Chapter 40: ...Vampire

842 36 3
                                    

Chapter 40.

Sabrina.

"I am a..." Huminga pa siya ng malalim bago ulit nagsalita. "A vampire--"

Hindi ko na narinig ang katuloy nung sinabi niya dahil nabukas ang pinto sa kusina at iniluwa nito si Chase at nadapa pa. Nasa likod naman niya sila Ellaisa, Saturn, at Jacob.

Kanina pa ba sila nandiyan?!

"Kanina pa ba kayo dumating?" Kanya kanya naman silang peace sign. Aba, may mga sira talaga tuktok nila!

"Actually ayaw lang kasi namin manira ng may moment." Sabi naman ni Ellaisa.

"Oo nga. Aming amin na si pareng Brent eh. Epal talaga 'to si Chase. Wrong timing!" Sabi ni Jacob sabay batok kay Chase na kaka-tayo pa lang.

"Saka nag eenjoy pa kami sa pakikinig. Akala namin palabas na eh! Haha." Pati ba naman si Saturn? Hays. Lahat nga sila baliw!

Tumingin ako kay Brent at mukhang hindi siya mapakali. Nakakataka. Ano ba kasi dapat ang sasabihin niya? Sayang hindi ko narinig. Hanggang sa 'Vam' lang na part. Labo.

"Wag nyo nga inaano girlfriend ko, selos na selos na nga ako eh." Napatingin naman ako kay Chase. Lakas talaga nito mang asar.

"Tigilan mo ako Chase. Sineseryoso mo talaga 'yang three days na 'yan?" Tumango naman siya sabay thumbs up. Ugh, seriously.

"Kahit mukhang biro lang 'to sayo, sineseryoso ko 'to. Hindi ba Brent?" Napatingin uli ako kay Brent pero hindi naman siya nakakuha ng sagot dito. Mukha nga naiinis na din siya eh. "Kaya wag mo muna kausapin girlfriend ko, Brent. Ha?" Nag walk out na si Chase. Sumunod naman si Brent.

Gosh, kinakabahan ako sa mga kalokohan ni Chase. Hindi dapat sineseryoso ang taong 'yon dahil halos walang lumabas sa bibig 'non kung hindi kalokohan.

"Yieeh, kinikilig ako! Brent o Chase?" Hindi ko na namalayan na nakaupo na sa harapan ko si Ellaisa. Aasarin na naman ako nito.

Umiling lang ako. "Walang dapat piliin. Hindi naman ako pinag-a-agawan."

Hinampas niya naman ako sa braso ko. "Hindi ba halata? Manhid ka ba talaga o tanga? Obviously, Chase like you! He's making ways na nga eh."

"Wag kang malisyosa, Ella. Sa tingin ko naman inaasar lang ako ni Chase. Alam niya kasi na hindi pa din ako nakakamove on."

"Sa tingin mo lang. Eh tinging manhid 'yan eh. Sa paningin namin, iba na 'yan! Yikes. Hayaan mo, team Brent pa din naman ako." Umiling na lang ako. Sa totoo lang hindi naman ako tanga para hindi marandaman yong sinasabi nila. Pero ayoko manguna.

"Shut up na okay Ellaisa? Nagkaayos lang kami. Pero bukod doon, hanggang doon na lang 'yon. Okay? Ayoko na umasa kaya wag nyo na din ako paasahin."

"Nga pala, may sinabi o inamin na ba sa'yo si Brent?" Out of nowhere na tanong ni Jacob. Tumingin si Ella sa kanya na parang sinasabi na 'di nya dapat muna tinanong. Hmm.

"W-wala naman. Bakit? May kailangan ba akong malaman?" Saglit silang natahimik. Weird.

"Ah, ano wala! Hehe. Akala namin nagkabalikan na kayo. Haha. Basta ano haha--"

"Para kang naiihi Jacob! Ako na nga mag e explain. Basta wala 'yon. Wag mo na isipin. Hindi naman kasi mahalaga. Haha." Hindi komportableng sabi nya. Nahalata ko agad yon sa kilos nya. Ano ba talaga meron dito?

"Ganyan kayo ha, hindi na kayo nagsasabi sa akin. Barkada nyo pa din naman ako eh. Sana naman alam ko ang tungkol diyan kahit kaunti lang." Sabi ko na kunyare nagtatampo.

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon