Chapter 33.
Sabrina.
*Play I Knew You Were Trouble by Taylor Swift here*
"Bes, naaalala mo pa ba ang usapan natin na magbo-bohol tayo ngayon since walang pasok ng three days?" Pangungulit ni Julia pero nagtaklob lang ako ng kumot. Ayoko pa namang sumama dahil wala pa din akong mood sa nangyare kagabi.
"Wala akong naaalala. Pwede ba? Wala pa ko sa mood. Umalis ka na lang muna." Madiin kong sabi. Ayoko na kasi muna magpupunta saan saan. Gusto ko munang magpahinga. Na-realize ko kasi na nakakapagod din pala maging tanga.
"Bes naman! Kaya nga kita niyaya eh, para ma-relax ka. Sigurado ako na kapag pumunta tayo sa Bohol, kahit papaano mawawala ang sakit na nararandaman mo. Wag mo naman ikulong sarili mo dahil lang sa nangyare sa inyo ni Brent. Hindi lang naman sa kanya umiikot ang mundo eh."
"Pero sa kanya umiikot mundo ko hanggang ngayon. Masakit kaya, Julia. Kahit isipin ko na lang lagi na positive vibes lang hindi ko kaya eh. Hindi ko kaya lokohin sarili ko na okay lang ang lahat. Naloko na nga ako, lolokohin ko pa sarili ko?"
"Alam ko namang mahirap. Pero Sab, nandito pa naman kami oh. Wag mo naman kami talikuran dahil syan sa nangyare sa'yo." Makahulugan na sabi nya. Hindi ko na lang namamalayan na kanina pa pala tulo ng tulo ang luha ko. "Alam ko mahirap pero dapat mong kayanin. Wala namang iba na kakaya niyan kung hindi ikaw lang din eh."
Narandaman ko ng paalis na sya nung hinila ko ang kamay nya.
"Sige na, sasama na ako."
Bigla naman napalitan ng malaking tawa ang mukha nya. Pangit nya talaga. Hahaha.
"Sure 'yan ha? Sige. Handa ka nan g mga gamit mo para mamaya. Ah? Mamayang gabi na ang byahe natin. Si Frances na 'yong bahala sa mga tickets daw natin." Yaman talaga ng Frances na 'yon at naisipan pa kami ilibre. Haha. Ako nga kuripot eh. We bid our goodbyes then.
Bumaba na rin ako sa kwarto ko at naisipan kong mag-breakfast. Nakakagutom din pala mag emo doon sa kwarto.

BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampirosBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...