit mo ko sinaktan?"

"I didn't mean to hurt you..."

"But you already did Brent! Simula pa lang alam mo ng masasaktan mo ako ng dahil diyan. Bakit hindi mo sa akin sinabi Brent? Ginagawa mo lang ba akong tanga?!"

Hindi siya sumagot. Puro tulo ng luha sa mata niya lang ang nakikita ko. Gustong gusto ko siya yakapin at patawarin agad pero sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. Nagawa niyang mag sinungaling sa akin.

"You don't understand Sabrina...You will never understand."

"Tama si Brent, Sabrina. Please umuwi ka na lang muna. Hatid na kita. Galit ka lang siguro. Wag mo unahin ang galit mo. Hindi mo pa siya maiintindihan ngayon." Hihilain na sana ako ni Chase pero lumapit ako kay Brent at saka siya sinampal.

"Kaya nga ako nagtatanong eh, I want you to explain for your lies! Na baka sakaling nag paliwanag ka, maniniwala ako. Baka sakaling tanggapin kita kahit gaano kasakit, Brent. Ginag-o mo ko Brent eh! Pero ito pa din naman ako, mahal na mahal ka pa din. More than words tayo Brent diba? Patunayan mo naman sa akin."

Saglit kaming natahimik pero hinawakan na ni Chase ang braso ko. "Stop it Sabrina--"

"Alright, aalis na ko. Ayoko na Brent. Sawa na kong saktan sarili ko. Happy ka na ba? Nasaktan mo na naman ako. Sinaktan mo na naman ako. Kung masaya ka na, pwede lumayas ka na lang sa buhay ko? Baka 'di ko kayanin eh."

Lalayo na sana ako pero biglang nag salita si Brent.

"Stay away from me, Sabrina. You're not safe with me anymore...I'm a vampire and...you're a blue blooded. We can't be together." He sighed. Hindi ko naunawaan ang sinabi niya. Blue blooded? "Don't worry, I'll still keep you safe no matter what."

"Tara na Sabrina." Sabi sa akin ni Chase at hinila ako palayo doon. Umuwi ako ng wasak na wasak. Para bang tinanggalan ako ng kalahati kong katawan kaya parang kulang na ako. Umuulan na naman pala, hindi ko na napansing kanina pa ako basa.

"Oh, bakit umuwi kayo ng basang basa sa ulan?" Tanong ni Julia nung sumalubong siya sa amin sa pinto. Kasunod niya sila Frances at Ellaisa.

Hindi ko napigilang mag tanong. Hindi kaya alam din nila. "Alam nyo bang isang Vampire si Brent?"

Natahimik sila sa tanong ko at nagkatinginan pa sila. Parang hindi alam ang tamang kasinungalingan na sasabihin nila sa akin.

"Sabrina...Ano bang sinasabi mo?" Tanong pa ni Frances.

"Alam niya na Frances." Sabi agad ni Chase.

"Kailan nyo pa alam?" Sinubukan kong maging kalma pero natahimik lang sila.

"B-bago tayo pumunta dito." Ellaisa.

"Hanggang kailan nyo ko balak lokohin?! Pati ba naman kayo?" Sabay sabay silang napayuko. "Akala ko ba totoong kaibigan kayo?"

"Sab, makinig ka muna sa amin bago ka magalit! May dahilan naman kung bakit hindi kami nagsasabi sa'yo. Gusto ka lang namin protektahan kay--"

"Kanino? Sa mga kasinungalingan nyo? Sa tingin nyo ba maniniwala pa din ako? Hanggang kailan nyo ko balak bulagin? I hate you all!" Tumakbo na ako papasok sa kwarto namin. Ni-lock ko ang pinto at nag simula na akong mag empake. Ayoko na dito. Lalayas na ako. Masyado ng masakit kung tatagal pa ako dito.

Kinuha ko ang bag ko saka lumabas ng kwarto. Lahat sila napatingin sa akin. "Sabrina, saan ka pupunta? Wag ka na muna umuwi. Malakas pa ang ulan!" Sita sa akin nila Ellaisa.

"Wala na kayong pakialam. Una pa lang naman wala na kayong pakialam diba? Kaya pwede ba wag kayong umarte na parang meron kayong pake. Ayoko na."

Nagulat ako ng hinawakan agad ni Chase ang maleta ko. "Sasama na ako sa'yo. Hindi ka safe kapag lumabas ka lang ng mag isa diyan."

"Sa tingin mo ba naging safe ako nung nag sinungaling kayong lahat sa akin?" Natahimik siya. "Hindi diba? Lalo lang gumulo lahat."

"Please Sabrina, sasama ako sa'yo. Uuwi na din ako. Ako na bahala sa'yo. Please let me take care of you even just for a while."

"Sige na Sab, payagan mo siyang sumama sa'yo. Para kahit papaano ma sure naming safe ka kasi kasama mo si Chase." Dagdag ni Frances na malungkot na nakatungo sa akin.

Ang bigat sa pakiramdam na makita silang lahat na ganito. Pero mas mabigat sa pakiramdam na nagawa nila akong lokohin. Nagawa nilang mag sinungaling sa aking lahat.

Lumabas na ako ng bahay at hinayaan kong sumunod sa akin si Chase. Pakiramdam ko talaga ay babagsak na ako anytime. Muli na naman akong naiyak.

Kahit pa sabihin nating may dahilan lahat ng gunawa nila. Masakit pa din isipin na lahat ng narinig at nakita ko, kasinungalingan lang.

Napaisip na naman tuloy ako. Minahal kaya talaga ako ni Brent?

Nagulat ako nung may humawak sa kamay ko na nakahawak sa maleta ko.

Humarap ako and it was Chase. Lagi na lang si Chase ang nandiyan sa akin simula nung nasaktan ako kay Brent. Parang hindi ko na tuloy kayang magalit man lang sa kanya. Kahit naman sa mga kaibigan ko eh, kaso masakit. Kasi sila pa mismo 'yong inasahan kong magsasabi sa akin lagi ng totoo.

Niyakap niya ako. Muli na naman tuloy tumulo ang mga luhang napigilan ko na kanina.

"It's alright. Nandito lang ako. Iiyak mo lahat sa akin. At pagkatapos nito, hindi ka na dapat umiyak ah?" Sabi niya na nakapag-pangiti sa akin kahit ang bigat.

Thankyou, Chase.

--

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon