Chapter 46: Burn for you

699 34 2
                                    

Chapter 46.

Sabrina.

Isang linggo din kaming nawala ni Brent at masayang nanirahan sa tree house na 'yon. 'Di naman nagalit sila mama since nagpaalam na ako na magkakaroon kami ng mga one week momentsn with Brent! Hahaha, chos.

Buti nga at may baon kaming damit eh. Pinadala ng mga mapagmahal naming magulang!

After that, this will be the day that we have to return. Kasi naman, ngayon na magagalit si mama kung hindi pa ako babalik. Medyo bitin kasi naman, one week lang 'yon 'no. Pero miss ko na din naman si mama!

"Ready ka na ba umalis?" Tanong ni Brent sa'kin. Nakasakay kami ngayon sa kotse niya.

"Oo, Brent. Miss ko na din sila mama eh. Pero Brent nasaan ba talaga tayo? Isang linggo mo ng hindi sinasabi sa akin kung anong lugar 'to." Oo, as in! Secret daw kasi eh. Pero gusto ko na talaga malaman.

Natawa lang siya saka nagsimulang mag-maneho. "Bakit ba interesado kang malaman?"

"Sino ba naman ang hindi? Saka para kapag namiss kita, pupunta lang ako dito maaalala na kita. Saka ma-maintenance ko naman 'tong lugar. Mamaya eh may tumira ng iba dito."

"Wag ka nga Sabrina. Private property ko na 'to kaya walang pwedeng iba na makapasok dito. Hahaha." Napanguso na lang ako. Para talaga siyang ewan. Ayaw pa sabihin.

"Eh bakit naman kasi ayaw mo pa sabihin?" Nakakainis 'to.

Hinawakan niya naman ang kamay ko kaya parang nawala inis ko tapos nagwala naman puso ko. "Gusto ko kasi ako lang makakapag dala sa'yo dito. Mamaya pumunta ka pa dito ng may ibang kasama. Ayoko nga 'non."

Possesive Brent Hernandez. How I love that side of him! Yieeeh, ang babe ko nagseselos sa kung sino mang lamang lupa 'yon.

"What's with that smile?" Tanong niya sa akin na saglit tumingin na parang naguguluhan.

"Wala lang! Nagseselos ka ba?" Ngiting ngiti kong tanong sa kanya. Namula naman siya saka tumawa. Ang cute niya talaga pag-tripan!

"Hindi ako marunong mag selos. Alam ko namang ako lang mamahalin mo. 'Di ba?"

"Eh pwede din naman akong ma fall kay Enrique, Kim, Jacob, o lalo na kay Chase! Guwapogi pa naman si Chase." Tumingin ako sa kanya at talagang namumula na mata niya! Hala! Hahahaha.

"Never fall with that Chase. He's a player. Susuntukin ko 'yon kapag na fall siya sa'yo."

Ngumiti lang ako sa kanya saka hinigpitan hawak sa kamay niya. "Wag ka na nga mag alala diyan. Ikaw lang naman eh. Joke lang 'yong kay Chase! Bantot 'non eh." Natawa na lang siya saka nawala pagiging red ng mata niya. Medyo scary din pala 'yon ha.

"Ang creepy pa din pala ng bigla na lang nagiging red 'yong mata mo Brent. Akala ko masasanay na lang ako." Natatawa kong sabi.

"Ang creepy pa din pala ng bigla na lang nagbabago mood mo Sabrina. Akala ko masasanay na lang ako." Naasar ako bigla! Ginaya niya pa talaga boses ko. Hahaha, bwiset 'to! Tumawa pa ang loko.

"Brent, wag ka nga! Sisipain kita dyan."

"Sabrina, wag ka nga! Mamahalin kita dyan." Pang-gagaya niya ulit. Hindi na ako nabwisit. Nakilig na lang ako. Hahaha asar!

--

"Sabrina, gising na? Nandito na tayo sa bahay ninyo." Pagkagising ko ay nasa kotse pa din kami ni Brent pero sa tapst namin ay bahay na namin. "Hindi muna kita pinasok agad kasi baka magalit ka kapag 'di ako nagpaalam."

"Hmm, anong oras na ba?" Naalimpungatan ako doon ha. Mukhang hapon na ngayon. Umaga kami umalis. Ang haba pala ng byahe namin.

"4 pm pa lang naman babe. Pasok na tayo? Ikaw lang hinihintay ko. Napasok na mga gamit mo sa loob."

Tumango na lang ako kahit inaantok pa ako. Pumasok na kami sa bahay ni Brent at inaalalayan pa niya ako kasi nga para pa akong lasing maglakad. Kapagod kasi byahe eh!

"Good afternoon po uli Tita." Salubong ni Brent kay mama na nasa Garden at nagdidilig ng mga halaman. Nginitian naman siya ni mama. Pero parang may mali sa ngiti niyang 'yon...

"Mama, I miss you!" Tumakbo ako palapit kay mama saka yumakap kay mama. Nakakamiss din pala machine gun at sweet words ni mama! The best.

"N-namiss din kita anak. Okay ka lang ba? Wala namang nangyare sa inyo doon?" Pinamulahan naman ang pisnge ko sa huling tanong ni mama. Parang double meaning kasi eh! Haha.

"Wala po mama. Ma, may problema ba? Bakit ba parang namumutla ka?" Sabi ko pagkatapos naming magyakap. Lumapit naman sa amin si Brent.

"Okay lang po ba kayo Tita?" Tanong naman ni Brent sa kanya.

"O-oo. Sige iho, pwede mo na kaming iwanan ni Sabrina. Ako na bahala sa kanya." May mali talaga kay mama eh. Ano kaya 'yon?

"Ah sige ho. Sabrina, una na ako ha? More than words." Sabi nya saka ako hinagkan sa noo ko. Grabe kahit nandiyan si mama, hindi na siya nahiya!

Wew, pero kinilig naman! Hahaha.

Hinintay ko munang makaalis si Brent. Papasok na sana ako ng bahay para iligpit ang gamit ko pero bigla namang hinila ni mama ang kamay ko. Sobrang lamig ng kamay ni mama. Kinakabahan ako. Parang may kakaiba na talaga.

"Sabrina, hindi na tayo pwede magtagal dito. Parehas kayong mapapahamak ni Brent at ang pamilya natin, kung hindi tayo lalayo sa kanila."

"Ma, ano bang sinasabi mo?!"

"Hindi mo ba naiintindihan Sabrina? Alam na ng Red Empire na nandito lang tayo malapit sa kanila. Hindi ba't napsg usapan na natin 'to na kapag pinagbigyan kita sa isang linggong pagtakas nyo ni Brent, hihiwalayan mo na siya at ititigil mo na ang kalokohang 'to?" Huminga ng malalim si mama. "Alam mong sinabihan na kita na hindi na tayo pwede magtagal! Sinabihan na kita na tapusin ang kung ano mang meron kayo!"

Hindi ko na napigilang umiyak. Hindi na talaga ako pwedeng sumaya. Kahit anong kasiyahan ko natatapos din sa kalungkutan. Kailan ba pwedeng sumaya na lang ako?

"Ma naman, alam mong mahirap layuan si Brent. Hindi ko po kaya. H-hindi ko po talaga kaya."

"Hindi mo kaya?!" Kinuha naman ni mama ang kamay ko saka ibinigay sa akin ang red na envelope. Kaparehas ito ng red envelope na nakita ko dati sa locker ko! Ano na naman 'to? "Now tell me kung hindi mo pa din kaya anak!"

Halos malaglag puso ko nung nakita ko ang message sa loob ng envelope. Hindi pwede. Hindi maaari.

"I'd warned you already but you never listen, right? Now watch how Brent will burn for you."

Hindi ko matanggap ang nababasa ko. Pinunit ko ang message kasama ang mismong envelope. Kung kailan ba naman ako sasaya, saka naman babawiin. Hindi ko na talaga alam kung saan ako nagkamali. Sobrang sakit na.

"Anak alam kong mahirap. Pero anong mas pipiliin mo? Kahit anong piliin mo masasaktan ka pa din naman. Pero piliin mo kung anong worth i-take risk." Niyakap niya ako ng mahigpit. Saglit akong natahimik.

Worth i-take risk.

"M-ma, alis na po tayo."

Ngumiti naman si mama. "I'm glad about your choice anak."

If you're ready to burn yourself for me, then I will too Brent. I hope you will understand.

--

My note:

Hi everyone! Close to ending na tayo. Nagda-doubt pa ako if mag bo-book 2 pa ba ako or wag na? Please help me to decide guys, may mga plano pa kasi akong ibang ongoing kaya dumidepende ako sa inyo kung gusto nyo pa ba ng one more! :) Feel free to help me by commenting your opinion.

LAST FOUR CHAPTERS + EPILOGUE.

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon