Chapter 18: This LOVE

1.8K 83 1
                                    

Chapter 18


Julia's POV


Before the birthday of Ellaisa.

"Julia, gising na." Sabi nung boses na narinig ko. Bigla kong naalala lahat ng nangyare kanina kaya bigla akong napatayo sa pagka-higa ko.

"Julia! Nandito ako, wag kang matakot!" Sabi ni Enrique? Bakit nandito sya? Hawak nya pala ang kamay ko pero agad ko ding tinangal ito.

"A-ah sorry. You can leave now, okay naman na ko." Sabi ko. Like what you did one year ago. Sanay naman ako e? Yung babalik ka lang sakin kapag hindi ka okay. Tss, why I'm even feeling this? Naka move on na kaya ako!

"No. Wala kang bantay. Alam kong wala kang family na matatakbuhan ngayon kaya kailangan mo ko ngayon. Please." Sabi niya. Nakakatawa sya! Joke ba 'to? Nag aalala kunyare.

Tumawa naman ako. Kumunot naman ang noo nya.

"Ah, sorry. Di lang ako sanay na nag aalala ka kasi di ka naman ganyan talaga diba? By the way, puntahan mo na si Frances. Okay na ko dito. Or di kaya si Sabrina? I know na gusto mo sya." Sabi ko pa ng nakangiti. Tumahimik naman bigla ang atmosphere kaya nawala ngiti ko. Bakit? Did I hit him too much?

"Nagbago na ko, Julia. I'm not the old playboy you know. Nang dahil kay...Sabrina, nagbago ako. I realized that Sab deserves to be my girl. Nung una ang hirap baguhin, pero dahil sa kanya nagawa ko. Sana mapatawad mo ang dating ako Julia. I know, masyado sya naging rude to you. He never cares to you. But I changed. So I hope mapatawad mo na ko." Sabi nya pa.

You're right. Enrique was my ex. Like what he did on every girls out there, pinaglaruan nya lang din ako. Pinagpustahan nila ko dahil sa nanalo ako ng beauty pagent nun. Pagandahan kasi sila ng syota at ako ang napagtripan nila. Ako naman si tanga, na fall. Akala ko magbabago sya. Hindi pa din pala. Umabot kasi kami ng 10 months na secret lang ang relasyon namin e. Di rin alam nila Sab yun kasi sabi nya mas maganda daw na kami lang ang nakakaalam. Then until one day, nakita ko syang may kahalikan na babae. Nagmakaawa akong wag nya na kong iwan pero kung sobrang kapal nga naman ng mukha nya, hindi sya nag sorry at iniwan pa nya ko.

I just smile at him. Narandaman kong kumirot ang bandang kaliwa ng dibdib ko nung sinabi nya na si Sabrina ang nagpabago sa kanya.

"No, wala kang kasalanan. Matagal na din naman yun e. Sana lang wag mong ulitin kay Sabrina ang ginawa mo sakin. No offense yun ha!" Then I laugh fakely. Ngumiti lang din sya.

"So, friends... again?" Sabi nya ng nakangiti. That smile used to light up my world, naalala ko. Ngumiti lang ako.

Buti sya masaya na. Ako ito, miserable at umaasa na baka may mabalik sa isang taon na yun. Tagal ko na din palang umaasa 'no?

"Friends!" I cheerfully said. Niyakap nya naman ako na ikinagulat ko. Naku, wag nya lang sana marinig 'tong ingay sa loob ng dibdib ko! Sasabog na yata 'to e.

"Ang saya ko. Thankyou ha?" Sabi nya pa.

"Oo na. Nagbago ka nga talaga. Ang drama mo na e! Yan ba epekto ni Sabrina sayo?" Natatawang sabi ko. Pero ang totoo, masakit na talaga e.

No, dapat maging masaya ako today. Kasi nagkaayos na kami. Kahit papaano.

"Hahaha! Siguro? Nga pala, ilakad mo ko sa kanya ha? Ayokong malamangan nung Brent na yun e. Thankyou!" Masayang sabi nya. Pinakawalan nya na ako. Ang laki ng ngiti sa mukha nya.

Ngumiti na lang uli ako. That line killed me a thousand times pero pinilit ko pa ding ngumiti.

Nakaka-ilang fake smile na ba ako ngayong araw?

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon