Chapter 35: How to move on #1

750 41 13
                                    

Chapter 35.


 

Sabrina.

 

"Oh, hi Sabrina!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin. "Kasama ka pala! Hindi ako nasabihan ni Brent."


Si September. Nakakapit kay Brent. Para na namang pinunit ang puso ko ng maraming beses.


"Kailangan ba lagi kang inform kung sasama ako o hindi?" Hindi ko namalayan na nasabi ko na pala 'yun. Ano ba, Sabrina! Wag ka magpadala sa nararandaman mo.


Mukhang nabigla naman sya sa sagot ko pero ngumiti pa din sya. How fake. "Ah, I'm sorry. I don't mean it in that way. Brent, let's go." Hinila nya naman si Brent na nakatingin sa akin pero umiwas agad.


"Hmm, may something sa inyo ha. Teka nga, sino ba talaga girlfriend ni Brent. Si Sep na 'yun o ikaw?" Tumitig naman ako sa kanya ng masama. Ayan na naman sya. Hindi ba halata na nakakasakit na sya?


"Parehas kayo ng pinsan mo eh. Ang hilig manakit." Tutuloy na sana ako sa paglalakad nung hinila nya ako. Pero hindi ako humarap. Ano pa bang sasabihin nya? Nakaka badtrip na talaga. Kung hindi lang kasama sila Ellaisa dito hindi talaga ako sasama.


"Kung sinaktan ka nya ng una, ibahin mo ako. Sorry kung may nasabi akong hindi maganda. Pero sigurado akong hinding hindi kita masasaktan katulad ng ginawa nung pinsan ko." Humarap ako sa kanya at nakangiti sya. Dapat ba kong magtiwala sa kanya? Ang hirap na kasing masaktan eh. Tae naman. Ito na ang kinakatakutan ko eh! Nagkaka-trust issues na ako.


"Nevermind, tara na?" tapos hinila nya na ang kamay ko. Hindi naman masama magtiwala ulit diba? Magiging mabait naman siguro syang kaibigan. Sana.



Nasa eroplano na kami. Kasalukuyan kong hinahanap ang seat ko. Nice, sa bintana naman pala ako. Umupo na ako doon. Ang tagal naman nung magiging katabi ko. Sure ako na si Chase 'yun dahil lang naman sa magkasabay kami. Pero hindi ko pa nakikita ang number nung ticket nya eh.


"Ah. Namali yata ako." Natigil naman ako nung narinig ko yung boses ni Brent. Nasa tapat ko sya. Sya ang katabi ko?! Imposible, nasa likod ko sya nakapila, paano naman mangyayare yun—"Mind if I sit here?" Yes, I will really mind. Masasaktan pa nga ako eh. Nakakainis ka naman tadhana eh! I hate you with feelings.


Tumingin ako sa likod ko at si September at Chase pala ang magkatabi. Sa harapan ko ay si Frances at Enrique. Sinasadya na talaga nila 'to.


"Sige." Sabi ko na lang tapos umupo na sya sa tabi ko. Like I have a choice! Ang lakas ng trip ni tadhana ngayon eh. Ginagawang laruan feelings ko.


"Kailan pa kayo magkakilala ni Chase?" tanong nya na nagbasag ng katahimikan sa amin.


"Nung nakita mo kami, doon pa lang kami naging close."


"Layuan mo sya." Ha? Ano daw?

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon