Chapter 32: This isn't it?

743 46 0
                                    

Chapter 32:

 

Sabrina.

 

*Play this isn’t is by TAEYANG*

 

“Bakit kasama ni September ang Brent mo?” sabi ni Julia. “Seryoso, tapos naka-akbay pa si Brent sa kanya! Tapos parents ni Sep yun ha. Anong ginagawa nila?” Sunod-sunod na tanong nya. Sinundan kasi namin si September at Brent. May kasama silang matanda kanina which Julia refers as Sep’s parent. Naging close kasi sila ni September since magkaklase sila dati sa Brent. 

Hindi ko alam. Wala man lang sya sinabi sa’kin tungkol dito. Wala man lang sya good morning text sa’kin kanina. Iniwanan nya pa ako kahapon ng mag-isa. At ang mas nakakalungkot pa ‘don, magkasama sila ni September. Para akong tanga na umaasa na baka sakali may dahilan ang lahat ng ‘to.

Nagtatago kami sa likod nila. Lahat kami may hawak ng menu pangtakip sa mukha namin. May isang table ang pagitan namin kaya halos hindi namin marinig ang pinag-uusapan nila. Mukhang masaya silang apat dahil nagtatawanan sila. Tinignan ko kung paano naka-akbay si Brent kay September. Hindi totoo ang nakikita ko diba?

“Bes! Imposibleng lokohin ka ni Brent. Alam nating lahat kung gaano ka nya ka-mahal. Baka may dahilan naman kung bakit nya ‘to ginagawa.” Sabi ni Frances. Sana, sana talaga may mai-dahilan sya sa’kin.

“Imposible? Sa panahon natin ngayon, wala ng hindi possible. Lahat pwede ng mangyare. Saka dahilan? Oo naman may dahilan yan. Gagawan ni Brent ng paraan para makapag-dahilan kahit huling huli mo na sya. Duh, di pa ba nae-explain ng nakikita mo ang nangyayare ngayon?” Sabi ni Ellaisa. Napayuko ako. “Hindi ko akalain na magagawa ‘to ni Brent sa’yo.

“Oy, wag mo nga i-down si Bessy. Ikaw talaga! Gusto mo pang itulad sa’yong single.” Sabi ni Julia. Sama ng ugali nito. Hahaha.

“Letse ka. Nagsasabi lang ako ng totoo. Gusto kong iharap sa katotohanan agad si Sabrina. Ayoko siyang paasahin katulad ng mga ginagawa nyo. Kitang kita naman na natin ang katotohanan o! Jusko. Ano pang ginagawa mo ‘dyan Sab?” Nagtaka naman ako sa huling sinabi ni Ellaisa.

“Oo nga! Gising ka nga. Ikaw pa din ba ang Sabrina na kilala namin? Na hindi nagpapa-talo? Na sinasapak si Ritchem na epal sa love story nyo? As you can see, someone is trying to make agaw Brent to you! Kaya kung ako sa’yo pumunta ka na sa harapan nila at kausapin si Brent ng one on one!” Sabi ni Frances. Napasimangot na lang ako. Pero ibang case na ‘to.

At least yung kay Ritchem, nilalandi nya lang si Brent pero hindi naman sya pinapatulan ni Brent. Eh si September? Look oh, naka-akbay lang naman sa kanya ang taong pinakama-mahal ko. Ano ng laban ko diyan?

Hindi ko na lang namamalayan ay lumalapit na pala ako habang dahan-dahang tumutulo ang luha sa mata ko. Sobrang sakit nilang tignan. Sobrang sakit sa puso. Para akong nagpipilit pumasok sa isang milyong tao sa loob ng maliit na kwarto. Hindi ako makahinga. Parang sumisikip lang lalo ang dibdib ko.

Napatingin sa’kin ang mga magulang ni September. Akala nila siguro ay dadaan lang ako kaya tinignan lang nila ako tapos bumalik sila sa kuwentuhan. Sila Brent at September naman ang tumingin sa’kin. Parehas na nanlaki ang mga mata nila. Napa-tanggal ang akbay ni Brent kay September at tumayo siya. Humarap siya sa’kin.

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon