Chapter 38.
(NP: Missing you by Taeyeon)
Sabrina.
Naiinis na talaga ako sa kakulitan ni Chase. Kanina pa niya hinihingi number ko kasi nga daw crush niya ako. Straight to the point masyado!
At inaasar pa ako na kinikilig daw ako. Alam ko naman kung paano ako kiligin ano. Iba pa din 'yun sa nararandaman ko kay Brent. Nahihiya lang ako sa mga kalokohan niya.
"Chase naman. Tigilan mo na ako. Pasalamat ka at hindi pa ko dinadalaw ng antok kaya gusto ko muna dito magpahangin." Nasa balkonahe kasi kami. Ayoko kasi ng view kanina. Nandoon sila Brent at September.
"Eh di thank you. Maganda ngayon para makausap pa kita ng maayos eh. Yung walang panggulo." Nakangiti niyang sabi.
"Panggulo?" Eh siya nga 'tong panggulo eh.
"Si Brent. Kanina pa masama ang tingin sa atin eh." Sabi niya at sumandal siya doon sa pader saka tumingin sa langit. "Seselos siguro."
"Seselos?" Pekeng tumawa naman ako. "Uso pala 'yun sa kanya. Oh please, wag mo ko patawanin. It's clear na mahal niya si September." Mapaklang sabi ko.
"Lalake ako at lalake siya. Alam ko ang kapwa ko kapag mga ganyang bagay." Seryoso pa siya niyan ha. Ayoko ng umasa na totoo yun. Baka jino-joke time na naman ako ni Chase.
"Eh di ikaw na may alam." Yumuko na lang ako para hindi niya matignan reaction ko. Dahil sa totoo lang masakit pa din talaga. Umasa ako eh. "Wala na akong pakialam, Chase."
Natawa naman siya kaya napa-angat ang ulo ko. Nakatingin pala siya sa akin.
"Nakakatawa kayong dalawa." Sabi niya sabay tawa ulit. Oka, fine! Ginawa pa kaming entertainment. "How to move on #3, it's okay to be bitter sometimes. Mas maganda na ninanamnam mo ang sakit kesa sa iwasan mo. Para kapag gumising ka isang araw, it's either masasanay ka na sa sakit o hindi ka na masasaktan."
'Yan na naman siya sa advice niya. Sa totoo lang gustong gusto ko siya sundin. Pero may something sa akin, sinasabing, hold on for a while. Hays, ewan. Tama ba ang nararandaman ko?
"Chase, bakit ang galing mo sa mga ganyan? Naka ilang lovelife ka na siguro ano?" Ngumiti lang siya. Iyang ngiti niya siguro ang pinaka asset niya. Kahit sino na ngitian niya ng ganyan, mai-inlove talaga. Except nga lang ako.
"Hindi ah. No girlfriend since birth ako."
Napa-'woah' naman ako. "Oh, talaga? Weh?"
"Hahaha, oo nga!" Ginulo niya naman ang buhok ko. "May nagustuhan akong isa pero ayon, may gusto siyang iba. Ayaw yata sa sobrang gwapo." Nakatawa siya pero halatang nalungkot siya nung maaalala yun.
Hindi ko maisip ng maayos na may mangba-busted sa kanya. Almost perfect na kasi si Chase kung hindi lang maloko.
"Sino naman yun? Aba at ang kapal naman yata ng feslak nun! Maganda ba?" Tumango naman siya. Ay, maganda? Ngeee.
"Pero mas maganda ka." Sabi niya sabay kindat sa akin. Malandi din talaga ang isang 'to.
"Pwe, alam ko na 'yan pero tigilan mo ako. Sino nga kasi yun at sino naman ang nagustuhan niya? Siguro mabait yun kaya niya nagustuhan." Pang-aasar ko pero ngumiti lang siya.
"Si September. Nagustuhan niya si Brent. At kamalasan, gusto nila ang isa't isa. Sabit lang pala ako no'n. Pero wala na yun, matagal ko ng nakalimutan."
Nabigla ako. Si September pala ang binabanggit niya. Matagal na pala talaga silang may connection sa isa't isa.
Ibig sabihin din ba sabit lang ako dito?
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...