Chapter 8: Date and the serious talk!

2.5K 118 12
                                    

Chapter 8.

Sabrina's POV

"Busog? kain pa tayo! doon o, sa may siopao." sabi ko sa kanya. Ayaw pa kasi tumayo ni Enrique sa kinauupuan nya. Ewan ko dyan bakit. Magyayaya ng date tapos ganyan pa sya! Baliw kaya 'to?

Hinila ko sya sa kamay nya tapos tumayo  na rin sya, sa wakas. Lalakad na sana ako ng napansin kong hindi pa din sya lumalakad tapos ayaw nya pa bitawan kamay ko.

"Matakaw ka pala. Kulang pa ba yung tatlong manok sa kfc na nakain mo kanina? akala ko naman yayayain mo kong mag shopping pero ito ka, nagyaya pang kumain uli." sabi nya nung pagkaharap ko. Nakangiti pa ang loko. Hinihila ko kamay ko pero ayaw bitawan.

"Oo na, matakaw na kung matakaw pero pwede mo na bitiwan kamay ko 'no. May kamay ka kaya yan ang gamitin mo!" sabi ko. Hila ako ng hila kaso bigla nya naman akong binitiwan kaya muntik na kong madulas. buti na lang kaya nakapag-balance agad ako!

Natawa naman sya.

"Ewan ko sayo! tss." binilisan ko lakad ko. Kainis talaga yang lalake na yan, di ko ma-gets. Hinarangan nya naman ako bigla.

"Sorry na, hindi lang kasi ako sanay na ang babae hilig lang ang kumain kesa sa shopping. Tara na po, doon na tayo sa siopao boss. Para hindi ka na magalit, bilihan pa kita ng kahit gaano pa kadami. okay?" Ngumiti naman ako. Yes! Food again!

"Mahilig din naman ako sa shopping. Babae din naman ako no. Wala nga lang akong pera para sa mga ganun. Nagkaka-pera man ako, naipang-bibili ko agad ng pagkain. Ganun na talaga ko katakaw. hehe." sabi ko. Nakakahiya mang aminin, pero oo. Matakaw talaga ako!

"Nga pala, gusto mo talaga si Brent? O joke lang yung kanina?" sabi nya.

"Seryoso ako no, mukha man akong joke pero totoong gusto ko talaga sya. Ewan ko nga lang kung alam nya yun. Hays. Hindi ko pa nga sya nakakausap ngayong araw e. Hindi ko pa sya nakikita. Nakakamiss--" tinakpan nya naman bibig ko.

"Wag mo munang isipin yun! kaya nga tayo nandito para mag date e. Ibigsabihin, iisipin mo lang ako. tapos ang iisipin ko lang, ikaw. Okay?" sabi nya.

"Eh ikaw nga nag topic sa kanya e! Baliw ka ba o baliw ka? Hays. Oo na. Namiss ko lang kasi talaga sya e." sabi ko.

Pinindot nya naman pisnge ko.

"Wag mo na nga kasi isipin yun. Sige ka, mas masasaktan ka kapag iniisip mo sya. Para ka lang naghahanap ng kutsilyo na isasaksak sa sarili mo e. Okay? Hangga't ang gwapong ako ang kausap mo, wag mo muna sya isipin. ako lang muna. Pwede na ba boss?" sabi nya. Natawa tuloy ako.

"Seryoso ka dun ha? Hahaha!" sabi ko. Ngumuso naman sya. Bakla ba 'to? nguso ng nguso e.

"Mukha mang hindi, pero oo. seryoso ako sayo. De joke! Hahahaha!" saglitan naman akong namula. Nakakahiya sya mag pick up line! pinagtitinginan na kami dito. Paano ba naman? Nakalunok ata ng

michrophone ito nung bata.

"Ang corny mong mag pick up e no. Sarap mo ipatapon sa payatas." Tawa lang sya ng tawa. Napanguso naman ako. Papasok na kami ng Siopao house at ayun mukha syang tanga.

Nakanguso pa din ako tapos bigla syang lumapit sakin nung nakahanap na kami ng mauupuan.

"Uy, itigil mo ka-ngunguso mo dyan baka ikiss kita! De joke, masyado pa kong gwapo para i-kiss ka. hahaha!" Yabang! Asar! Rinig na rinig sya ng mga tao kaya naman yung iba kinikilig o di kaya natatawa naman.

Nung na-serve na yung siopao namin, magsasalita na sana sya ng nilagyan ko agad ng siopao yung bibig nya.

"Hahahahahahahahahahahahaha!" ako naman natawa sa mukha nya. Namumula na sya. Hahaha! Ang cute nya naman pala e!

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon