Chapter 24: Christmas Break

1.1K 60 0
                                    

Chapter 24.

Sabrina's POV

"Brent! A-ahh napatawag ka?" Sabi ko. Nag panic pa ko ng makita ko ang pangalan nya. Ewan ko bakit. Kinikilig ako? Well, 'di na ko magtataka. Ganito ko na yata ka-gusto si Brent loves.

"(Masama? Tss. Parang lagi ka namang naninibago sa'kin. Kamusta ka na? Namimiss na kita eh.)" Sabi nya. Mukhang malungkot sya kaya naman nahawa din ako. Simula kasi nung debu ko, 'di na kami uli nakapag usap since ang daming school works. Wala eh, graduating na kasi kami.

"Hahaha. Oo nga pala 'no. Lagi ka nga palang tumatawag. Sorry naman! Hehe. Namiss din naman kita eh. Parang kulang na lang eh, lumipat na ko sa bahay nyo para lang 'di kita mamiss kaso mas mahal ko si mama eh. Sorry!" Sabi ko. Natawa naman sya kaya gumaan ang loob ko. Yung feeling na, dati pangarap mo lang sya pero ngayon totoong totoo na!

"('Di ako papayag na ikaw llipat..." Natahimik naman ako. "Gusto ko ako ang lumipat sa bahay ninyo. Kasi parang dati talaga pangarap ka lang e, tapos akalain mo yun? Naaabot ka naman pala.)" Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sarap lang magkaroon ng manliligaw! Kahit gustong gusto ko na sya sagutin sa totoo lang, kailangan ko muna maghintay. 'Di pa ko pwede 'no!

"Merry christmas and happy new year! Saan ka naman sa buong break nyo?" Tanong ko. Baka kasi sumabog na yung pisnge ko kaka-ngiti pag hindi ako nag change topic eh.

"(Sa puso mo. De joke, dyan lang...)" Sabi nya. Natigil naman ako. Saan naman sya magse-celebrate? Daming pa thrill na alam nito.

"Saan nga?" Pangkukulit ko. Kung magkaharap lang siguro kami nito ay pinisil pisil na ang pisnge ko sa kulit. Nagulat na lang ako ng may pumisil sa pisnge ko. Parang nawalan ako ng dugo sa gulat. 

NASA GARDEN KAYA AKO. AT WALA KONG KASAMA DAHIL NASA LOOB NG BAHAY SI MAMA. SINO NAMAN GAGAWA NUN SA'KIN???

"Merry christmas and happy new year din." BOOM. Parang sumabog puso ko nung narinig ko ang boses na iyon. Pagkataas ko ng ulo ko ay si Brent lang pala na nakangiti tapos kinindatan ako. Badtrip! Kala ko naman kung ano na.

Umupo naman sya sa harapan ko.

"Gulat ka yata?" Hawak pa nya ang phone nya. Tss, 'di ko naman sya mayakap dahil naiinis pa din ako sa ginawa nya. Nakakagulat kaya! Na-troma na nga ako sa nangyare dati na may kung ano sa locker ko ang lumabas eh.

"Tss! Nagulat kaya ako. Baliw ka, bigla bigla na lang sumusulpot sa mga hindi ko ine-expect!" Sabi ko. Pero sa isang iglap, niyakap nya ko. Ayun, nawala na ang hiya at gulat ko. Kainis!

"Love comes unexpectedly, 'ika nga nila." Sabi nya saka tumawa. Napahampas na lang ako sa kanya at umupo na sya ulit.

"Literal, ganun?! Adik. Hahaha." Sabi ko. Napatawa na din tuloy ako.

"Medyo lang. Ikaw naman, bad mo sa'kin. Saan mo gusto pumunta ngayon, my Bella?" Napanguso naman ako. Pigil kilig sa 'my Bella' na part. Ganun? Edward Cullen lang ang peg!

"Wag mo nga ko matawag tawag ng ganyan. Sabrina Smith po pangalan ko. Saka teka nga mister, nagpaalam ka na ba sa mama ko? Baka na naman maka one point ako na suntok sa ulo nun ha?!" Sabi ko. Kinindatan nya lang ulit ako! Balak nya yata akong patayin sa kilig, eh.

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon