Chapter 27.
Julia's POV
Sa wakas, nakabalik na din ako sa HLU. Pumayag na kasi si mama pero pag may nangyare na namang hindi maganda daw sa akin ay 'di na daw talaga ako makakabalik dito. 'Di ko naman agad sinabi kela Frances at Enrique na dito ulit ako mag aaral kaya naman wala silang ka-alam alam except kay Brent, Kim, Ellaisa, at Sabrina.
Nakakaasar nga lang dahil doon pa din si Sabrina sa Brent. Yung school ha, hindi 'yung labidabs niya! Hahaha.
Nakaka-miss talaga suotin itong uniporme na ito. Naalala ko! Club's month nga pala ngayon. Buti na lang alam ko kung saan kasali si Enrique dahil balak ko doon na lang din ako sasali. Oy ha, wag ninyong isipin na gusto ko siya! A-ano lang kasi, wala na kong ibang close dito kung hindi siya lang at si Frances. Eh pagdating sa mga clubs, 'di kami magkasundo ng mga trips and hobbies kaya si Enrique na lang. Eh kaya nga kami naging mag bf-gf nun dahil halos lahat ng gusto ko, ay gusto din niya. Well! Hahaha.
Ano kaya ang unang club na pupuntahan ko? Ah, alam ko na. Nasa singing club muna ko. Pag akyat ko sa 4th floor ng auditorium ay nakita kong mag isa doon si Enrique. Nagpa-piano siya habang kumakanta ng 'Stay with me' OMG. Parang ako lang ang kinakantahan niya! Ehh, enebe.
Unti-unti akong lumapit sa stage hanggang makarating ako sa unahan at umupo ako doon. Nakita niya ako syempre, at nginitian. Grabe, iba na yata ang tama ko dito. Nakaka-yelo ang boses niya sa lamig! Ganda ng boses like Sam Smith na talaga ang peg. Sa sobrang ganda ng kanta ay nakiki-duet na ako sa kanya. Nakatawa lang siya. Letse! Wag siya tumawa, i-kiss ko siya eh. Hahaha.
Yung pakiramdam na parang kami lang ang tao sa earth ng mga oras na 'yon? Patuloy lang siya sa pagkanta. Na-antig ako lalo ng kinanta niya ang All Too Well ni Taylor Swift. Sinulat ni Taylor 'yan sa pinakamamahal niyang ex na si Jake Gyleenhaal. Nakasulat sa kanta na 'yun kung gaano kamahal ni Taylor si Jake dahil naaalala niya pa din ang lahat.
Parang kami lang ni Enrique?
Nung natapos siyang kumanta ay bumaba siya sa stage tapos nagulat pa ako nung niyakap niya ako.
"Nakakatuwang nakabalik ka na sa totoo mong bahay." Sabi niya pa habang nakayakap sa'kin. Ah, kaya naman pala. Napansin niya siguro na suot ko na ang uniform ng school.
"Bahay? Saan sa yakap mo, o sa puso mo, o sa school? Hahaha." Pang aasar ko sa kanya. 'Di nya na tuloy ako niyakap at pinitik na lang ang noo ko. Ehh, sayang 'yung hug!
"Bakit wala pang tao dito? Kadalasan naman kapag audition, puno na ang auditorium ha?" Tanong ko. Ginulo lang niya buhok ko. Ano ako, bata?
"Ah, bukas pa kasi ako nagbabalak magpa-audition. Katamad ngayon eh. Saka ayaw mo ba nun? Kung may audition ngayon, hindi kita makakausap. Edi namiss na naman kita kapag ganun!" Natatawang sabi niya. Hanggang ngayon ba naman feeling gwapo pa din siya?
"Lol, player ka pa din talaga hanggang ngayon 'no? Alam ko namang na-miss mo ko, don't worry. Hahaha." Pang aasar ko ulit sa kanya kaya kiniliti kiliti niya ako. Asar talo talaga 'to sa'kin. Haha.
"Ikaw ba, 'di mo ko miss?" Sabi niya at nagulat ako ng hinawakan ng malalapad yet soft niyang kamay ang mukha ko. Bigla niya ng pinisil pisil pisnge ko. 'Di na ko tumanggi para mamaya, kapag namula 'yan may dahilan ako. Para mai-tanggi ko na kinikilig ako! Hihihi.
"Na miss! Oo na, kaya bitiwan mo na pisnge ko, sakit kaya!" Sabi ko dahil naiinitan na ko kahit airconditioned naman ang auditorium. Alam nyo naman na siguro kung bakit?
Kinikilig ako, oh please!
Binitiwan niya nga ako pero binuhat niya naman ako in bridal style. Mukha kaming newly wed! Hihi, like omg. 'Di naman ako pumalag at nakikitawa lang ako sa kanya. Hayaan natin siya, trip niya yan eh. Nakaabot kami ng cafeteria na buhat lang ako! Wala eh, werewolf yata ang boylet ko! Chos, hahaha.
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...