Chapter 14: Jealousy?

2.1K 86 8
                                    

Guys, binago ko yung chapter 14. Since hindi ko sya feel. Kung nakikita nyo pa ang naunang chapter 14, please inform me. Para di kayo maguluhan. Thankyou.

Chapter 14:

OCTOBER.
Sabrina's POV

"Sabrina, may gusto akong sabihin sayo." sani sa akin ni Brent. Napatigil naman ako sa paglalakad.

"A-ano yun?" nagulat naman ako ng lumapit sya lalo sa akin. Hinawakan nya yung mukha ko.

WAAAH! Hindi pa me ready!

"Matagal ko na 'to gustong sabihin pero lagi ako nauunahan ng kaba e." sabi nya pa. He's breathing hard, ano ba kasi yun?

"Sabihin mo na sakin. Kung ano man yun, sabihin mo na. I'm willing to listen." sabi ko pa.

Hindi kaya gusto nya na ako? OMG.

"Gusto ko sanang sabihin sayo na..." Lumapit pa sya kaya mas lalo akong kinabahan. "Isa akong bampira."

Napatingin ako sa kanya. Biglang nag iba ang itsura nya. Naging pula ang mata nya at naging hugis triangle ang iba nyang ngipin.

Lumapit sya sa leeg ko at nagulat ako ng kinagat nya ko.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Napaupo ako sa kama ko. What? Panaginip lang yun?

Hinawakan ko ang leeg ko. May nahuli akong pulabg langgam. Kaya pala parang may kumagat sa leeg ko e!

"Nak? Bakit? Ano nangyare?" sabi ni mama. Kawawa naman si mama, mukhang nag alala sakin.

"Wala po ma. Nanaginip lang." sabi ko.

Napahilot naman si mama sa ulo nya.

"Kinabahan ako doon ha! Sige kumain ka na at pupunta na ko sa Mini Supermarket natin. Nagluto na ko ng ham dyaan." Sabi ni mama. Natawa na lang ako. Kakaiba yung panaginip ko na yun ha! Akalain mo yun naging bampira si Brent my loves? Kakaiba nga naman!

And you heard it right! May Mini Supermarket kami sa village na ito at si mama ang nagmamay-ari. Sya din yung batay pero syempre may mga nagtatrabaho din doon na iba.

"Sige po ma. Hindi nyo po man ba tatanungin kung ano napanaginipan ko?" sabi ko kay mama. Sumunod na ko kay mama sa pagbaba nya sa sala namin. Ngumiti naman sya.

"Oo na. Ano ba napanaginipan mo? Bilisan mo ang pagkukwento at kailangan ko na ding umalis." May kakaiba sa ngiti ni mama. Ano kaya yun? Pero well, magkukwento na ko.

Nung nakwento ko yung panaginip ko kay mama ay tawa sya ng tawa. Nung nakaraan kasi ang panaginip ko daw mga zombie, ngayon naman si Brent na vampire. Adik daw ako.

"Eh ma, paano po pag totoo yun diba? Anong gagawin ko?" sabi ko.

Malay mo ala- Edward and Bella pala kami! Just joking!

"Edi magising ka nak. O di kaya sampalin mo sarili mo. Malay mo nak naka-singhot ka lang! Hay, o sige na aalis na ko." Napanguso ako sa sinabi ni mama. May sense grabe!

"Nga pala, nakipagkaibigan ako doon sa mama ni Jacob. Yung naka-aksidente sayo nitong nakaraan? Sabi nya, iikot mo naman daw si Jacob dito sa village kasi wala pang alam si Jacob sa mga pasikot sikot dito. Samahan mo ha?" dagdag pa ni mama. What?!

"MA naman! Ayaw." sabi ko. Ayoko talaga. May kakaiba ako nase-senskay Jacob. Picky kasi ako sa pagpili ng kakaibiganin e.

"Ayaw mo? Okay. Wala ka ng chocolate cake for 1 month. Byeee--"

"Joke lang ma! Ikaw naman hindi na mabiro. Gusto mo pati earth ikutin namin e? Alam mo namang mapagbiro ang anak mo e. Hehehe." Tss, kaasar. Yung Jacob pa ang magiging dahilan ng pagkawala ng isang buwan kong cake.

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon