Chapter 20.
Happy 4k reads! This is my gift for all of you :)
Sabrina's POV
"Na-miss kita. Kahit sandali lang, payakap muna ako oh." Sabi ni Brent. Feeling ko sasabog na bigla ang puso ko nung nakita ko sya. O.A mang pakinggan, pero oo! Ganito na talaga ako kapag gustong gusto ko na ang isang tao.
"Uy. Magsalita ka naman. Hindi mo ba ko na miss?" sabi nya sabay bitaw sa pagkayakap nya sa akin. Natawa naman ako. Para syang naagawan ng candy na bata!
"Na-miss kita 'noh! Kung alam mo lang. Lagi kaya akong nakasubaybay sa FB mo! kaso naalala ko hindi ka naman mahilig mag status. Hahaha!" sabi ko. Natawa naman din sya. Yieeeh! Ang cute cute talaga ng dimple nya at sya. Bagay na kami!
"Uhm ehem! Tao po kami hindi istatwa! Yung totoo, may balak ba kayong pansinin kami?" napatingin naman ako kay Julia. Siraulo 'to, panira ng moment!
Nag peace sign sya ng narandaman nya na ang sama ng titig ko sa kanya. Naku, kung hindi ko lang ito kaibigan!
"May balak naman. Nakuha nga lang agad ni Sabrina atensyon ko. Haha, saan ba balak ninyo pumunta?" OMG! Kikiligin na ba ko kung kanina pa ko kinikilig? Naku, kung nagagawa lang na granada ang puso ko kanina pa ito sumabog!
"Brent, grabe ha. Miss na miss ka kaya nyan. Kung alam mo lang? Laging nalalagas ang buhok nya kakaisip sayo! Hahaha!" Binatukan ko naman sya. Nakakahiya! Baka naman isipin ni Brent ang easy to get ko at baliw na baliw ako sa kanya WHICH IS TRUE.
"Kamusta na pala si Alyssa?" Tanong agad ni Jacob. Ay, nag e-exist pa pala sya. Nagbago naman ang itsura nya. Parang umitim aura nya? Kanina ang saya saya nya e.
"Nakakulong pa din naman sya e. Pero kahit ganun, hindi ko naiiwasang mag alala. Baka mamaya may gawin na naman yun e." Sabi ni Brent. Naalala ko tuloy si Alyssa. Paano nya kaya nagawa yun sakin? Kay Brent?
"Nakulong si Alyssa? B-bakit?" sabi naman ni September. Hmm, kilala nya si Alyssa? Baka naman old friend sya ni Brent. Baka?
"It's a long story. Mamaya ko na sasabihin." Ngumiti lang si September sa sinabi ni Brent. Ngiting ewan. Nakakakilabot talaga sya e!
--
Pumunta kami sa may malapit sa mall namin sa Dormitory. Nag KFC kami. Since walang ibang natitirang table na for five, pumunta kami sa tig da-dalawa na lang. Sila Julia, Sep, at Jacob naman ang magkakakatabi. At ofcourse, kami naman ni Brent ang magkasama!
"Kamusta?" Sabi ni Brent. Napansin ko, paganda ng paganda ang ngiti nya habang tumatagal. Hays ano na ba itong nararandaman ko?
"O-okay lang. Eh hehehe." sabi ko. Kinurot ko naman sarili ko. Bakit parang ayaw kong magising? Para talaga kasi akong nananaginip e.
"Sigurado ka ba? E ang pula pula ng mukha mo. May nakain ka bang hindi maganda?" Sabi nya tapos hinaplos haplos nya yung mukha ko. Tinitignan nya ata kung may lagnat ako pero lumayo naman ako. Namumula ako! Tapos baka mamaya uminit pa ko. Mamamatay na ko sa kilig nyan, pls.
"W-wala naman. Sorry ha? Ang ano. basta hindi lang talaga ako gaano ka-ayos today. Medyo may problema pa kasi ako in coping up on the Brent University. Ang hirap nung feeling na nasanay ka sa dating school mo dahil parang tahanan mo na talaga yun! sampung taon na ko doon dapat e, makakakuha na ko ng kahit isa man lang na award sa buhay ko! Loyalty award. Tapos mawawala lang yun dahil sa isang lecheng aksidente. Hays." Sabi ko. Natawa naman sya. Hay, buti na lang. Sinadya ko talagang mag joke para mabawasan naman ang awkwardness na umiikot sa amin.
Pero bigla din siyang sumeryoso at agad na hinawakan yung kanang kamay ko. Omg! Holding hands na ba ito?
"Oh, baka naman isipin mo may malisya ito ha? Friendly gesture lang. Joke! Gusto ko lang talaga pagaanin loob mo. Alam kong nanghihina ka ngayon sa mga sunod sunod na nangyare sa atin--sa lahat. Pero tandaan mo, lagi lang akong nandito. Ako nagsimula, ako din tatapos. Lahat ng 'to? Mawawala din. mawawala." Sabi ni Brent. Medyo nanibago naman ako sa sinabi nya na may kasama pang kilig at bilis heartbeats. Bakit ba hindi ko maiwasang lalong-- HAYS!
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...