Chapter 17.
Brent's POV
"Alyssa! Bitiwan mo sya!" Pagkabukas ni Kim ng pinto agad nya na sinigaw kay Alyssa iyon. Nakita ko na hawak nya ang mukha ni Sabrina kaya nainis na ko. Di ko akalain at kahit kailan di ko naisip na magagawa nya na 'to.
Yun ang unang beses na nakita ko syang umiyak at sa totoo lang, feeling ko parang humina ang buong sistema ng katawan ko. Para bang mas matagal na tumitig ako sa kanya, para akong hinihigop ng blackhole. Di ko malabanan.
"Ow! Nandito na pala ang mga lalakeng katulad ko. Ililigtas nyo na ba sila?" Lumakad si Alyssa papunta kela Ellaisa at pinagsama sama sila nila Sabrina. Napansin ko sa mata ni Sabrina na nagdududa sya sa mabilis na nagawa ni Alyssa.
Damn! Ito na ang kinakatakutan ko!
"Itigil mo na yan, Alyssa! Kahit ano, gagawin ko. Hindi ka namin ipapakulong after this. Ibigay mo lang sila sa amin ng ligtas." Sabi ni Enrique. Nakita ko na nag aalala at nagagalit na din sya pero napag usapan na namin na dapat kalmado lang kaming makikipag usap sa kanya. Sabi din kasi ng mga pulis ay yun lamang ang gawin namin, kungdi papaalisin nila kami.
"Ayoko nga. Unless, isa sa inyo ang magsabi ng tunay na pakay nila..." bigla nyang sinabunutan si Sabrina. Shit! "Kay Sabrina Smith..." At lalo nya pa itong hinigpitan. Naiinis na talaga ako!
Bukod sa sinira nya ang tiwala ko sa kanya, ayokong nakitang nasasaktan si Sabrina.
"T-tama na Alyssa! Nasasaktan si Sabrina! Hindi ka nya naman ina-ano kaya please, itigil mo na 'to." Hindi ko mapigilan na manggigil! Ayokong makita ni Sabrina ang pagbabago ko. Pero...
"Totoo ba yan Brent? Wait lang ha, tatawa ako! Hahahaha!" Sabi ni Alyssa. "Ang galing mo namang magpanggap. Mabilis lang naman ako kausap e. Kung! Kung may maglaladlad sa inyo ng tunay nyo na kulay." Dagdag nya pa.
Tumingin ako kay Sabrina. Parang ang dami na nya ng gustong itanong. Mali talaga ang ginawa ni Alyssa!
Paano kung malaman nya?
Paano kapag tinanong nya kung ano ba talaga ako?
"Alyssa! Just stop this! Pag usapan na lang natin 'to mamaya. Okay? Stop this. Now!" Sabi ni Jacob. Malamang ay di nya din naisip na gagawin 'to ni Alyssa.
Damn that red empire!
Lumapit ng kunti si Kim.
"Sige! Subukan mong lumapit o magkamali kayo ng kilos, isa talaga dito mawawala!" Sabi ni Alyssa. Biglang bumilis tibok ng puso ko. Napupuno ng galit, inis, at pag aalala. Galit at inis kay Alyssa. Pag aalala kay Sabrina.
"Minahal kita Kim! Tapos ipagpapalit mo lang ako dito sa Ellaisa na 'to! Na wala namang kwenta! Bakit di na lang ako? Parehas naman tayo ha? Parehas tayong bam--"
"Alyssa! Hindi sya ang dahilan. Hindi lang kita talaga mahal! Can't you see it? I only see you as a sister. Nothing more!" sabi pa ni Kim.
"Shut up! At ikaw Brent! Ang peke mo! Ang plastik mo! Bakit di mo ipakita kung ano ang kinakatakutan ni Sabrina? Ano bang kinakatakot mo?" Sabi nya.
Natahimik ako. Hindi ko masabi dahil takot ako na baka... baka mawala sya.
Baka layuan nya na ako. Ewan ko kung bakit basta ang alam ko hindi ko talaga kaya.
"Stop this. Now!" Sabi ni Enrique. Napapikit ako. Pipigilan ko ba? Hahayaan ko ba?
Hinawakan ni Jacob ang balikat ko at pinapakalma ang loob ko. Alam nya na iba ang magagawa ko kay Alyssa kapag nagpatuloy 'to.
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...