I want you to understand what makes Sapphire become a Suffer to everyone. Chos, haha! So this chapter will be the point of view of Sabrina's Mom. Shiela Smith. This is just a flash back of what happened before Sabrina and Brent generation.
Chapter 48.
Shiela Smith.
"Ayaw nila mama at papa sa'yo. Siniraan ka ni Sapphire sa kanila, Shie. At mas malaki ang tiwala nila kay Sapphire. Hindi sila naniniwala sa akin kahit anong gawin ko." Nakikita ko ang lungkot sa mata ni Revo. Alam ko na maganda ang relasyon ko sa magulang niya kaya paano nangyare 'yon?
"Bakit? Ano bang sinabi ni Sapphire sa kanila?" Hindi ko maintindihan. Paano magagawa 'to ni Sapphire sa akin? Bestfriend naming dalawa si Sapphire. Paano niya ako masisiraan? Bigla ko naalala ang araw na umamin sa akin si Sapphire na mahal niya ako. Pero sabi ko mahal ko si Revo.
"Sinabi niya na gusto lang daw ng mga Royal blood na i-take over ang mga Vampire. May pinarinig siyang pag uusap pero hindi naman totoo 'yon 'di ba?" Huminga si Revo ng malalim. "Pinapalayo ka nila sa akin. At kapag nakita ka pa nila, ipapatapos nila ang buhay mo. Ang alam nila ay gusto mo lang akong mapatay."
Imposible. Sigurado akong na-record ni Sapphire ay ang pag take over ng mga Royal blood sa mga taong may malalala ng sakit. Bakit ganon? Bakit iba ang sinabi ni Sapphire?
"Hindi ko kayang gawin ang sinasabi nila, Revo! Bakit ba nasasabi ito ni Sapphire? Ano bang ginawa ko sa kanya para ganunin niya ako? Para siraan ako?"
"May kasama pa siyang isa sa mga magagaling na manghuhula sa Red Empire. Sinabi nito na may isang tao na magpapabagsak sa Red Empire ngayon." Tumingin siya sa akin. "Kaya lalo nilang inisip na ikaw na 'yon. Madami pang lumabas na hula na galing sa mga Royal blood ang tatapos sa amin."
Nanginginig na ako. Hindi ko maintindihan. Wala naman ganitong kalala na gulo dati pa man. "Dati pa man Shie, inggit na sa inyong pamamalakad si Sapphire. At alam kong ito na ang simula 'non. Gusto ka niya na ding agawin sa akin. Alam ko na lahat na ito ang gusto niyang mangyare. Mapalayo ka sa akin. Gusto din niya maging hari ng bagong Red Empire kaya gusto niya akong talunin dahil alam niyang sa akin pa din naman babagsak ang pagigng hari. Unless kung mamamatay ako." Dugtong pa niya.
"Revo, kung 'yon ang gusto niya itigil na natin 'to. Ayoko maging suwail ka dahil lang sa akin. Alam kong pag iinitan ka ni Sapphire, at ayokong mangyare 'yon--"
Hinawakan naman ni Revo ang mukha ko. "Hindi, hindi pwede Shie. Ipaglalaban kita. Lalayo tayo dito. Hindi ako papayag na sila lang makakapagpatigil sa akin. Sa atin. Buong buhay ko, pinapaikot lang nila ako sa kamay nila. Laging sila ang sinusunod ko. Akala ko walang kwenta na ako, pero nung nakilala kita. Doon ko nalaman na ikaw 'yong taong dapat kong ipaglaban. Ikaw lang tama sa lahat ng ginawa ko kaya kahit kailan hindi kita iiwan. Porke hindi nila ako totoong anak, ganito nila ako i-trato. Porke purong bampira si Sapphire, siya ang lagi nilang pinapakinggan. Sawa na ako sa ganon. Shie, ngayon naman ikaw ang susundin ko."
"Revo..." Naiiyak kong sabi. Hindi ko akalain na magiging ganito siya para sa akin. "Revo paano ka? Paano ang mga magulang mo? Paano na ang Red Empire na ikaw ang inaasahan?"
Ngumiti naman siya sa akin. "Kahit kailan hindi nila ako pinahalagahan, Shie. Hindi 'yon ang dahilan kung bakit pa ko nabubuhay ngayon. Ikaw lang nagpahalaga sa akin ng ganito kaya ikaw lang din ang papahalagahan ko. Wala na akong pake kung magiging suwail ako sa mata nila. Basta nandito ka. Wala na kong pakialam sa sasabihin nila."
"Mahal na mahal kita, Revo." Sabi ko saka siya niyakap. Ganon din naman siya.
"Mahal na mahal din kita Shie."
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...