Chapter 19: September and Brent.

1.5K 78 2
                                    

Chapter 19.

After the accident. NOVEMBER.

Sabrina's POV

"Ma, anong pinag usapan nyo ni Brent?" Sabi ko habang kinakain yung sandwich na ginawa ni mama. Infairness, ang sarap!

"Sabrina, pwede ba kita makausap tungkol kay Brent?" Sabi ni mama shie. Biglang parang may kumirot sa dibdib ko at sinimulan akong kabahan. Ano kaya yun?

Tumango na lang ako.

"Nak, h-hindi mo na pwede makausap si Brent." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni mama. Hala, anong problema ni mama?

"Ha? Bakit naman ma?" Sabi ko. Hinawakan naman ni mama ang kamay ko. Natatakot na ko sa mga susunod na sasabihin ni mama.

"Dahil nakaka-delikado sya sayo. At delikado ka din sa kanya. Hindi kayo pwede magsama 'nak. Same charges repel, right?" Sumakit ang puso ko sa sinabi ni mama. Bakit ganun?

Pilit akong ngumiti. Pinigilan kong sumabog dibdib ko. Baka kasi umiyak ako e.

"Nagjojoke ka lang naman diba 'ma? Hindi kami same charges ma! Kahit parehas kaming maganda at gwapo, pwede pa din yun! Saka ma, ibang iba kaya kami." Sabi ko. Pinipigilan ko pa din umiyak.

"Hindi 'nak. Kaya nga hindi kayo pwede e. Kasi sobrang magka iba kayo." Nagulat ako sa sinabi ni mama. Sobra?

"Sobrang magkaiba? Saan ma?" Sabi ko. Inalis ni mama ang pagkahawak nya sa kamay ko.

"Sabrina, ang pagkakaiba nyo ang sisira sa buhay natin. At kanya din. Gusto mo ba yun? Makakadamay ka pa ng iba? Ako nak, ayoko. Ayoko masira ng buhay natin ng dahil lang dyaan. Ililipat kita ng school. Sa Brent University. Bibili tayo ng lupa malapit doon. Wag ka mag alala, nakausap ko na ang mama ni Julia na doon na din daw mag aaral ang anak nya. Maganda doon nak, pangako ko sayo. Mas maaayos mo ang pag aaral mo doon." Sabi ni mama at hinimas himas nya ang ulo ko. Lalayo na kami sa manila?

"Ma, hindi pwede..." sabi ko. Tinakip ko ng dalawang kamay ang mukha ko. Hindi ko na talagang mapigilang umiyak.

Narandaman ko namang pumunta si mama sa harapan ko at umupo.

"Hindi mo pa naman sya gusto diba anak?" Sabi ni mama. Para bang pinipilit nya akong mag hindi.

Tinanggal nya ang mga kamay ko sa mukha ko.

"Hindi ko nga sya gusto ma. Gustong gusto ko na nga sya e!" Niyakap ako ni mama pagkatapos ko yun sabihin.

Bakit ngayon pa? Kung kailan gustong gusto ko na sya?

--

(After one week, Brent University)

"Hi bes!" Nakangiting bati sa'kin ni Julia. Niyakap ko naman sya ng magkita kami sa gate. Hays, kung nandito lang sila Frances at Ellaisa.

Si Frances, Enrique, at Kim kasi sa HLU pa din. Since yung nangyareng accident ay maiiwasan na nila. Kaya naman daw kasi nila mag stay don. May tiwala naman ako kay Enrique at Kim na hindi nila papabayaan si Frances. Dadalaw naman daw sila kapag may time sa amin at kami din dadalaw sa kanila.

Si Ellaisa naman ay mag aaral sa baguio pero dadalaw pa din naman sya dito sa laguna o manila twice a month. Kahit nga maka-ala Long Distance sila ni Kim, ang sweet pa din nila e!

Kami naman ni Julia dito na sa Laguna mag aaral. Sa Brent International. Kinakabahan nga ko sa first day namin e. Pero carry lang kasi nandiyan naman si Julia. Actually, magka-dorm nga kami e.

Si Jacob naman wala pa kong balita sa kanya. Wala din naman akong pake. Yabang nun e! Kala mo ang gwapo.

Si Brent-- hays. Wala pa din. Nakakalungkot nga ng isang linggo na kaming hindi nakakapag usap. Nung umalis kasi kami, wala sila sa bahay nila. Sabi ni Tita may practice daw sya nun ng basketball.

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon