FAQ // JESGOTLUCKY
KUNG MAY MGA TANONG MAN KAYO, PWEDE KAYO MAG COMMENT IN THIS CHAPTER OR I-PM NINYO SA AKIN AT DITO KO SASAGUTIN. :) THANK YOU PO!
Q: Patay na po ba talaga si Sabrina?
A: Read book 2 to find out :)
Q: Bakit naman po sad ang ending ng CTVH?
A: Sad ending talaga ang plano ko dito :) balak ko kasi nung una pa lang na magkaka book 2 ito so that's why.
Q: Paano ninyo po naisip o nasulat ang CTVH?
A: To be honest, hindi ako fan ng vampire genre. As you can see, hindi masyadong vampire type ang story na ito. More like a humor and romantic pero I tried to stick with the genre so this is what it turned out. Trip trip ko lang talaga isulat to kasi mahilig talaga ako sa pagta-try ng mga bago. kaya naman unexpected nung may pumansin na sa story ko. Hindi kasi concrete ang plot nito, nakakalimutan ko pa yong mga names nung ibang characters at hindi ko ma-edit mga mali ko. Trip na trip lang talaga hahaha!
Q: Title po ng book 2?
A: Forget Me Not, Sabrina Smith. :)
Q: May iba ka pa po bang story?
A: Yes, pero hindi vampire genre. Ito na talaga ang hilig kong isulat. If you stay and if you dare. Kung may time kayo pwede ninyo siya i-try. :)
Q: Ano pong dapat naming i-expect sa Book 2?
A: Improve na ang mga lines at ang mga characters. Medyo mature na rin ang story pero hindi mawawala ang humor at kilig! Maraming unexpected happenings at more pagsubok to come pa. Mabilis update ko doon. :)
Q: may chance po kayang maging hard copy o maipublish ang CTVH?
A: i wish. Lol. Mukhang imposible pa yan kasi napaka immature ng story ko at walang edit edit. Madaming mali at minsan may big details na hindi na napapansin. So I think, medyo imposible. :)
Q. Minsan po kasi may mga part po ng story na nakakalito kasi nag-iiba ang names ng mga character. Kaya ninyo po kayang i-edit ito?
A: Sorry kung meron, nakakalimutan ko na kasi talaga minsan sa sobrang tagal ko mag UD. Nakakatamad na po e-edit kaya sana maintindihan ninyo. Wala kong plano na baguhin ang story kahit gaano pa ito ka-immature. Read at your own risk na lang. Sa book 2 naman sinigurado ko ng maayos ito :)
Q: Sa tingin ninyo po, ano na ang pinakamalungkot na chapter na nai-type ninyo sa book 1?
A: Yong Chapter 50 na entitled as LAST CHAPTER. Bakit hindi yong death ni Sabrina? No, kasama din naman sa last chapter ang death ni Sab and what makes it sadder is, ALMOST. Akala ni Brent, he will almost have Sabrina and their happy ending. Ganon din si Sabrina who also expected na kapag bumalik sya nandoon na ang happy ending na matagal niyang hinahanap. He finally chase Brent's heart! But now, all of it just become almost. Almost a happy ending.
Q: May happy ending na po ba kaya sa BOOK 2?
A: Read book 2 to find out :)
Q: Saan po ninyo nahuhugot ang mga breaking lines o hugot lines dito?
A: Wala, sa kakabasa ko at sa kakanuod ko lang sa mga kaibigan ko na may mga syota HAHAHA. 'Yong tipong kapag may nag break sa kanila, tapos nag kwento sa akin, nagkakaroon ako bigla ng hugot. Yeah, seriously! HAHAHA lol. Sariling imagination lang din ito :)
Q: May iba po ba kayong stories?
A: Yes po XD Check out my works. Nandoon ang "If You Dare ko". Inspired sa Montefalco Series ni Jonaxx <3 Pero hindi totally kagaya ah? Wag tayo mag e-expect HAHAHA. Try ninyo, may kunting kalokohan din doon :D
Any suggestions or recommendation? Feel free to comment. Chikahan tayo sa mga FAQs ko! :) Kung may mga tanong kayo, feel free to message me or comment it here.
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...