Chapter 39: I am a...

826 33 0
                                    

Chapter 39.

Sabrina.

"Stop it, Brent. Natatawa lang ako sa ginagawa mo. Hindi naman pagpapatuyo ang tawag diyan." Itinuloy pa din niya ang ginagawa niyang pagpunas sa buhok ko na nabasa gamit nung towel. "Ginugulo mo lang kaya buhok ko."

"Hayaan mo lang ako." Seryoso pa niyang sabi. Natatawa at naiiling na lang ako sa kanya. "I miss you from your hair to toes so bad."

Bigla na lang nagiba ang depensang hinarang ko sa kanya. Basta talaga siya, mabilis lang ako lumambot.

"Brent kakasabi ko lang kanina na wag mo ako paasahin. Hindi porke ayos na tayo, papaasahin mo na naman ako."

Tumigil na siya sa pagpunas ng buhok ko at tumabi na siya sa akin. Nasa salas kami ngayon. Ang lakas pa man din kasi ng ulan. Tumingin ako sa kanya at narandaman ko ang lungkot niya.

Bakit ba siya malungkot? Gosh, hindi ko na talaga ma gets.

Tumingin naman siya sa akin. Mata sa mata. "It's still you, Sabrina."

Bigla natutop ang bibig ko. Hindi ko na mahanap ang mga salitang sasabihin ko sana kanina dahil sa sinabi niyang 'yon. Gusto ko maniwala pero dapat pa ba akong maniwala?

"I know it's crazy. Yeah it really sounds crazy but for me it's the truth that I can't hide forever." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Nararandaman ko ang unti-unting pag lambot ng tuhod ko. Parang any time, bigla na lang ako dadapa dito sa harapan niya.

"Pero bakit Brent--"

"Someday, maiintindihan mo din lahat ng ginagawa ko. Pero sa ngayon, stay safe wherever you will go. Lagi kang magpapasama. Wag kang pupunta o maglalakad ng mag-isa. Wag mo din gutumin sarili mo. Okay lang nasa tabi mo si Chase. At least sure ako na safe ka naman din sa kanya." Hindi pa totally nagsi-sink in ang sinabi niya sa akin nung muli niya akong niyakap. "I'm deeply madly in love with you Sabrina. At mas gugustuhin ko pa na malayo ka sakin ng saglit kesa mawala ka na lang tuluyan."

Hindi pa din ako nakakapagsalita. Hindi ko akalain na sasabihin niyang mahal niya talaga ako. Lahat ng sinasabi niya, totoo para sa akin. Maniniwala ako. For the second time around. Kahit anong sakit okay lang, basta si Brent sasalo sa'kin kapag nasaktan ako.

"B-brent, naiintindihan ko. I'm deeply madly in love with you too."

"More than words, Sabrina." Sabi niya nung lumuwag na ang yakap niya sa akin. Humarap ako sa kanya saka ngumiti. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya saka nagnakaw ng halik sa labi niya. Mukha namang nagulat siya.

"More than words too, Brent." Ngayon ko lang naunawaan ang laging sinasabi ni Brent dati pa man. Mahal niya ako pero hindi enough ang words para mai-describe 'yon.

It was always more than words.

--

"Gising na Sab." Pag gising ko, mukha agad ni Brent ang sumalubong sa akin. Nasa couch pa din pala kami. Natutulog kami doon dahil malaki naman ang couch at sakto sa amin. Nakapayakap siya sa akin at nakahiga naman ako sa dibdib niya.

Ngumiti siya nung napansin niyang matagal ang pag tingin ko sa kanya na 'yon. "Luluto ako ng meryenda natin. Gusto mo?"

Ako naman ang ngumiti. "Sino ba namang hindi?" Sabay na kami tumayo at nag ayos. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papuntang kusina.

Hawak pa din niya ang kamay ko kahit nagluluto siya ng french fries. Hinihila ko ang kamay ko pero gustong gusto niya lang hawakan yon. Baka daw kasi mamaya eh bigla na lang mawala ang ganung moment.

"Nababaliw ka na talaga siguro Brent." Natawa naman siya. "Sa'yo yata nagmana si Chase!"

"Mas gwapo ako sa kanya." Tapos kinurot ko ang pisnge niya. "Saka masama ba 'yon? At least nga sa'yo lang ako nababaliw eh."

Naisip ko naman bigla si September. Ganito din kaya sila?

"Wag ako, Brent. Baka mamaya eh ginaganto mo din si September eh."

Umiling naman siya. "Hindi ah, ikaw lang tinatrato ko ng ganito."

"Tinatratong alin?"

"Tinatrato ng mahal na mahal." Sabi niya sabay kindat sa akin. Ay, mag pinsan nga sila ni Chase. No wonder!

"Infairness bago mga pick up lines mo, 'di na masama. 'Di nga lang din havey." Pang aasar ko sa kanya.

"Don't be like that." He said while smiling at me. "Pinaghirapan ko kaya 'yon."

Saglit kaming natahimik. Hindi ko na alam sasabihin ko. Parang natutop bibig ko at gusto ko na lang siya pagmasdan ng madamag.

"Magsalita ka naman." Biglang sabi niya. "Sobra pa sa sobra na na-miss kita." Nagse-serve na siya ng pagkain namin sa table. Umupo muna kaming dalawa bago ako sumagot sa kanya.

"Pinalitan mo na pala ako sa pagiging madaldal." Natatawang sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya.

"Hindi naman. Sobrang na-miss ko lang kasi siguro 'to." Hinawakan niya naman ang kamay ko na nakapatong sa table. "Basta ikaw, I can talk to you for hours and for hours at hinding hindi ako magsasawa."

Gusto ko ng maiyak. Para na kasing kinukuha na ni God si Brent dahil sa pananalita nito na sobrang sweet na naman. Gusto kong isipin na lagi naman siyang ganito. Pero parang nagpa-paalam na siya sa akin na ewan.

Hinampas ko naman siya. "Wag ka nga, bakit ba ganyan ka na magsalita? Sobrang lalanggamin naman ako sa'yo niyan eh."

"If ever I propose on my bended knee now, will you say yes?" sabi niya habang hinihilot ang kamay ko. Hindi ko na napigilang umiyak. Mukhang nagulat pa siya.

"Letse ka naman. Hindi ba pwedeng tapusin ko muna highschool natin at maka graduate muna ako ng college? Uy Brent may pangarap pa din naman ako sa buhay."

"Hindi ba ako kasama 'don?"

"Patapusin mo muna ako! Syempre kasama ka doon. Hinahabol nga kita palagi diba? Kasi pangarap kita. At para maabot kita, kailangan ko muna maka-graduate. Letse! Naiyak pa tuloy ako sa biglaang pag ganyan mo."
Natawa naman siya. "Alam ko naman 'yon. Just asking. Baka mamaya iwanan mo ako bigla eh. You know me Sab, once your mine there is no turning back." Sabi niya sabay kindat.
"Ikaw gumagaling ka na sa ganyan! Walang duda na magpinsan kayo ni Chase."

"Pero Sabrina,"

"Ano?"

"More than words."

"More than words, too." Sabi ko habang nakangiti.

"Forever and always?" tanong niya.

"Forever and always."

Hinawakan niya naman ngayon ang isa kong kamay. "Kahit maging sino o ano ba ko, matatanggap mo pa din ako?"

Bigla akong kinabahan. Alam ko na wala naman akong dapat ika-kaba but this is not totally him. He knows how much I love him. Umiling na lang ako saka ngumiti.

"Oo naman. Sa ikinahaba haba ng tinakbo ko para ma-chase ang puso mo, ngayon pa ba ako susuko?"

Bigla naman siyang huminga ng malalim na lalo nagpalala ng kaba ko. "I think you need to know this now..."

"Ano ba dapat ko malaman Brent? Kinakabahan ako sa'yo eh."

"I am a...."

--

New book cover on the multimedia! Waah, aaminin na kaya ni Brent? Hmm.

Guys try reading my new stories! Part of Villafuerte Brothers Series, How to be a bad boy & That rich bastard! Nasa works ko lang po sila :)

Thanks ng madami <3

#CTVH39

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon