Chapter 49: After

896 37 1
                                    

Back to the present time na ulit guys :)) Wag malilito.

Chapter 49.

Sabrina.

(NP: Let Me Know by BTS)

"Sigurado ka na bang aalis ka na Sabrina?" Nalulungkot na tanong ni Ellaisa. "Grabe, kung kailan ba naman ako nakabalik na talaga saka ka naman aalis?" Nandito kasi sila ngayon sa bahay. Pinadalaw ko sila kasi malapit na din naman akong umalis. Today is girl's bonding kaya naman walang lalake except kay Chase. Bestfriend ko na din somehow si Chase eh.

"Pwede pa din naman akong dumalaw sa inyo ano. Basta lang siguro, wag nyo na isasama si Brent. Alam nyo naman na 'yong dahilan 'diba?" Bumuntong hininga naman silang apat. Sabay sabay pa talaga ha! "Nakaka-miss kayo pero kailangan ko 'tong gawin. Gagawa naman ako ng paraan para makita ko kayo eh."

"Saan ka ba kasi lilipat?" Tanong ni Chase. "Lilipat nga ako doon."

Kanya-kanya naman silang tilian. Hala, bakit? Mga baliw.

"Ikaw ha, may gusto ka kay Sabrina ano?" Julia. Ano daw? Well, mukha kasing baliw si Chase. Kahit sino talaga iisiping may gusto siya sa'kin.

"Oo nga, kakaiba ka din duma-moves ha. Wag ka na, kay Brent na 'yan eh." Frances. Natatawa na lang ako.

"Oo gusto ko si Sabrina." Nagulat naman kaming apat nung bigla na lang siyang umamin. Pero siya, cool lang na nakangiti. "Pero wala akong magagawa. Mahal siya nung pinsan ko eh. Ayoko naman maging sabit."

"Hilig mo ding magkagusto sa may gusto ng iba ano?" Sab i ko sa kanya kasi 'diba? Nagkagusto din siya kay September pero may gusto namang iba si Sep. At si Brent pa 'yon. Parang lahat na lang ng nagugustuhan niya, si Brent naman gusto! Hahaha.

"Ewan ko ba. Hobby ko yata maghabol sa taong may hinahabol naman ding iba." Natatawa niyang sabi. "No hard feelings though, magiging okay din naman ako. Gusto pa lang naman kita eh."

"Hays, kawawa naman si Chase baby. Kung single lang ako papatulan kita eh. Joke! Kidding aside, madami pa namang iba diyan. O may iba pang right timing. Malay mo si Brent lang ngayon, mamaya naman ikaw na pala!" Siraulo 'tong si Julia. Nang-asar pa.

"Isumbong kita diyan kay Enrique eh! Ang landi nito. Hahaha." Sabi ni Frances.

"Oo, sabihin naming si Chase lang pala katapat mo." Ellaisa. Mga adik. Hahaha! Biglang namula si Julia. Natakot yata.

"Joke lang, hindi naman kayo mabiro. Loyal lang ako kay Enrique ha!" Nagtawanan na lang kami.

"Pero seryoso, saan ka lilipat?" Tanong uli ni Chase sa akin. Curious talaga siya ha. "Para kapag gusto ka naming dalawin, pwedeng pwede ka lang namin puntahan."

"Sa Probinsya lang namin. Sa Cavite. Matatahimik naman na siguro kami doon. Simula ngayon, puputulin ko na lahat ng komunikasyong meron kami ni Brent. Hindi na talaga ako makikipag usap sa kanya. Kaya guys sana kayo din, kung yayayain ninyo ako ng gala...Iwasan niyong isama si Brent. Kung tayo, tayo lang. Mahirap na. Maraming matang nakamatyag lang sa aming dalawa.

"Naiintindihan namin. Wag ka mangangalimot ha?" Frances.

"Oo naman. Paano ko naman kayo makakalimutan diba? Kahit anong ups and downs ko sa buhay di ninyo ako iniwan. Kasama ko sa lungkot at sa saya kaya alam kong kayo na ang bestfriends ko for life."

"Naku, sa totoo lang nanghihinayang ako sa inyo ni Brent. Akala ko 'yong ganyang love story ang pinaka magtatagal sa lahat. Umasa ako o kami na happy ending na kayo. Kasi ang dami nyo ng pinag daanan eh, ang dami nyo ng nalagpasan, tapos dito lang pala matatapos 'yon." Ella.

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon