Chapter 47.
Sabrina.
"Okay ka na ba Sabrina? Kanina ka pa tulala diyan." Sita sa akin ng kaklase kong si Strawberry. "Alam mo, hindi maganda 'yang ganyan. Gutom ka na siguro."
Doon lang bumalik diwa ko. Nasa school na pala ako. Sa Brent. School ha, hindi mismong si Brent. Hindi pa din kami lumilipat ng bahay kasi naghahanap kami ng pwedeng bumili nung lupa namin saka bahay para makapag simula kami muli ni mama. Hindi ko alam kung paano kami magsisimula. Knowing na hindi ko pa din kayang iwanan si Brent. Kapag tinuloy ko 'to, para ko na ding iniwan si Brent at niloko. Sabi niya mag-hintay lang ako sa kanya. Pero anong ginawa ko?
Pero naisip ko din na mas mabuti na ganon ang isipin niya. Mas gugustuhin ko pang maging galit sa akin si Brent kesa sa mapahamak siya. Kung naging selfless siya para sa akin, kaya ko ding gawin 'yon para sa kanya. Para kay Brent.
"Sabrina,, are you alright?" Ay, kanina pa pala ako kinakausap ni Strawberry. Si Strawberry ang seatmate ko and somehow bagong kaibigan na din.
"O-oo naman. Nagugutom lang siguro ako." Tumingin ako sa relong pambisig ko. "Lunch na pala, kain na tayo?"
"Sige, gusto ko na ding mapanuod ang school na magpe-perform sa Garden eh! Doon tayo kakain ha? Balita ko guwapong mga banda daw ang nandoon mamaya. Magpe-perform sila para sa isang charity sa mga batang may sakit na cancer. Ang cute ano? Amba-bait nila."
Nginitian ko na lang si Strawberry. Sa totoo lang ay wala ako sa mood. Naiisip ko pa din kasi ang mga consequences. Hindi ko pa din kasi matanggap...na hindi para sa akin si Brent. Nalaman ko din kasi na sa susunod na pag bilog ng buwan, saktong ikakasal sila ni September. 'Yon ang saktong date na aalis na kami ni Mama. May bumili man o wala ng lupa.
Bumili na kami ng kakainin namin sa isang mini stop saka dumiretso sa garden. Nagmamadali pa nga si Strawberry. Ngayon lang kasi nagkaroon ng ganitong event. Saka bukod doon, mahilig din sa guwapo si Strawberry. Baliw lang 'di ba?
"Bawat manunuod daw, 150 pesos! Meron ka namang pera diba? Pero sabagay kahit wala, ililibre kita. Yieeh, excited na akong makita sila." Baliw talaga 'tong si Strawberry. Hahaha.
Nakarating na din kami finally sa Garden kung nasaan madami ng taong manunuod. Weird naman. Puro babae. Alam siguro nila na guwapo mga magpe-perform. Hahaha. Kadalasan naman kasi ng mgta estudyante dito eh walang interes sa mga ganyang charity works.
"Sabrina, bayaran ko lang entrance fee natin ha? Diyan ka lang para may pwesto na tayo." Tumango ako saka umupo. Sa bandang gitna kami. Dami na kasi agad nakaupo sa unahan. Halatang kanina pa sila nandito. Nakatakip pa ng kurtina ang stage kaya naman hindi ko pa nakikita kung sino mag pe-perform.
After a while, may mga grupo ng lalakeng naka shades ang nakita kong dumadaan sa likod ng stage. May familiar akong body built na nakita doon. Pero imposible. Hindi nga magaling kumanta ang isang 'yon. Magaling siya kaso kapag madaming tao, nahihiya siya kaya hindi nakakapag concentrate. Imposible talaga!
Bumalik na din sa wakas si Strawberry. Sakto na tutugtog na 'yong banda. Hindi ko na inisip kung sino siya. Alam ko namang imposible. Saka kahit pa siya 'yon, iiwasan ko na siya. Finally, nagbukas na ang kurtina. Gulat ako sa nakita ko...
Si Brent. Kasama niya si Chase, Enrique, Jacob, at Kim.
Nung napansin niya na nakatingin ako sa kanya nginitian niya ako. Pero puno ng lungkot ang ngiti niyang 'yon. Randam ko. Nalulungkot din ako. Bigla kumulimlim ang langit. Buti na lang nasa covered part kami ng garden. Pakiramdam ko ay uulan mamaya. 'Di ba nga kasi kapag kung ano nararandaman ko, nakikiramay sa akin ang panahon kapag hindi ko na-kontrol?
Nagtilian ang mga babae. Lahat sila lalo na si Strawberry. "Nakita mo 'yon, Sabrina? Nginitian ako nung vocalist! Shet, ang guwapo niya." Akala niya siya nginitian.
"This song is for my special someone. That special someone who I don't want to spend my life without. That special someone I can wait forever. That spending forever with her is not enough. This is for you, Sabrina Smith."
(NP: This I Promise You by N SYNC)
"When the visions around you,
Bring tears to your eyes
And all that surround you,
Are secrets and lies
I'll be your strength,
I'll give you hope,
Keeping your faith when it's gone
The one you should call,
Was standing here all along.."Napatingin sa akin si Starwberry. Hindi ko napigilang ngumiti. Nakakainis. Alam niya na ganito na pala ang mangyayare. Gusto ko sana umalis. Patayo na ako pero hinila ako pabalik ni Strawberry. "Hindi pwede girl, manuod ka! Paano mo natitiis ang ganyang lalake? Patawarin mo na!"
"And I will take
You in my arms
And hold you right where you belong
Till the day my life is through
This I promise you
This I promise you."Tinignan ako ni Brent. Mata sa mata. Nginitian niya muli ako. Gusto ko ng isuko ang laban na 'to, pero madaming reasons para ipagpatuloy pa ito. Isusuko ko 'to pero hindi ibigsabihin 'non hindi na kita mahal Brent. Kahit ang sakit sakt sa'kin Brent. Hindi ako sasaya kung ikaw din naman mas nasasaktan.
"I've loved you forever,
In lifetimes before
And I promise you never...
Will you hurt anymore
I give you my word
I give you my heart (give you my heart)
This is a battle we've won
And with this vow,
Forever has now begun...""Girl, batiin mo na kasi! Grabe ang sweet niya oh. Kung ganyan lang din sa akin ang boyfriend ko eh." Natatawang sabi ni Strawberry. Kung ganon lang sana kadali Strawberry. Eh di sana hindi ko na kailangang gawin 'to.
"Just close your eyes (close your eyes)
Each loving day (each loving day)
I know this feeling won't go away (no..)
Till the day my life is through
This I promise you..
This I promise you.."Hindi ko na talaga napigilang tumayo at umalis. Narandaman kong papatak na naman luha sa mga mata ko. Hindi ko na kayang makita pa siyang nakatayo doon na para bang 'yon na ang huling pagkikita namin. Ayoko ng masaktan si Brent. Ayoko na nito.
Binilisan ko pa lalo ang paglalakad. Alam kong susundan ako ni Brent. Ayoko na siya makausap--
"Sabrina!" May humila sa kamay ko kaya naman napaharap ako. Si Brent 'yon. Namumula ang mata niya na parang kagagaling lang sa pag iyak. Ayokong nakikita siyang ganito. "Bakit ka ba lumalayo?"
"Brent naman. Wag kang kumilos na parang hindi mo alam." Nakayuko kong sabi. "We've gone too far. I think this is really it."
"Sumusuko ka na ba?"
"No, Brent. Don't you ever think about that." Hinawakan ko 'yong kamay niya na nakahawak pa din sa akin. "Pero Brent, hindi pa kasi ito 'yong time na dapat maging tayo. Masyado pang magulo lahat. Masyado pang madaming hadlang. Kung tayo naman talaga, love will find a way. 'Di ba?"
He tried to smile. The same smile na nakikita ko kanina pa. "So that's what you want. I understand."
Lalo lang lumukot ang mukha ko. Kung ano mang gagawin ko ngayon Brent. Sana mapatawad mo ako.
"Brent, ayoko na." Tumingin na ako sa kanya. "I-isipin mo na lang na hindi na kita kilala. Na hindi mo na ako kilala. T-till we meet again..."
I said then I run without looking back.
I know this feeling won't go away (no..)
Till the day my life is through
This I promise you..--
MY NOTE:
Aww. :( Is this really the goodbye? Alright, let's see! Last three chapters plus Epilogue. Everyone is excited?
Sorry for my inactivity. Busy kasi sa school. Daming projects and such! Hirap pala ng bagong curriculum! :'( Shout out sa mga inabutan ng K-12.
Don't forget to share your opinions, ka-chasers!
#CTVHLast3Chapters !!
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...