Chapter 45.
Sabrina.
(NP: God gave me you)
Lumabas na kami doon sa may terrace. Ang ganda pala dito. Sakto pa at malalim na ang gabi. Madami na ding stars.
Umupo na kaming dalawa. Nakakapagod ang araw na 'to pero sana hindi na 'to matapos. Inihiga ko na ang ulo ko sa shoulder niya.
"Paano na tayo bukas?" Hindi ko naiwasang matanong sa kanya.
"Pwede bang wag muna bukas isipin mo? Pwede bang tayo muna ngayon babe?"
"Oo na, sabi ko nga tayo lang muna eh." Hahaha. Saglit kaming natahimik.
"Alam mo, hindi ko ine-expect na aabot tayo sa ganito." Sabi ko uli.
"Hindi ka talag pwede matahimik 'no?"
Napanguso naman ako. Sama nito eh! "Ang bad bad mo sa akin! Gusto ko lang naman i-share na ang layo na ng narating natin."
"Oo, alam ko na 'yon. At wala akong planong bumalik pa." Yieeh! Ayoko na talaga kiligin utang na loob.
"Wala ka ding balak na patulugin ako ano? Kanina ka pa nagsasalita ng nakakakilig eh!"
"Sa'yo lang naman ako ganito."
"Sus, if I know baka madaming babae ka ng nasabihan niyan." Tumawa lang siya.
"Bakit? Madami ka ba?"
"Okay so corny! Gamit na gamit na line na 'yan ha." Okaaaay, pero kinikilig talaga ako. Iba pala pag sa kanya galing! Hihi. Pabebe na naman ako.
"Pero kinilig ka naman? Kaya pala namumula ka ngayon." Napatakip naman ako sa mukha ko. Echosero 'to!
"Brent, hindi mo naman ako iiwan diba?"
"Oo. Bakit naman kasi kita iiwan?"
"Eh paano kapag nagsawa ka sa kakulitan ko? Paano kapag dumating ang araw na hindi na ako maganda? Paano kapag ang panget ko na? Paano kapag ang gurang ko na? Paano kapag nakakainis na ako? Paano kapag ayoko na sa'yo?"
"Hindi naman ako nauubusan ng dahilan para mahalin ka eh. Saka ako, aayawan mo?" Ayan nagiging mayabang na naman siya! Asar 'to. Siya na G U W A P O! Hahaha.
"Oo pwede din. Kay Chase na lang ako! Guwapo din naman si Chase kaya pwede na." Sabi ko at nagbago naman bigla expression ng mukha nya. "B-brent, hehe. J-joke lang--" gulat ako ng bigla niya akong kiniliti.
"Ano? Si Chase gusto mo?" Natatawa niyang sabi. Sinisipa sipa ko naman siya dahil sobrang malakas kiliti ko sa bewang!
"H-hindi na nga eh! L-letse ka. Tigilan mo na ako, naiiyak na ako! Ikaw nga mahal ko e, paano ko magugustuhan 'yon?" Naiiyak ako sa sobrang kiliti. Buti na lang at tumigil na din siya. Laki tuloy ng ngiti sa mukha niya.
"Pero seryoso, guwapo si Chase." Bigla niya naman itinaas ang mga kamay niya para bang ready ako kilitiin! Hayst, asar 'to. "Joke lang, sabi ko nga mas guwapo ka e."
"Mas guwapo talaga ko don. Sobra pa. Pag ako ipinagpalit mo doon, papanget magiging anak nyo." Natawa naman ako sa sinabi niya. Seriously! Hahaha.
"Hindi naman kami magkaka anak kasi hindi naman siya papakasalan ko. Advance ng pag iisip nito." Natatawa kong sabi. Ginulo niya lang buhok ko.
"Oo, kasi ako lang ang papakasalan mo." Sabi niya sabay kindat sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay bata pa din ako na kinindatan ng crush ko ng grade one! Hahaha. Pero iba 'yong kay Brent. Hahanap-hanapin mo talaga.
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...