Chapter 44.
Sabrina.
(NP: Runaway by Bruno Mars)
"Tara dito kayo dumaan." Nagmamadaling sabi ni September. Hanggang ngayon 'di ako makapaniwala na kung sino akala kong kaagaw ko kay Brent ay siya pa pala 'tong gusto kaming tulungan. Dapat ba akong maniwala sa kanya? Pero kasi kung naniniwala si Brent sa kanya, then I should.
Nung nakalabas na kami sa likod nung hotel, humarap siya sa amin saka ngumiti.
"Nandito na tayo. Ingat kayo ha?" Mabait pala talaga siya. Ewan ko pero kakaiba siya. Akala ko para lang siyang si Ritchem.
"S-salamat September ha? Sorry din sa mga nasabi ko dati. Kung alam ko lang na tumutulong ka sa amin ni Brent, hinding hindi kita sana nasabihan ng kung anu-ano." Nahihiya kong sabi.
"Okay lang, naiintindihan ko naman. Nung una naman talaga kasi, naisip ko na chance ko na 'to para maagaw si Brent. Para maging kami uli. Pero naisip ko, what the hell?" Natawa naman kami doon. "Naisip ko na parang tanga naman pala. You deserve a happy ending guys."
"Thanks talaga Sep. Ang dami ko ng utang na loob sa'yo. Someday, I'll make it back to you." We bid our good byes and umalis na din kami.
"Brent, saan mo ako dadalhin?" Papunta kasi kami ng parking lot. Sa kotse niya ata.
"I don't know. Ang importante, kasama kita." Napangiti ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko and I feel safe and secured. Hays, Brent.
Pumunta na kami sa kotse niya saka sumakay. I think, this will be one of the best night ever.
"Ano bang naisip mo at natanggap mo ko Sabrina?" Tanong niya pagkatapos niya i-start ang makina. Hinawakan niya uli ang kamay ko.
"Hmm, nung una talaga sobrang hirap e. Naisip ko kasi na parang panaginip lang lahat ng 'to. Na baka naman niloloko nyo lang akong lahat. Lalo na nung nalaman ko na iba din pala ako sa mga tao? Ang hirap i-sink in 'yon. Pero ito ang reality eh. Whatever happen, you must accept it. Dahil kahit masakit ang reality, at least alam mo sa sarili mo na walang lokohan."
"Saka naisip ko din na, you're my first and last love. At hindi ko kakayanin kung makakakita ka pa ng iba. Inisip ko ano bang mas mahalaga? 'Yong nabasag kong pride o 'yong pagmamahal mo? All this tie naman minahal mo ako eh. All this time you keep protecting me, you keep saving me, and you keep loving me whatever happens. You became selfless for me. Doon ko na-realize, ang tanga ko naman yata kapag pinakawalan pa kita?"
Natawa lang siya. Adik 'to ha? Nobela ang sinabi ko, tapos ngiti lang sagot sa akin? "Wow ha, sobrang effort tas ngiti ka lang?"
"More than words, Sab." Na-realize ko. Oo nga pala. More than words. So his smile is maybe just simple but it means the world to me. "I don't know why but I can't find the right words to say."
"It's you and me against the world pala ang drama natin eh 'noh?" Natawa naman siya sa sinabi ko.
"They said together we are toxic. But hell, you're all I need." Ayiiieh! Enebe. Tumingin na lang ako sa labas. Pigil kilig! Hmp, pabebe lang. Hahaha.
"I'm happy that you're here with me Sab. Please always remember that. No matter what happen, stay with me."
"I'll stay with you Brent. Heaven or hell. Sea or land. Saturn or earth. I'll always be with you."
"More than words?"
"More than words, Brent."
--
Finally, nakadating na din kami sa hindi ko alam kung saan. Ewan ko ba dito kay Brent! Ang daming alam na ganitong lugar.
Madilim na din. Hatinggabi na din kasi. Ang nakikita ko lang ay isang malaking puno at sa taas 'non ay may tree house. Binitiwan ni Brent saglit ang kamay ko. Pumunta siya sa likod ng puno at parang may inayos. Nagulat na lang ako nung biglang umilaw 'yong puno. Wow, may christmas lights na nakapalid sa puno! Ang cute!
"Maganda ba?" Tanong niya.
"Hindi ba halata na manghang mangha ako?" Sarkastiko kong sagot sa kanya. Pero real talk, ang ganda.
Tinulungan niya akong umakyat sa tree house. Nung nandoon na kami, medyo malaki pala ang loob nito. May kwarto pa nga ito saka may munting terrace doon. Mukhang maganda mag star gazing doon dahil may nakalagay pang kama at mga unan doon.
"So this is my place." He proudly said.
"Sino pa lang mga dinadala mo dito?" Ang ganda din pala ng loob. Mukhang bago pa lang ang tree house. Walang gamiy halos at may mga pagkain lang na nakatabi saka damit.
"Si September." Napatingin naman ako sa kanya. Ano daw?! "Joke, hahaha. Syempre ikaw pa lang. Kaka-pagawa ko pa lang nito."
"Oh? Kailan pa?" Sabi ko diba may kwarto dito? Papasok na sana ako kaso hinila niya kamay ko. Eh?
"Simula nung unang beses na hinimatay ako sa harapan mo." Ah, sobrang tagal na 'non ha? Anong ibigsabihin 'non? "Dati pa man 'din, ginugulo mo na puso ko."
"Eh ba't ayaw mo ipabukas sa'kin 'tong kwarto?"
Bigla naman siyang namula. Ang cute! Ano bang meron sa loob nito?
"Pinagawa ko kasi 'tong tree house kasi gusto ko dito ko ilalagay lahat ng memories na makakasama kita. Magkatuluyan man tayo o hindi. Dito ko lahat nilalagay lahat ng naging problema ko sa'yo, saka lahat ng nararandaman ko. Kapag binuksan mo 'yan, you'll finally understand."
Nalito naman ako sa sinabi niya and at the same time pinamulahan din ang mukha ko. Nag effort talaga siya dito para lang sa akin? Paano kapag hindi ko pala ever nakita 'to diba? Eh di sayang effort niya? Pero hindi niya naisip na sayang effort niya. Ang mahalaga, para sa akin.
Binuksan ko na 'yong pinto. Nakapatay pa ang ilaw kaya binuksan ko. Nagulat ako sa nakita ko. Puro stolen pictures ko 'yon mula high school kung kailan ako nag transfer. Mahahalata mo talaga na ang tagal na nung picture kasi nag iiba na ang kulay nung picture.
Napatingin ako sa kanya at nakayuko na siyang kinakamot ang ulo niya. Nahihiya na siya sa akin! Hahaha.
"Crush mo na ako, dati pa man?"
"Y-yeah. You see, hobby ko din ang photography." Lumapit siya sa isang picture doon. Pfft. Picture ko 'to na nadapa ako kakatakbo papunta sa cafeteria! Nakakahiya, nakita niya pala ako 'non? "Ito ang unang picture ko sa'yo. Nagmamadali ka 'non, 'di ko alam bakit. Ang cute mo kahit na pinagpapawisan ka pa. Kaya nung nadapa ka, I grab the chance to take a picture of you. Magmula 'non iba ka na sa mata ko. Lalo na nung sinabi ni Sapphire na bantayan kita."
Ikinuwento na ni mama at Tita Nadia ang lahat sa akin. Kaya naman naiintindihan ko na kung gaano naging kahirap para kay Brent ang lahat. Iniwan niya ang dating normal na mundo niya para sa akin.
Punong puno ang kwarto na 'yon ng mga picture. Kahit sa ceilings meron. Kulang na nga lang pati floor eh.
"Kaya sobrang tuwa ko nung, sa wakas, mismong tadhana na nagpalapit sa atin. It is the most unexpected thing that happened in my life yet the best thing happened to me."
Hindi ko na napigilang umiyak ulit. Naku, napaka sensitive ko talaga! Niyakap niya ako at ganun din ako. I'm so thankful that God gives me him. Kahit ang daming mali, ang daming may ayaw, siya lang ang gustong gusto ko.
"Don't worry, you're my best thing too." Sabi ko sa kanya at tumawa lang siya. I'm glad that we met.
"Wag ka na nga umiyak. Mamahalin pa kita 'diba?" He cupped my face and kissed my forehead. This is just so sweet, God.
"Off to forever na tayo diba?"
"Yes, off to the moon and back pa. Real slow." Sabi niyang nakangiti sa akin.
Oh how much I love this runaway with him.
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...