Chapter 31: September and Brent. AGAIN.

846 49 1
                                    

Chapter 31.


Sabrina.


Sumilip ako sa bintana sa kwarto kong nasaan ako ngayon. Gabi na! Ano pa bang ginagawa ko dito? Mukhang nasa school pa din ako nila Brent. Bakit naman ako napunta dito?


Natigil ang pagsilip ko ng may biglang pumasok. Nurse siya, mukhang bago lang dito.


"Ayos ka na ba?" Nakangiting sabi nya. "Natagpuan ka sa garden kanina na nakahandusay at walang malay. Nagdudugo din ang ulo mo pero wala namang sugat. Alam mo ba kung anong nangyare sa'yo kanina?"


Napakunot ang noo ko sa sinabi nya saka ko muli inalala ang nangyare. Si Brent! Hinimatay siya kanina tapos may biglang bumagsak sa'kin na hindi ko alam kung ano tapos nawalan na din ako ng malay. Nasaan siya?


"S-si Brent po?"


"Brent? Wala kaming nakitang kasama mo kanina. Mag-isa ka nga lang kaya laking pasalamat namin na walang nangyare sa'yo. Pwede mo na ba sabihin sa'kin ang contact number ng mga magulang mo? Para ma-contact natin silang okay ka lang."


"Pero may kasama po ko kanina, si Brent Hernandez! Tall, white and handsome! S-saka estudyante po yun dito. Manliligaw ko po siya! Imposible na iwan nya ko doon ng mag-isa." Hindi ko namalayan na umiiyak na lang pala ako. Imposible naman kasi talaga eh! Pero ang pinag-aalahan ko ngayon ay kung ano na nangyare sa kanya.


"Wag ka na mag-alala. We will do our best to search your boyfriend. Just give me your parent's contact first okay?" Tapos ayon binigay ko na. Saglit lamang ako naghintay at dumating na doon si mama. Niyakap ako bigla ni mama.


"Anak! Akala ko kung ano ng nangyare sa'yo. Okay ka lang ba? Me masakit ba sa'yo? Ano yang benda sa ulo mo?" Para siyang nagra-rap nung sinabi yan. Piunasan niya yung luha na kanina pa tumutulo sa mata ko. Nami-miss ko ang yakap ni mama kaya lalo akong napahagulgol eh.


"Ma, si Brent!" Sabi ko.


"Don't worry anak, magkikita din kayo bukas. Okay? Nakausap ko na ang nurse. Hahanapin nila si Brent for you."


Pero lalo lang yata akong hindi kumalma.


--


Nag kotse kami ni mama since uuwi na talaga kami sa totoong bahay namin. Ako na mismo ang nag request kay mama na umuwi muna ako sa kanya. This is a hell week. Gusto ko muna sana mag pahinga.


Umaasa din ako na baka nandito si Brent. Baka umuwi na talaga siya. Baka iniwan nya lang talaga ko mag-isa. Baka naman talaga hindi nya ko mahal. Baka naman trip trip lang 'yon at nakisakay naman ako.


Pero syempre joke na yung bandang huli. Duh! Tiwalang tiwala kaya ako na mahal ako ni Brent. Sana lang talaga okay siya kung nasaan siya ngayon.


"Hays, ang tagal namang umabante ng sasakyang ito." Bumalik ako sa reality ng marinig ko ang sinabi ni mama. Nakaka-ilang busina na siya ngunit mukhang ayaw gumalaw nung kotse talaga sa harapan namin.

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon