A novel written by forgottenblue.
Brent Fernandez's POV
Tinignan ko syang maigi habang papalayo syang naglalakad sa court kasama ang mga kaibigan nya. Damn it! Hindi ko mabasa iniisip nya. Oo, nababasa ko sya pero kunti lang ang pumapasok sa isipan ko. Kaunting impormasyon lang din ang nakukuha ko. Imposible namang ang dugo nya ay--
Hindi! Nahihibang na naman ako siguro. Hahabol na sana ako kay Sabrina ng may tumapik ng balikat ko. Si Kim, bestfriend ko.
"Tol, mukhang nakita mo na sya ha?" Kilala ni Kim si Sabrina. Nai-kwento ko kasi sa kanya na sya na yung babaeng lagi kong napapanaginipan at lagi kong nakikita sa aking mga imahinasyon bago pa kami nagkakilala. Kaya nga nung nakita ko na sya, gumawa na agad ako ng paraan para mapalapitnako sa kanya. Kaya pala hindi kami nagkikita ay dahil sa kabilang building pa sya. Nakahiwalay lang ang mga building ng Elites sa mga Norms.
"Oo, kaso nagtataka ako. Kakaiba sya e." Napansin ko din kanina na parang hindi sya makapaniwala na parang ang daming nagbago. Tama kayo ng iniisip. Binago at inulit ko ang pangyayare kanina. Na-late sila ng 1 hour pero gumawa ako ng paraan para mapanuod nya yung laro ko. Feeling ko talaga ay nararandaman nya ang mga pagbabago. Yung facial expression nya kasi kanina nung nakaharap ko sya ay sobrang nagtataka at parang madaming iniisip.
Ewan ko nga kung bakit ko ginagawa yun para sa kanya e. Yung mag e-effort ako na ibalik ang oras. Matagal kasi ang mag focus doon, pero nagawa ko pa din naman sya. Natutuwa ako palagi pag nakikita ko sya. Ang cute nya kasi e! lagi syang nakangiti. Para bang wala syang problema? Hays. pero teka,
Nahalata nya na kaya ako?
"Paanong kakaiba?" sabi nya. Napilitan naman akong ikwento sa kanya pahat ng nangyare kanina.
"Hindi kaya kasama sya sa mga Blue Blooded? Nak ng tae pare, mali ka ata ng binangga!" sabi nya. Alam kasi naming parehas na mga Blue Blooded lang ang mga may kayang gumawa nun.
(Blue Blooded- Ito ang mga tao na may kakaibang dugo na mas makapangyarihan pa sa vampire o wolf. Kaya nyang ibahin o hadlangin ang mga gusto ipagawa sa kanya ng mga vampire at nakakapagpalit anyo ito sa kahit anong gusto nyang mukha o bagay o hayop. Malakas at tanging kidlat lang ang kinatatakutan nila. Mas mabilis pa silang kumilos at magbasa ng kilos ng isang tao)
"Imposible! Sa tingin mo ba nasa mukha nya ang pagiging Blue Blooded? alam natin na ang mga Blue Blooded ay may scars sa mukha nila, pero wala sya." sabi ko. Napahawak naman si Kim sa baba nya.
"Liban na lang kung tinatago nya. Diba?" natigil ako sa sinabi nya. Maaari nga bang isa sya sa mga Blue Blooded?
"Malas ka pare, alam mo namang ang mga vampire ay kahit kailan hindinpwede sa mga Blue Blooded diba? Alam mo naman siguro nangyare sa Lolo at dapat na magiging Lola mo. Pinatay ang dapst na sawa ng Lolo mo ng Red Empire dahil lang sa nalamang Blue Blooded ang dapat na magiging asawa ng lolo mo.
Ang Red Empire ay ang pinuno ng mga bampira. Sila ang kataas-taasan at ang tanging dapat mong konsultahin. Para silang pinagsama-samang white house, department of justice, at parang mga pulis na din. Kinatatakutan sila.
"Tumahimik ka nga Kim. Nagiging over acting ka na naman e. Hindi ka pa nga sigurado sa mga sinasabi mo e, pero kung makapagsalita ka parang alam mo na lahat. Normal na tao lang si Sabrina, okay?" sabi ko. Paalis na sana ako nang narinig ko pa syang nagsalita.
"Hahaha! Oo na, pero malay mo nga diba? Blue Blooded sya? De joke, pero ito seryoso na... paano pag nalaman nya na hindi ka nya naman pala ka-uri? Sa tingin mo, magugustuhan ka pa din kaya nya?" at doon na ko tinamaan sa sinabi nya. Paano nga kung hindi sya Blue Blooded pero hindi nya naman tanggap kung sino ako?
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampirBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...