Chapter 30: Sabrina

891 46 0
                                    

Chapter 30.

 

Brent’s POV

“Kim, nasaan ka?” Kausap ko kasi siya sa cellphone. Nandito ako sa garden at ganun din si Sabrina pero tulog na siya sa lap ko. Nag enjoy kaka-kuwento sa mga nangyare over the last last week kaya knock out na sa pagod sa kadaldalan. Hahaha.

“Nasa auditorium, mag o-audition kasi si Frances na singer eh. Sumama na lang ako since alam mo naman diba? Gusto kong makasama itong si Frances. Teka nga, bakit?” Natawa naman ako. Parang nung nakaraan lang tanong siya ng tanong paano makaka-move on kay Ellaisa, ngayon alam niya na daw finally na infatuation lang ang narandaman niya kay Ella at iba na daw talaga ang kay Frances. Nararandaman niya naman iyan at wala akong pakialam dahil siya lang ang makakaintindi nun.

Saka ko lang naalala ang totoong pakay ko. Biglang sumeryoso lahat.

“B-blueblooded si Sabrina.”

“Ah, blue blooded lang pala—Wait, what?! Ano? Tama ba pagkadinig ko nun?”

 

“Oo pre. ‘D-di ko na nga alam ang gagawin ko. Tangna lang, wala sa iniisip ko na mangyayare ito.” Napahilamos ako sa mukha ko. Natatakot na ko sa mga sumusunod na mangyayare.

Alam nyo ba kung ano ang text kanina na nagpagunaw ng mundo ko?

‘Stay away from HER, Brent. She’s a trouble for you. Pero dahil ayaw kita mahirapan, ako na lang ang gagawa ng paraan para pag nagkita kayo uli… Nasa kabao na siya! You really love Sabrina, don’t you?’ – Unknown.

“Pre, sige pag usapan na lang natin ‘yan mamaya. Alam kong nahihirapan ka ngayon pero kalma lang pre ha? Maaayos natin ‘yang gulo na iyan.” Sabi ni Kim at pinatay ko na.

Alam kong taga Red Empire lang ang nagpadala nun. Sila lang naman ang may malalim nag alit sa mga blue blooded eh! A-at ngayong alam ko na, nasa pahamak na ang buhay ni Sabrina.

Anong dapat ‘kong gawin?!

Tinignan ko ang nahihimbing na si Sabrina. ‘Di ko yata kakayanin makita siyang mahimbing na natutulog habangbuhay. ‘Di ko kaya. Mas makakaya ko pa yata na galit siya sa akin pero humihinga pa din siya.

Napansin ‘kong unti unti ng namumulat mata nya. Napansin niya siguro na kanina pa ako nakatitig sa kanya at pinagmamasdan ko siya. Napangiti ako. Bukod kay mama at ate, siya na ang pinaka mahalagang babaeng ayokong i-spent ang buhay kapag wala. Pero kung para naman sa kanya? B-bakit hindi?

O dapat ko lang siyang ipaglaban? Kasi mahal ko siya. Handa kong gawin lahat para lang hindi siyang malayo sa akin. Tama! Ganun na lang muna ang gagawin ko. Ipaglalaban ko siya hangga’t kaya ko at hangga’t humihinga ako.

Hindi lahat ng laban, isinusuko. May mga laban na mas worth it ipaglaban. Para kahit matalo ka sa huli, hangga’t alam mong ipinaglaban mo siya. Panalo ka na din.

 

‘Di pa ko baliw at tanga para pakawalan siya. Kung lahat ng bidang lalake, ganun ang gagawin… ibahin mo ako sa kanila. Ngayon ko lang naisip. Mahal ko sya diba? Edi ipaglaban ko.

Walang mali hangga’t lumalaban ka para sa tama. Napangiti ako at that thought at napailing din. Weird, nagkadramahan pa sa utak ko.

“ Uy, nginingiti ngiti mo diyan? Baliw ka na?” Sabi ni Sabrina at nag-yawn pa. Sa lahat ng nakilala kong babae, siya lang ang kahit may tao sa harapan niya hindi siya nahihiyang gumanyan. Pero okay lang, wala naman akong pake eh. Minahal ko siyang ganyan kaya wala akong babaguhin.

“Oo, baliw sayo.” Namula naman siya at natawa lang.

“Corny mo po, Mr. Brent!” Sabi niya pero kinikilig naman? Mapag-kunyare talaga ito. Natuwa lang ako dahil kahit nalaman kung blue blooded siya, ‘di ako nagulat. Marahil ay natanggap ko na kung sino siya talaga. At kahit maging sino pa siya, siya pa din naman ang Sabrina na minahal ko.

“Edi corny, mahal mo naman?” Pang aasar ko sa kanya. Natuwa ako sa reaksyon niya dahil pumula naman ang ilong niya at inirapan pa ako. Ang sungit nito ‘kuno kapag kinikilig! Tch.

“Oo. Ang tanong ay nasa sayo, mahal mo ba ako?” Aba at nagdududa yata siya sa pagmamahal ko? Hindi naman kasi ako magaling sa mga salita eh. Paano ko naman masasabi sa kanya ng hindi nagiging corny o O.A? Gamit na halos lahat ng corny na linya sa palabas kaya ayoko ng mga ganun.

“Ang tagal sumagot, simple lang naman tanong ko. Hay naku, sabihin mo lang naman kung hindi mo—“

Kahit alam kong hihimatayin ako pagkatapos nito, hinagkan ko siya. Dahil nakahiga siya sa lap ko ay nahihirapan ako. After ilang Segundo ay bumitaw na din ako at halatang gulat na naman siya. Nanlalaki na nga ang singkit niyang mga mata eh! Parang kung anong tambol ang nag iingay ng ginawa ko ‘yun at parang nanghihina tuhod ko plus nahihirapan akong huminga.

“More than words, Sabrina.” At pagkasabi ko nun ay nagdilim na ang paningin ko.

--

Nagising ako. Alam kong dapat nasa clinic ako pero nagulat ako nung inikot ko ang mata ko sa buong paligid. Hindi ito ang clinic! Kulay pula ang pintura ng buong lugar… mukhang alam ko na kung nasaan na ako. P-pero si Sabrina?!

“Oh, gising ka na pala. Brent.” Sabi ni Sapphire, ang hari ng Red Empire. Siya ang nag utos sa akin na pagman-manan ang mga kilos ni Sabrina dati. M-maaaring may ginawa siya kay Sabrina!

“si Sabrina?” Tanong ko. ‘Di ako makatayo dahil sa sobrang nanghihina ako. Sigurado akong may pinainum sila sa aking gamot para manghina ako ng ganito!

“Oh kalma lang. Ikaw naman kasi eh, hindi ba’t pinagsabihan na kitang layuan na siya…Una pa lang?” Nakangiting sabi niya. Wala akong pakialam! Ang iniisip ko, si Sabrina.

“Hayaan mo, wala naman akong balak na patayin ka… o si Sabrina. Liban na lang kung hindi tayo magkakasundo sa sasabihin kong kundisyon?” Sabi ni Sir Sapphire. Linga ako ng linga pero ‘di ko na makita si Sabrina. Nahihilo ako.

“A-ano yun?”

“Layuan mo na siya. At! Gusto kong ikasal kayo ni September, sa susunod din na buwan. Simple lang naman diba, Brent?” Sabi nya pa. Habang tumatagal ay dumidilin ng dumidilim ang paligid ko. Lalo lang sumakit ang ulo ko sa mga sinasabi nya at piling ko binibiyak na iyon.

Si Sabrina..

Sabrina.

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon