Chapter 1: IS IT REAL?!

10.5K 265 58
  • Dedicated kay sa inyong lahat
                                    

Chapter 1

Sabrina's POV

"Ayan na sya Sab! Dadaan na yung crush mo--natin na pala! s-si--" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang bulong sakin ni Julia. nak ng! Napalingon agad ako sa itinuturo nya.

Nakita ko si Brent. Naglalaro syang mag isa ng basketball sa gym namin.

"Si Baby B! Baby Brent mahloves!" nakangiti at kilig na kilig na sabi ko. nagkikilitian na kami ni Julia-- ay hindi pala! nagsasampalan, nagsusuntukan, naghahampasan at nagkukurutan lang kami. Grabe! The Kilig Feels!

Sya kasi ang crush namin ngayon ni Julia e. Paano ba namang hindi ka maaakit sa charms nya diba? hindi sya yung katulad ng ibang lalake dyan na ang sungit sungit, cold, laging tahimik, at minsan lang magsalita. nako! kabaliktaran nya yun! Si Papa Brent kasi mabait, MASARAP, masayahin, active sa sports, madaldal, laging nakangiti, hindi playboy (single sya ngayon! kyaaaaah!), gwapo, warm heart, matulungin, at halos perfect na sana... kaso ayon sa aking research tungkol sa kanya, Takot sya sa kidlat at sa ulan.

Hindi ko alam kung bakit! pero ang gwapo gwapo nya talaga! Hindi ko akalaing may ganyang lalakeng nag e-exist sa mundo.

"Pero bakit kaya sya mag-isa Sab?" nagtatakang tanong sakin ni Julia habang nakasilip pa din kami sa gate ng gym. Mag isa lang talaga syang nagpa-practice. Ang gwapo nya lalo pag seryoso!

Pero totoo yun ha, isa pa dun ang misteryo sa kanya... wala syang kaibigan. Meron naman! kaso isa lang. tapos ka-kulay nya lang ang balat at magkasing tangkad lang din sila, pero mas gwapo si Baby Brent! kyaaaah!

"Oo nga e. Gusto ko tuloy sya maging kaibigan! hanggang sa ligawan nya na ko, hanggang sa maging kami, at hanggang ikasal na kami! kyaaaah!-- Aray!" Hinampas naman ako sa ulo ni Julia. Leche 'tong babaeng 'to! huhuhu.

"Ang adik mo din kay Papa Brent e no? Dapat share share lang! ang selfish mo e no." Inirapan ko na lang sya saka ulit sumilip sa gate. nagulat naman ako ng may nakatingin din sakin ng sobrang lapit.

"KYAAAAAH!" napabitaw ako sa pagkahawak ko sa gate kaya naman nadulas ako at napahiga. "Aray!" lumapit naman agad sakin si Julia.

"Oy? Anong nangyare sayo? Nakakita ka ba ng multo? hoy, kalma!" sabi ni Julia sakin. Lumabas na ang lalakeng nakatingin sakin kanina ng sobrang lapit.

Kyaaah! Si Brent sya!

"Ah Sabrina, okay ka lang? ay sorry ang tanga ng tanong ko... hmm, dalhin na kita sa clinic ha? mukhang napasama yung pagkahulog mo e. sorry talaga. Napansin ko kasi na parang may tingin ng tingin sakin kaya sinilip ko. Ikaw lang pala." nakangiting sabi nya saka napakamot sa ulo nya. Syete! nakakakilig naman sya magsalita. ang soft soft ng boses nya! sarap pakinggan.

"A-ah s-sige." sabi ko. nagulat naman ako ng binuhat nya ko ng pangkasal. Nakita ko naman ang naka nganga na si Julia ay hindi pa nakakakilos. nagulat ata sya! hahahaha!

Grabe! Kilig! mula first year highschool ko pa kasi crush itong si Baby Brent. pero ang galing lang, parang walang nagbago sa mukha nya. Hindi din kami magkaklase mula grade 7 hanggang ngayon na grade 11 kami dahil sa sobrang talino nya! Nasa A-1 sya. Nasa A-2 lang ako.

Yung A-1 kasi, bihira lang ang mga napupunta sa section na yun kasi naman kailangan dun ay sobrang matalino, sporty, malakas at nabibilang ka sa Higher Society. Mga sampung tao nga lang ang nakapasok dun e!

"Sab? Sab? Okay ka lang?" natigil ako sa aking mahabang pag mo-monologue ng nagsalita sya.

"Ah hehehe! Oo kaso masakit pa din likod ko e. paano mo pala nalaman pangalan ko?" i-nginuso nya naman yung I.D ko. ay, oo nga no. hahaha! iniisip ko pa naman matagal ko na syang stalker kaya kilala nya ko. hindi pala! Ayoko na nga maging assuming! hahaha.

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon