Gaaaahd! Thankyou for the 5k reads! Sorry for the late UD. Busy sa school works eh :) credits to the owner of this picture.
Chapter 21.
Sabrina’s POV
*Flashback*
“G-gustong gusto mo ako?” Yan lang ang nasabi ko. Nakangiti ako—HINDI. Umiiyak na pala ako. Hindi ko namamalayan. Akala ko talaga imposible. Akala ko hindi na talaga ako dapat umasa. Pasampal nga please!
Lalo namang lumakas yung kanta. Nagsisisigawan ang mga tao sa paligid namin ng “KISS! KISS! KISS!”
Kung pwede lang eh. Kanina ko pa ginawa. Chos!
“Totoo yun. Kulang pa nga ang sinabi ko para ma-explain lahat ng nararandaman ko para sayo e. Kapag nandyan ka, ang saya ko. Kapag wala ka, para akong hinati hati. Kasi may kulang! Kapag may kasama kang iba, hindi ko mapigilang mag selos. Napapawi naman yun kapag ngumingiti ka na. Hindi ko nga alam kung ano ng ginagawa ko kapag kasama kita eh. Hindi ‘to scripted. Totoong totoo ‘tong nangyayare.” Sabi nya na nakangiti. Nakita ko pa ang pamumula ng pisnge nya. Halatang nahihiya sya! At ako naman, mamamatay na sa kilig!
“Ewan ko sayo. Baka naman kaya mo lang nasasabi yan ay para hindi naman bumigat loob ko kapag lumayo ka. Kapag umiwas ka na. Okay lang naman sakin na hindi mo ko gusto e. Basta wag mo lang paglaruan yung nararandaman ko.” Sabi ko. Tatalikod na sana ako nang hinila nya ako at niyakap.
Bigla namang umulan. Lahat ng taong nanunuod sa amin nawala. Si kuyang binayaran ni Brent para kumanta sa amin ay nandoon pa din. May payong na malaki kasi sya e! Taray lang.
“Totoo naman ‘tong nararandaman ko e. Kaya nga ko nahihirapan na pakawalan ka e. Kahit itanong mo pa sa buwan at sa araw. Kahit itanong mo sa ulan. Kahit itanong mo sa akin, seryoso ako.” Sabi nya. Ehhhh! Edi ikaw na seryoso. Kainis! Keleg ne nemen eke.
“Oo na, Brent. Alis na tayo oh, umuulan na kaya. Baka magkasakit pa tayo nito.” Sabi ko. Hinihila ko sya pero nginitian nya lang ako.
“Hindi ako magkakasakit, nandito ka eh. Ikaw kaya gamot ko.” Natawa na lang ako ka-kornihan nya. Pero ang totoo, kinikilig talaga ako! Feeling ko nga, sasabog na ang puso ko at ribs ko dito eh. Bigla naman syang nagsalita. “Gusto mo din ba ako?”
OMG.
Sabihin ko na ba?
Saka, hindi ba halata?
Okay! KINAKABAHAN NA KO. Capslock para intense!
“Ah.”
Sabi ko.
“Ehhhh.”
Hinawakan nya naman ang kamay ko. Parang hinihiling nya na sana oo sagot ko!
“Ihhhh.”
Gusto ko na nga ba talaga sya?
Gustong gusto?
“Ou.” Sabi ko. Napangiti sya at niyakap ako uli.
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...