Chapter 6: the saviour.

2.7K 121 3
                                    

Chapter 6.

Sabrina's POV

"Ha? Hindi kita ma gets! chappy kasi. lumipat ka ng ibang lugar na may signal!" sabi ko. Kung nagtataka ka, kausap ko sa phone ang three little ponnies. oh ayan ha, may tawag na ko sa mga dear bestfriends ko.

("Oh ayan! Ang sabi ko, kalat na sa highschool department at mga matitibay na fansclub ni Brent mo! Lagot ka~ alam mo ba yung mismong fanclub ma itinayo mo? Wala na! hindi na ikaw ang president! Si Ritchem na! alam mo din bang muntikan na kami sugudin ng mga lecheng fans ni Brent para lang matanong kung asan ka! Gosssssh.") sabi ni Frances sa kabilang linya. Halaaaa! Ano bang nagawa ko?

"Hays. pano na yan?" sabi ko. Napangalumbaba ako. Well, nandito ako sa kwarto ni Baby Brent at mahigpit syang binabantayan. Gwapo nya kahit ang hot hot hot nya na!

("At alam mo ba kung anong mas malala dun? BWAHAHAHAHAHAHA! jino-joke ka lang namin. Ano 'to wattpad?! talagang pagkakaguluhan ka ng fans? syempre hindi. pero yung tungkol sa 'Brent's super first fans' fan club mo ay talagang tinanggal ka na! Kapal talaga nung Ritchem na yun e. Pati ba naman kami, pinalayas?!") hindi ko tuloy alam kung mabibwisit ako o mapipikon aa sinabi ni Frances. Naniwala kaya ko na dudumugin ako ng mga fans nya!

"Hays, ewan ko sayo Frances! Mamaya na nga lang. Babantayan ko pa si Loves. sige na, bye.. later na ang chika ko sa inyo!" sabi ko saka pinatay ko agad yung cp ko. Hays hindi ko talaga makalimutan sinabi nya! I like you Sab.... I like you sab
..

Tumayo naman ako tapos hinawakan ko yung kamay ni Brent saka hinagkan yun. Kunyare role playing. lols!

Sabrina 101: Pagsamantalahan si Brent habang tulog pa!

"I like you.... sab... I like youuuuuuu... I really do~" Lalapit ko na sana mukha ko ng biglang may tumikhim. Omg!

Natigil ako at agad na humarap.

sino sya? girlfriend ni loves? kyaaaah! no way! sino ba ako? ako lang naman ang feeling girlfriend ni Brent!

"Ahh, sino ka? girlfriend ka ba ni Brent?" sabi nung babaeng maganda.

"Ehhh, ikaw po?" tanong pabalik ko sa kanya. Natawa naman sya. Hala, bakit? nag joke ba ko?

Napansin nya ata na hindi ako natawa kaya sumeryoso sya uli.

"Ate nya lang ako. Rose Marie nga pala. Ikaw? ikaw ba girlfriend nya?" Nakakahiya naman ako. kapatid nya pala sya! pero ang bait nya! ang hinhin nya pa! siguro sa kanya nagmana si loves.

"A-ah opo. kaibigang babae nya po ako. Sabrina po." nakipag handshake sya sakin at tinanggap ko naman yun. ang formal ni ate Rose! (uyyy~ nakiki-ate na din ako. syempre feeling close. lols)

"Ang cute mo naman, Sabrina. nga pala, ito yung pagkain nyo ni Brent. Pagising nya, ipakain mo agad itong gamot ha? saka nga pala, asan sila Kim at Jacob at ikaw lang ang nagbabantay dito?" ang caring naman ng ate ni loves. hihihi.

"ah bumili lang po sila ng makakain namin. wag po kayo mag alala, babalik din po yun. Salamat po sa compliment. Kamukha nyo po si Brent, ang ganda nyo po!" Maganda talaga sya! wag nyong isipin na sumisipsip ako. Duh, totoo naman na maganda sya e.

"Ahahaha. Bolera ka palang bata. Ikaw ha? hmm, nagkita na ba tayo dati?" sabi nya tapos nagtatakang nakatingin sakin.

Ha? Ha? Nakita? Parang hindi naman?

"Hindi po, e. baka naman po nakita nyo na ko dati. Pag magaganda po kasi talaga hindi po agad nalilimutan mukha e! hahahaha! AYYY JOKE LANG PO." sabi ko. naku, nakakahiya! kapal agad ng mukha ko!

pero mukhang natawa din si Ate Mary Rose. (feel na feel ang pag 'ate' ko sa kanya e.)

"Nah, it's okay. Totoo naman e. well, tanging mga dyosa lang naman ang nagkakasundo! nga pala, did I hear it right? Sabrina pangalan mo?" tumango naman ako. Bakit? anong meron kaya sa pangalan ko?

"Ahh! Nice to meet you! Ikaw pala yung laging kinukwento sakin ni Brent na--"yan lang ang naudagdag ni ate Mary Rose dahil biglang nagsalita si Loves. napalapit naman agad ako sa kanya.

"Ate Rose, s-stop it. Wala kang sasabihin na iba." yun ang una nyang sinabi. pero nakapikit sya! Okay lang ba sya?

"Haha! okay, okay. Aalis na ko. Sab, pakialagaan si Brent ha? wag mong iwan yan! naku, baka maglupasay lalo yan pag nawala ka! Dyan ka lang okay?" napangiti naman ako sa sinabi ni ate tapos tumango-tango ako. Ang bait nya!

"B-brent? okay ka na ba? bakit ka hinimatay kanina?" sabi ko. Dumilat na din mata nya, sa wakas! kaso mukhang nagulat pa sya kaya napaurong sya. Nauntog tuloy ulo nya! Agad akong lumapit at inalalayan syang makaupo.

"Alam mo Brent, kalma lang! alam ko namang excited na excited kang makausap ako e." pero syempre joke lang. hindi ko naman talaga masasabi yan e! Wala, hanggang isip lang ako.

Hays.

HAYS!

"N-nandito ka lang pala Sab. Akala ko nanaginip ako e. Ahh, oo okay na ko. Hinimatay lang naman ako kanina kasi s-sa sobrang pagod siguro. pero okay na ko." sabi nya saka ngumiti.

"Weh? Di nga? E bakit ang pula pula pa din ng mukha mo? kulang na nga lang, iisipin ko ng gusto mo ko e..." lalo syang namula. oppps! wrong move! agad ko namang ginatungan. "De joke lang! ito naman hindi na mabiro. alam ko namang hindi mo ko magugustuhan no. Ako pa? Eh si Sabrina lang naman ako na half dyosa ng kagandahan tapos half diwata ng mga chix. oh sino nga ba naman magkakagusto doon diba?" Natatawang sabi ko sa kanya. Natawa din sya. omg, the kilig feels! pero totoo naman e, kahit umaasa akong magkagusto sya sakin... alam ko naman na sobrang pagod nya lang kanina kaya nya nasabi na gusto nya ko. Hays. Truth hurts ika nga naman.

"Ako." sabi nya. Ahh sya daw yung taong magkakagusto sa dyosang ako. okay.

WAIT!

KYAAAAAAAH! DID HE JUST SAY 'AKO'?!

Sasabog ovary ko nito. Huhuhu.

At biglang naging awkward. Hindi ko na kasi nasundan yung sinasabi nya.

Iniba ko na lang ang topic.

"Ahh eh hahaha! Tignan ko nga kung mainit ka pa." ilalapit ko na sana kamay ko sa noo nya ng bigla nyang hinawakan kamay ko.

"O-okay na ko." bigla namang bumukas ang pinto. Dumating na sila Kim at Jacob!

"Ahh guys. Ano yan?" sabi ni Kim. Ininguso nila yung kamay ko na hawak ni Baby Brent. Omg! Napabitaw naman ako agad. Ehh, kinikilig na ko e!

"Sige Sab, hahatid ka na lang nung driver nila Paps sa school. Kami na bahala dito, At mukhang madaming ikukwento sakin si Paps ngayon." naka evil smile naman si Kim. Paps pala tawag nila kay Baby Brent.

"Tss." sabi ni Brent. Natawa naman si Kim at Jacob.

"Ah, sige una na ko. Salamat. Hmm, Brent... ah... ahh... See you tommorow! pagaling ka na ha?" sabi ko saka nagmamadaling tumakbo palabas ng pinto ng kwarto nya.

woo! Kinabahan ako dun ha!

--

Kung nagtataka kayo kung bakit kailangan ko pa bumalik ng school ay dahil iniwan ko ang bag ko sa locker. Syempre naman no, magtataka at mapapagalitan pa ko ni mama pag hindi ko dala bag ko e.

Paakyat na sana ako ng third floor (ofcourse nandoon locker ko) nang

*wooooooossshhhhhh*

May nabuhos saking tubig! as in, tubig! pag tingin ko sa taas ay may nahuhulog na balde muoa sa 5th floor na hindi naman kalayuan sakin. Hindi ako makakilos sa sobrang lamig! Napapikit na lang ako.

May yumakap bigla sa akin na mukhang mas matangkad pa at kasing katawan ni Brent. Nagulat ako nung wala na akong narandaman.

"A-arayyyy." pagtingin ko, akala ko si Brent.

.

.

.

.

.

.

"E-enrique?"

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon