Chapter 16.
Sabrina's POV
"Oh gising ka na pala! Good afternoon, Sabrina." Yan ang unang boses na narinig ko pagkagising ko. Kakaiba. Boses babae. Boses ni--
Alyssa!
Pumunta sya sa harapan ko. Tinanggal nya ang maskara nya. Tama hula ko. Sya nga!
Pinagmasdan ko ang kwarto. Sobrang dilim! Ilaw lang ng flashlight ang nakikita ko.
"A-ano bang nagawa ko Alyssa para gawin mo 'to? Bakit mo 'to ginagawa? Dahil ba kay Brent? Nasaan ang mga kaibigan ko? Anong ginawa mo sa kanila?!" Sigaw ko sa kanya. Leche sya! Dami nyang alam. Anong akala nya sa buhay na ito, palabas?!
"Oh, kalma lang! Baka unahin kita at ang pamilya mo without thinking. Hayaan mo, napag utusan lang ako ng Red Empire at ni... Secret! Hahaha! Saka, walang connect sa inyo ni Brent ito. Pero medyo kay Brent! Kaso ang panget naman diba kapag binulgat ko agad? Hayaan muna natin syang iladlad ang sarili nyang kulay." Sabi nya. Red empire? Iladlad ang sariling kulay? Ugh! Ano bang mga pinagsasasabi nya?
"Diretsuhin mo nga ako. Anong red empire ang sinasabi mo?! Anong iladlad?" Sabi ko. Tumawa sya ng malakas.
"Doon ako nanggaling. Si Jacob din at... si Brent. Malalaman mo din pagdating nila. Hahaha!" Parang di na sya ang Alyssa na kilala ko. Parang iba na sya. Nakakatakot! Para syang baliw.
"Nasaan na mga kaibigan ko?" Kalmadong sabi ko. Binuksan nya naman ang ilaw sa tabi nya at nandoon sila Frances. Galit na nakatitig kay Alyssa.
"Guys, wag kayong--"
"Ang panget mo! Ang baho mo! Amoy tae ka! Amoy ihi! Amoy aso! Kaya siguro kami hinimatay kanina dahil sa sobrang baho mo. Baho!" Sabi ni Julia. Naku, sasabihin ko na sana na wag nilang pansinin si Alyssa e!
"Julia, wag mo sya pansinin." Sabi ni Ellaisa. Hihinga na sana ako ng malalim nung nagsalita na naman sya. "Ang mga panget, dukha, mangmang, bobo, tanga, mukhang tae, at ang panget uli ay di dapat pinapansin! Mahahawa ka sa kanila. Eww!" Dugtong nya. Nagawa talaga nila isakay ang kabaliwan nila in times like this?!
Wag na sana gatungan ni Frances--
"WALANG HIYA KA ALYSSA! ISA KANG BAMPIRA NA PANGET! PAAAAANGET! PANGET!" sabi ni Frances. Naku, masama ito. Pero teka, tama ba dinig ko? Bampira?
"Oh! Thankyou for your mouth Frances! Dahil sayo, lalo akong natutuwa na ituloy ang plano ko. Teka, diba wolf ka?" May kinuha sya sa bulsa nya. At agad na ini-spray sa ilong ni Frances. Biglang hinimatay si Frances. Kapal talaga nya!
"Uy mahiya ka naman! Dapat sa mukha mo ini-spray yan para mamamatay na ang mga lamok na katulad mo! Ang kati mo!" Sigaw ko. Nagulat ako sa sobrang bilis na nakalapit sya sakin.
B-bampira ba talaga sya?
Hinawakan nya ng mahigpit ang mukha ko. Sobrang gigil na nakikita kong nag red ang mata nya.
Naaalala ko ang ganyang mata. Naging ganyan mata ni B-brent nung feeling ko nagselos at nainis sya...
"Tumahimik ka!" Sasampalin nya na sana ako ng biglang sumigaw si Ellaisa.
"PANGET!" hays, siraulo po talaga sya. Sya tuloy ang nilapitan ni Alyssa ngayon! Naku naman po.
Hinawakan nya din ang mukha ni Ellaisa.
"Bitiwan mo sya!" Sabay na sabi namin ni Julia. Sinipa sipa ni Julia si Alyssa pero sobrang lakas ni Alyssa na hindi man lang ito natutumba.
Hindi pwede... hindi pwedeng bampira sya.
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...