Chapter 37: Chase

768 41 6
                                    

Chapter 37.

Chase Hernandez.

"Seriously?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Sabrina. Ang cute niya talaga magulat.

Kahit ako 'di ko maintindihan kung bakit ko 'to ginagawa eh. I'm weird around this girl. Simula nung nakita ko siya sa basketball court na pinapanuod ako, nakarandam na ako ng kakaiba sa kanya. Coincidence? parang 'di naman.

"Seriously." Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa totoo lang, ang ganda niya talaga. I don't know why Brent let her go pero sigurado akong may dahilan 'yon.

I know Brent well. Mag-pinsan kami eh. Randam ko na nga na kahit anong oras, papatayin niya na ako. Kung wala lang mga tao sa paligid namin. Ilang beses ko ng nakita nag pula ang mata niya at ibisabihin lang no'n galit na siya which is very rare in Brent.

First time ko siya makita na galit ng ilang beses ngayong gabi dahil kay Sabrina. Nakakatawang tignan.

"Mag-usap nga muna tayo, Chase." Biglang sabi ni Brent. Haha, papatayin na ako nito.

Hinawakan naman ni Sabrina ang wrist ko. "Uy, seryoso ka 'don?"

"Oo, Sab." Itinanggal ko na ang pagka-hawak niya sa akin saka lumingon kay Brent. "Tara na."

Tapos nauna na siyang tumayo at mag lakad. Sumunod lang ako sa kanya. Papunta siya sa verandah. Pagkapasok namin doon, ni-lock ko muna ang pinto.

Pagkaharap ko sa kanya, agad dumapo sa mukha ko ang galit niya. Ang suntok niya. Malakas si Brent kesa sa akin kaya nalasahan ko agad ang dugo sa gilid ng labi ko. Natawa na lang ako habang pinupunasan 'yon.

"Ano bang problema mo at nakikidamay ka pa Chase?!" Tanong niya agad nung nakatayo na ako.

"Ako pa may problema eh ikaw nga 'tong sumuntok sa akin." Sht. Ayaw tumigil sa pagdugo ang labi ko. Napalakas yata suntok niya. "Gigil ka masyado sa akin ha?"

Hinakawakan niya naman ang kwelyo ko. Hindi ko na natatapakan ang sahig sa ginagawa niya. Kahit walang ilaw, sapat lang ang liwanag ng buwan para makita ko ang pag pula uli ng mata niya.

"Stop hitting on her Chase." Imbes na mainis ako ay nginitian ko lang siya.

"Ang seloso mo naman. Pinakawalan mo siya diba? Siguro naman pwede ko siyang i-date kahit three days lang. Wala ka ng karapatan sa kanya, pinsan."

Unti-unti na lumuwag ang hawak niya sa kwelyo ko at ibinaba niya na ako. "May tinatapos lang ako. Babalikan ko naman agad siya kapag ligtas na siya eh. Kaya sana naman lumugar ka."

Umiling lang ako sa sinabi niya. "Lumulugar ako, Brent. Ikaw ang hindi. Makapag sabi ka sa akin eh parang naging kayo, hindi naman."

"Wag mo paganahin ang pagiging isip bata mo sa akin Chase. Ayokong magka-mali ng kilos dahil siguradong si Sabrina ang maaapektuhan."

Napakunot naman ang noo ko. Isip bata agad, hindi pwedeng baby face lang? Haha. Kidding aside, ano naman makaka-apekto kay Sabrina?

"Ba't kasi hindi mo sabihin sa akin ng maintindihan ko? Parehas tayo ng dugo. We are both cold blooded. We are both Vampires. Ano pa bang dapat mong itago sa akin? Tsk." Yeah, you read it right. Bampira din ako.

"Si Sabrina, blue blooded siya. Royal blood. At hinahanap ng Red Empire ang pamilya nila." Napa-buntong hininga naman siya. "Pinahanap sila sa akin ni Sapphire para dalhin sa kanila. Pero 'di ko akalain na mamahalin ko si Sabrina. Nalaman nila 'yon Chase. At ngayon kung hindi ko daw papakasalan si September, papatayin si September at ang pamilya niya. Pati na din ang pamilya ni Sabrina at mismong siya."

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon