Chapter 22.
Sabrina's POV
"Nak, ikaw naman. Wala yun. Sigurado ka bang gusto mong malaman?" Nakangiting sabi ni mama. Si Brent naman mukhang matatae na natatakot. Ano bang sekreto nila?
"O-opo mama." Sabi ko. Hinila nya naman ako at kumuha sya ng isa pang upuan. Pinaupo nya kami ni Brent. Ano ba kasi talagang meron na di ko dapat malaman?
"Dapat ay hindi ko pa talaga 'to sasabihin sayo. Pero mukhang mabubuking mo din naman ang surpresa ko. Nak, pinapayagan ko na ulit siyang maging kaibigan mo. Naisip ko kasi na mali ang ginawa ko. Ito ang kasayahan mo diba anak? Ang magkaayos kayo? Sana tayo diin nak." sabi sa'kin ni mama. Nagulat naman ako at niyakap nya ko. Yun lang ba talaga? Kahit naman hindi nya gawin iyon, magkakabati at magkakabati pa din naman kami. Mahal ko kaya si mama! Pero yun lang ba talaga yun?
"At saka nga pala, isinama ko na din si Brent sa debu mo. Advance happy birthday anak! At nandito sya para hindi ko sana sabihin ang surpresa sayo. Kaso, narinig mo naman na eh." Nakangiting sabi uli ni mama. Napangiti ako at niyakap ko din sya.
"Ma, kahit naman 'di mo gawin yun, loves pa din kita eh! Naiintindihan ko naman kung bakit mo nagawa yun so don't worry na. Pero salamat pa din po ma! Thankyou po. Best gift ever na naging mama kita!" Sabi ko tapos humiwalay na ko sa kanya. Si Brent naman nakangiti na. Hays, nakakawala ng pagod sa mahabang byahe. Parang anghel lang na nakangiti!
Iniwan naman kami ni mama at sabi nya maghahanda na daw sya ng merienda namin. Laging ganito ang scenario namin ha, garden type! Suyuan na ba ito sa asotea?
Grabe. Awkward! Nakatingin sya sa iba at ako lang ang nakatingin sa kanya. Nakakainis, baka naman kasi talaga trip lang yun diba? Pero mukha syang seryoso... Ugh! Ang gulo. Bwiset.
Tapos tumingin na sya sa'kin. Para akong biglang sinuntok sa puso.
"Sorry." Sabay na sabi namin. Whoah!
"S-sorry kasi... Matagal bago ko nasabi sayo lahat. Sorry kung mukha akong nag sisinungaling," hinawakan nya naman ang balikat ko at iniharap nya ang mukha ko sa kanya gamit ng isa pa niyang kamay. "Pero totoo talaga 'to lahat. Kung akala mo nanaginip ka, alam kong malabo dahil ganito ako at ganyan ka... pero totoo. Gusto talaga kita. Di nakakahiya aminin kasi, alam kong lahat ng sinasabi ko may pagpupuntahan balang araw. S-sana lang maintindihan mo ko kung--"
"Bakit ba hindi mo na lang sabihin sa'kin kung bakit ka mawawala o bakit ka pasulpot-sulpot kung kailan mo lang gusto? Ang hirap kayang maghintay sa walang kasiguraduhan. Ang hirap kayang umasa tapos biglang baka mamaya wala naman talaga--"
At sa isang iglap,tumigil mundo ko. Para bang nawala lahat ng takot, galit, pag aalala at pagtataka ko nung hinagkan nya ko. Saglit lang yun! Mga five seconds lang pero enough na yun para umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Pag tingin ko sa kanya, nakangiti lang sya. Pero namumula din.
"Hindi ka pa din ba naniniwala?" Napanguso na lang ako. Bakit ba sa isang iglap kayang kaya mo kong baguhin?! Hay naku.
--*Play the song in the multimedia*
"1, 2... 1, 2.. Ay tss. Mali yan! Ito dapat oh." Sabi ni Teacher Frances at hinila si Kim. Bestfriend na bestfriend sila ha? Pansin ko. Bagay pala sila! Sorry to Ellaisa ha, pero medyo bagay talaga sila. Parehas pa dancer yan! Nag sample naman sila ng sayaw na parang tango. Hirap naman nyan!
Infairness, magkasunod na magkasunod ang sayaw nila. Nagtatawanan pa sila. Walang ilangan kumbaga! Pero may kakaiba akong napansin sa ngiti ni Frances. Ngiting kay Kim lang nya nabibigay. Wait...
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...