Chapter 9.
AFTER TWO MONTHS. SEPTEMBER.
Brent's POV
Simula pa lang, may plano na kong kilalanin si Sabrina. Napansin ko kasing parang may kakaiba sa kanya. Simula nung sinabi sakin ni Kim na parang blue blooded si Sabrina, nagtaka na din ako. Lalo kong pinalapit ang loob nya sakin para mas lalo ko syang makilala. Kaso...
(Flashback)
"Hindi mo man sabihin sakin Brent, alam kong may iniisip ka ngayon. Si Sabrina ba?" napatingin ako kay mama na busy kumain noon. Matanda na si mama pero ang ganda nya pa din.
Nagtataka ba kayo bakit tumatanda sya? Sa pamilya kasi namin, ako lang at si april ang bampira. Nagkasakit kasi kami ng Leukemia ni Rose na hindi na magagamot dahil na rin sa sobrang lala na nito at hindi pa naman kami ganung kayaman. Si papa, yun ang ikinamatay nya.
Para lang mabuhay kami, pina-kagat nya kami sa kakilala nyang bampira. Ayaw pa sana namin nung una ngunit nakita namin kung gaano naging kalungkot si Mama nun. Simula nun, naging tagapag silbi na kami ng Red Empire na sumalba ng buhay ko. Hawak na nila ang buhay ko. ng pamilya ko.
May inabot na red envelope sakin si mama. Ibigsabihin, galing ito sa Red Empire.
"Nak, wag mo sundin ang nakalagay dyan. Layuan mo ang Sabrina na iyon. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya anak, pero ang ginagawa mong ito ang papatay sayo." Sabi sakin ni mama na nakahawak pa sa kamay ko.
Binuksan ko pa din ang envelope.
Nakalagay doon na dapat mapalapit ko ang loob ni Sabrina at lalo ko pa dapat syang makilala. Dapat kong alamin kung Blue Blooded ba sya. Nakalagay din na dapat makuha ko ang loob nya at madala ko sya sa Red Empire para makilala pa sya.
(End of flashback)
Kaso paano pag sinabi ko sa inyo na gumagaan na din ang loob ko sa kanya?
Hindi naman kasi sya mahirap magustuhan. Kahit sinong mapasama sa kanya gumagaan loob e. Kaya hindi na ko nagtataka na napansin din sya ni Enrique.
Isa pang Enrique na yun! Alam kong may plano din sya kaya nya nilalapitan si Sab.
Pero ano yun?
Hangga't nandyan si Enrique, babantayan ko si Sab.
Babantayan ko sya.
--
Sabrina's POV
"Hmm, may gusto ka ba itanong sakin Sabrina? Tanong ka lang!" nakangiting sabi ni Alyssa sakin. Should I trust her?
"Uhh, totoo bang ex ka ni Brent? Bakit ganun oarang sobrang close kayo? Sorry sa tanong ha? Hehe. Wala lang kasi ako ma topic." sabi ko. Wossssh! nakakahiya.
"Tekaaa! Wag mo sabihing gusto mo si Brent? or wait! Nagseselos ka? YIEEEEH! Hayaan mo, kaya lang naman naging kami dahil sa pinagkasundo kami ng Red empire-- uhh I mean ng mga magulang namin. Pero it turns out na ayaw naman namin sa isa't isa at hanggang friends lang kami, ganun." sabi nya na nakangiti pa din. Parang may narinig akong nasabi nya e. Red empire?
"Ahh, haha. oo? Wag ka maingay ha! Wag mo sabihin sa kanya. Bakit hindi mo sya nagustuhan nun? e halos lahat naman nasa kanya na! Wala ka ng hahanapin pa." sabi ko. Oo nga, kahit kung ako yun di na ko tatanggi!
"Kasi Sab, may iba na kong mahal nun. Sya lang talaga minahal ko ng sobra sobra. At hindi ako pwedeng ma-fall kay Brent kasi Bestfriend nya lang ang mahal ko no! si Kim!" sabi nya. Wow! si Kim talaga?
"Wow, swerte naman ni Kim. Magandang babae nagkagusto sa kanya! hmm, e bakit di pa kayo?" tanong ko uli. Dami ko ng tanong pero ok lang, ginusto nya naman yan e. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...