Chapter 43: Birthday Party

766 33 6
                                    

Chapter 43.

Brent.

"Brent, anak." napatingin ako sa nagsalita. Si mama yon na nasa labas ng pinto ng kwarto ko. Mukhang kanina pa siya doon pero hindi ko man lang napapansin. Kanina ko pa kasi iniisip si Sabrina. Okay na kaya siya?

Tsk, malamang hindi! Ang tanga ko talaga. Hindi ko na alam kung paano siya malalapitan ulit. Dalawang araw din ako di bumalik sa bahay dahil ayokong makita niya ako. Ayokong magalit lang na naman siya.

"Bakit 'ma?" Ngumiti siya sa akin at lumapit saka umupo sa tabi ko.

"Anak alam kong hanggang ngayon, si Sabrina pa din ang iniisip mo. Pero alam mo ba kung anong araw ngayon?"

Napatigil naman ako. Anong meron ba ngayon?

"Bakit ma? Birthday mo po ba?"

Umiling si mama saka tumawa at ginulo ang buhok ko. Bakit? "Anak naman, birthday mo ngayon! Pati ba naman mismong kaarawan mo, nakalimutan mo na?"

Ha? Birthday ko na pala?

Sa sobrang kakaisip ko kay Sabrina, hindi ko na naisip na darating pa birthday ko. Parang sobrang bagal kasi ng takbo ng oras ngayon at sa totoo lang sobrang namimiss ko na siya. Wala namang kwenta ang birthday ko kung wala lang din siya eh.

"Ah, sorry ma." Napakamot na lang ako sa ulo ko. Nakakahiya. Mismong birthday ko, kinalimutan ko na. "Ayokong magpa-handa. Kahit kayo na lang, okay na ako."

"Alam mong hindi pwede ang gusto mo Brent. Paborito ka ni Sapphire kaya sigurado ako na darating ang buong red empire exactly at 12 midnight. Pero wag ka mag alala, ako bahala sa'yo. Nandoon din naman ang mga kaibigan mo e. Siguradong hindi ka nila makakausap tungkol sa task mo."

Ang sinasabing task ni mama ay ang task na madala ko si Sabrina at si Tita Shiela sa Red Empire para maipa-patay. Hanggang ngayon kasi alam nila na may communication pa din kami.

Sinubukan kong ngumiti kay mama. Swerte ko talaga at siya ang naging ina ko, kung hindi dahil sa kanya baka hindi ko na kayanin ang mga nangyayare sa akin.

"Ma, salamat po." sabi ko sabay yakap sa kanya. Niyakap niya din ako.

"Walang anuman anak." Bumitaw na siya sa pagkayakap namin. "Lumabas ka na ng kwarto mo, mahal ka pa din naman ni Sabrina. Sigurado ako." Pang aasar sa akin ni mama. "Joke lang, happy birthday anak!"

Tinignan ko naman ang nakalagay sa side table ko na invitation letter para sa birthday ko. Masquerade ball ang theme. Ganito ka-engrande ang birthday ko dahil sa darating ang buong Red Empire.

Kinuha ko ito at tinignan ang guest list. Bibitiwan ko na sana ito ngunit meron ako nakitang hindi dapat nakalagay doon. Bigla ako nanghina.

'Sabrina Smith'

Hindi pwede...

--

"Mama bakit nasa invitation letter pa din si Sabrina?" sabi ko agad nung pagkalabas ko sa kwarto. Kasalukuyan silang nag aalmusal ni ate April.

"Kumalma ka nga, Brent. Sigurado naman akong hindi pupunta si Sabrina. Kakaalis lang ng pamilya nila kanina at mukhang bukas pa ang balik nila. Kailangan daw kasi ni Sabrina ng pahinga. May nangyare ba sa inyo na hindi ko alam?"

Hindi nga pala alam ni mama na alam na ni Sabrina na isa akong Vampire. Pero wala na akong balak pang sabihin sa kanila 'yon. Baka mamaya eh, magka problema na naman si mama. Ayoko na maging pabigat.

"Wala naman ma." Sabi ko ng nakangiti. Umupo na ako sa tabi nila para mag almusal.

"Sigurado ka Brent? Eh parang kulang na lang 'di ka na lumabas ng kwarto mo eh. 'Di ka naman ganyan dati. Sigurado ka?" Tanong ni ate April. Malakas pa naman ang pakiramdam ng isang 'to.

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon