Chapter 26: Danger.

919 56 1
                                    

Chapter 26.

Frances’s POV

Sa wakas, pasukan na ulit! ‘Yung piling na lahat ng estudyante ay ayaw pang pumasok pero ikaw, excited na excited pa?! Hahaha. Ganun pakiramdam ko ngayon. Kyaaah, makikita ko na naman ulit SIYA.

Dahil ang month na ito ay Club’s month sa school, wala kaming ibang gagawin kung hindi um-attend sa mga club na nagsali kami. Dapat makasali ka at least limang clubs, bawal ang walang sinasalihan. So ako, dumiretso na ko sa first club ko, ang dancing club!

Ang masaya lang sa dancing club ay sasayaw ka lang naman ng sasayaw, lol! Hahaha. Saka sa isang malaking mirrored room kami sumasayaw. Nakakatuwa nga eh, tapos sampung tao lang kaming may interest sa pagsasayaw?! Hahaha.

Kailangan namin mag practice dahil may sasalihan kaming Dance Contest! Excited na kinakabahan na nga ko kasi February na yun!

Nakita ko naman doon si Kim na sumasayaw ng Danger ng BTS. Oh, shet na malagkit! Ang hot! Pinagpapawisan siya ngayon dahil mukhang kanina pa siya nandito. Buti na lang wala pa ang mga kasama ko dito dahil kung hindi baka ano ng isipin nila sa’kin. Kami pa lang pala ang nandito.

“Oy, espren! Gwapong gwapo ka na naman sa’kin?” Natigil ako sa pagi-ilusyon nung sinabi ‘yun ni Kim. Oh my, nakakahiya! Binato ko lang siya ng bag ko since malapit lang naman ako sa kanya kaya nasalo din niya. Azar! Kinikilig ne nemen eke.

“T-tumigil ka nga espren! Kung nandito si Ellaisa, lagot ka doon.” Sabi ko at tumalikod na ko kunyare aayusin ko ‘yung kalat sa room pero ang totoo, tinatago ko ang pamumula ko. Halata na ba ako?!

Bakit naman kasi sa lahat ng pwede kong magustuhan eh, ‘yun pang meron ng iba… at kaibigan ko pa! Aw.

 

“Tss, nag away nga kami ‘non. Paano eh, nahuli ko  ba namang hinalikan ng lalake nung huling dalaw ko doon. Tsk.” Sabi niya at umupo na ko para panuorin siya. Mamaya pa dadating ang mga kasama namin. Kami lang naman ang excited eh.

Nalungkot ako sa sinabi niya. Tanga na kung tanga, pero ayoko pa din naman maging miserable siya ‘no. Halata ang lungkot sa kanya habang sumasayaw siya. Sana kasi ‘di na lang ako nagka-gusto sa kanya, abnormal naman ang puso ko kasi eh!

Ito na yata ang friendzoned level kahit ‘di pa ako umaamin. Nakakainis na unrequited love ito. ‘Di naman kasi kami magiging close kung hindi nawala si Ellaisa. Simula kasi ng mawala ang baliw ko na kaibigan na ‘yun, lagi na lang siyang nakadikit sa’kin at nagpapatulong about kay Ellaisa. No choice naman ako since ako lang ang pinaka close ni Ellaisa na ka-schoolmate ni Kim. Tapos iyon, habang tumatagal, nahulog na ko sa kanya. Masyado kasing pa-sweet! Masarap kasama at kausap. Kapag kailangan ko ng maiiyakan, nandiyan lang siya.

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon