Chapter 10.
Ellaisa's POV
"Nasaan na ba yung mga baliw na yun? Ano ba yan, laging ako na lang naghihintay sa kanila ha." bulong ko sa sarili ko. Nandito ako sa gymnasium dahil sa usapan namin nila Frances, Julia, at Sab na magba-volleybal kami. Pero tignan mo naman! Mag isa pa lang ako dito.
Maaga kasi akong pumasok. Kunti pa nga lang tao sa school e.
Kasalanan ko pa ba? No! kasalanan nila. Sabi nila maaga daw e. pero tae ako pa lang nandito.
Pumunta na lang ako sa Highschool department's garden. Sigurado akong mga isang oras na bago makadating yun dito.
Pagkapunta ko doon, nakita ko agad ang aking favorite puno ng mangga! Omg! Hinog na sya!
Iniwan ko ang bag ko doon sa bench at nagpaplano kung paano makukuha yung mangga ko. Oh! Wag na magtaka, ako bumili ng luoa at ako din ang nagtanim. Ako lang din pwede kumain!
So ito, umakyat na lang ako ng puno since hindi naman ganung kataas yung puno. mga 8ft lang naman e.
Dahil sa hindi ko pa din maabot ay umakyat na talaga ako at umupo na doon sa branch. Matibay naman 'to e.
Tatanggalin ko na sana yung mangga ng--
"Miss! Wag kang magpakamatay! Sayang mukha!" napatingin naman ako sa baba ko. Kim? omg.
"Ano ulit?!" sigaw ko din sa kanya. Baka nabibingi lang ako e.
"Wag ka kamo magpakamatay! Bumaba ka dyan para mapag usapan na natin 'to." natawa naman ako. Halatang seryoso at nag aalala pa sya ha? Takutin ko kaya 'to! Hahahaha!
"Ayoko! Ayokooooo! Niloko ako ng ex ko! at napakasakit nun, hindi ko na kaya!" sabi ko tapos kunyare umiiyak na ko. Hahaha!
"Miss, hindi naman ibigsabihin nun doon na matatapos buhay mo e. Madaming tao ang gustong mabuhay tapos ikaw? sasayangin mo lang? Baba ka na dyan miss. promise! Hindi kita isusumbong sa guidance! Bumaba ka lang." sabi nya. Seryoso ka pa talaga ha!
Nakakatawa na talaga! Hahaha!
"Hahaha, oo na. Naawa naman ako sayo e. Baba na ko. Umalis ka dyan, baka masilipan mo pa ako." sabi ko. Tinignan ko naman sya at biglang pumula mukha nya at huminga ng malalim. Naisip nya siguro na niloloko ko sya! hahaha!
Kumuha na ko ng dalawang mangga good for me. Bumaba na ko. Kaso dahil isa't kalahating tanga ako--
"Waaaah!" mali ako ng natapakan. Syemay! Kumapit na ko sa puno ngunit kung tatanga tanga ba naman talaga ko ay nabitawan ko din at nahulog ako.
Nagulat ako nung saktong nasalo ako ni Kim. omg na talagaaa!
"Okay ka lang, miss?" sabi nya tapos pinaupo nya ko dun sa bench. Totoo ba yung nangyare kanina? parang imposible naman na makapunta sya sa pwesto ko agad. E kanina nung pababa ako, diba pinaalis ko muna sya dahil baka masilipan nya ko?! paanong--
Wag na nga. Buti nga nandito pa din ako at humihinga e. Hays.
"Ikaw kaya mahulog sa puno at kabahan ng sobra tapos sinalo ng taong hindi mo naman kilala, sa tingin mo okay lang ako?! Maka-alis na nga." sabi ko. Nakakahiya kaya!
"Tinatanong ka lang naman, Tss. nakakapag alala kasi. Tinatanong ko kung may sugat ka ba o may masakit sayo. Dadalhin sana kita sa clinic but you're being rude. Tch." sabi nya.
Bago ako tumayo, hinarap ko muna sa kanya ang kamay ko at sabay sabi ng...
"Talk to the hand. Okay?" sabi ko. Rude na kung rude. Pake ko ba! E nahihiya ako e!
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...