Chapter 5: I like you...

3.4K 138 19
                                    

Chapter 5.

Sabrina's POV

Okay! Ang bilis ng araw! Parang dati lang nagliligawan pa kami ni Brent pero ngayon, kami na!

JOKE! Haha, asa pa ko. Mabilis lang talaga ang araw ngayon. Akalain mo yun? magju-july na.

Pagpasok ko sa klase ay nakapabilog ng upuan namin sa dulo ng mga kaibigan ko. Baliw talaga! malamang may pinag uusapan na naman yan kaya ganyan. Pag ganyan kasi sila, may pinaplano yan.

Dahan dahan akong pumunta hanggang sa makalapit na ko sa kanila. Magsasalita na sana ako ng may kakaiba akong narinig.

"...si Brent napakabagal kumilos e! duh, hindi naman pwedeng hanggang dun lang sila. Dapat mas lumalim pa kesa sa balon ni sadako yang nararandaman nila sa isa't isa diba?" sabi ni Julia.

"oo nga, kung tulungan na kaya natin sila na magka-- ahhh! nasa likod mo ang goppelganger ni Sabrina! kyaaaaah!" biglang sigaw ni Ellaisa. Nagtinginan nan ang mga kaklase namin sa pwesto namin. buti wala pang teacher, adik 'to!

"Gaga, kalma ka nga lang! si Sab lang 'to. adik!" sabi ko saka kinuha ko yung upuan ko tapos umupo na ko. Para namang ina-asthma sya na ewan! kung makapag hingalo, ang o.a! nabatukan tuloy sya ng batok queen namin na si Frances.

"Yan kasi, mag limang kape ka pa isang araw! ayan nangyayare sayo e. malapit ka nang magka highblood nyan. Si Julia nga hindi nagulat e. O.A nito." sabi ni Frances. Tinignan ko si Julia na ang laki ng mata na nakatingin sakin. Ay grabe, isa pang O.A. Halatang bestfriends sila pagdating sa ka-hyper-yan.

"TEKA NGA! Anong pinag uusapan nyo? Narinig ko pangalan ni baby Brent ko e, so anong bago sa kanya? sino naman gusto nyong makapalagayan nya ng loob? kaselos ha! Hindi ako inform, bwitchit kayo. Akala ko pa naman ako ang loves nyo dito." sabi ko. Kunyare patampo effect.

"Gaga ka din no? Malamang ikaw at si Baby Brent mo! sa tingin mo ba may choice kami para dyan? wala, wala! kahit loves namin sya, we will let him go for you. tae ka kasi e, tapos gwapo sya. bagay kayo." sabi naman ni Julia. Leche 'to.

"Bitter na bitter ha? pero infairness, I like it! salamat sa blessings nyo sakin mga friends. so, Ano naman gagawin nyo? Daliiiii!" sabi ko.

"Dahil sa kasing kupad ng pagong at ng internet namin ang mga galawan nyo, may naisip kami! paano ba naman kasi? laging hanggang usap-text-ngitian-pick up line-simpleng landian lang ang nakikita namin sa inyo. sa tingin mo ba may mangyayare sa ganunan nyo? hindi kami makakapayag kaya ito let's call this..." magsasalita pa sana si Ellaisa ng biglang sumingit si Frances.

"Teka, ako naman magsasalita! Let's call this, Chasing the Baby Brent's Heart! gusto ko sana Chasing the Vampire's Heart kasi sobrang puti nya like Edward Cullen tapos sobrang gwapo pa! kaso ayaw nila Julia, e. Duh! minsan ka lang makakita sa pilipinas ng mga ganyang mukha, sulitin mo na! at dahil close naman na din kayo, ikaw ang the lucky girl na ipupush namin kay you loves mo!" sabi ni Frances. uhm, sorry na guys mahilig po talaga sa vampire genre ang lola nyo. Ako lang ata nakakasundo nya tungkol sa mga ganyang bagay.

Ang pinagkaiba nga lang namin, ayokong magkatotoo sila, sya naman gustong gusto! sila Ellaisa at Julia gusto rin nilang mag exist sila kung totoo man daw na meron. O diba?

"Ha, salamat talaga! utang na loob ko sa inyo ang lovelife ko." yayakapin ko na silang lahat ng pang group hug ng ini-harang nila lahat ng kamay nila sa mukha ko. aray ha!

"Girl, may bayad yan! Igagawa mo kami ng mga assignment at seatworks and quiz na din. for the whole year! kaya ba?" nasimangot naman ako dun sa sinabi ni Julia. Sa tingin ba nila kaya ko yun? adik 'to.

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon