Chapter 34: Spaces

773 43 2
                                    

Chapter 34.

Sabrina.

(Play SPACES by One direction in the multimedia)

"Sabrina?" Napa-harap naman ang lalakeng kasama ko kay Brent. "Chase, magkakilala kayo?" Tanong ni Brent sa kasama ko. So Chase pangalan nya? Nanghuhuli? Pfft. Bakit sya kilala ni Brent?

Bigla naman akong natahimik. Gustong gusto ko yakapin si Brent. Parang ilang taon kaming hindi nagkita. Gustong gusto ko syang sampalin, sabunutan, saktan pero hindi ko magawa. Gusto ko na lang biglang mawala sa harapan nya.

"Ah, oo! Kilala ko sya. Bestfriend ko 'to eh!" Sabi ni Chase. Nagulat ako ng bigla nya akong inakbayan. "Sya ang nag accommodate sa'kin nung pagbalik namin dito." Napatingin naman ako sa kanya. Anong sinasabi nito? Napa-tango na lang ako ng ilang beses sa sinabi nya tapos yumuko ako. Hindi ko sya kayang titigan ng matagal. Pakiramdam ko, babagsak ang luha na lagi kong pinipigilan eh.

"K-kailan ka pa umuwi dito?" So, magkakilala pala talaga sila. What a small world. Gusto yata ako pikonin ng tadhana.

"Pinsan naman. Hindi pa ba nasabi sa'yo ni Tita? Nung isang araw pa kami dito. Sabi ni mama, pumunta daw sya sa bahay ninyo kahapon. Wala ka ba kahapon? Saglit lang naman kami dito. Uuwi agad kami after two weeks sa Laguna." Sabi ni Chase. Shet. Magpinsan pa pala sila.

"A-ah. Wala nga ako kahapon." Oo, wala ka talaga kahapon. Naglalandian kayo ni September nun eh. Kumirot ang buong katawan ko sa naisip ko na 'yon. Ang sakit pa din pala talaga.

"Sige una na ako Chase ha? Baka hinahanap na ko." Sabi ko. Papasok na sana ako ng.. "Sabrina! Pwede bang mag usap muna tayo?" ng tinawag ako ni Brent.

"Pre, mukhang ayaw ni Sabrina. Alis ka na! Next time na lang ulit. Wala pa 'to sa mood, baka mapatay ka niyan. Hahaha." Narinig kong biro ni Chase. Gustoko mag thankyou. Mukhang angel in disguise ko si Chase eh.

"Sabrina, sana-sana maintindihan mo na ginagawa ko 'to para sa'tin. Saglit lang naman 'to eh. Kapag maayos na ang lahat, siguradong sigurado na babalik ako sa'yo." Narandaman ko ang sinseridad sa boses nya. Kaso ayoko ng maniwala. Parang katulad lang kasi ng lagi nyang ginagawa eh. 'Yung pinapaasa nya ako na mahal nya ako.

"Chase, ingat ka. Pasok na ako. B-bye." Sabi ko sabay pasok sa gate tapos sinarado ko na. Hindi ko na mapigilang umiyak. Ang sakit. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala o hindi dahil sa ginnawa nya kahapon. Itinaboy nya lang naman ako.

Naisip ko na munang mag ayos ng mga gamit namin para sa byahe namin mamaya papuntang Buhol. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Bakit kaya? Sa sobrang pagod na lang din siguro 'to kaya naman nagpahinga muna ako saglit.

10 pm na nung nagising ako. Usapan namin ay 11 pm kaya naman agad akong naligo. Alam naman ni mama na may plano na kaming ganito kaya hindi na 'yun magugulat kung wala ako. Saka 24 hrs. open yung shop namin kaya doon na lang ako magpapa-alam sa kanya.

Saktong pagkatapos ko maligo, may nag door bell. Sila na yata 'yan. Dalawang van daw gagamitin. Nagtataka na tuloy ako. Siguro kasama pa ni Julia magulang nya. Kawawang bata. Hahaha.

Kinuha ko na ang mga gamit ko saka mga kailangan ko saka na ako lumabas ng bahay. Hays, it's time to move on a little bit!

Binuksan ko ang gate. Saktong mukha ng tatlong baliw ang nakita ko.

"Beees! Let's go?" Excited na excited si Julia ha? Kung maka-ngiti parang mauubusan ng ngiti 'to. Pero nung tinignan ko sila, ang pu-pula ng mata nila. Parang galing sa iyak. Bakit kaya?

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon