Chapter 50.
Brent.
"Look at the man you've become, Brent." Natutuwang sabi ni Sapphire. "Parang dati lang, putlang putla ka pa kasama ang magulang mo na nagmamakaawa sa aking buhayin ka."
He tapped my shoulder and I just reply a smile. This will be the day. Papakasalan ko si September sa Red Council. Nakahanda na ang lahat. Kami na lang ni September ang hinihintay. Ewan ko ba pero simula nung tinalikuran ako ni Sabrina kahapon, wala na kong naisip na dahilan para ipagpatuloy ko pa ang plano namin na pabagsakin ang Red Empire.
Everything just doesn't make sense anymore. Kung wala siya, parang wala na ding kwenta para ituloy ko pa 'tong buhay ko. I rather be dead than to be without her.
"Handa ka na ba?" Tumango lang ako. I'm really not in the mood to talk with this jerk. Dahil sa kanya, lahat nasira. "Kapag kinasal ka na kay September, you will finally take over my place. And I'm glad it's you."
"How about our deal?" Ngumiti naman siya sa tanong ko. Kakaibang ngiti.
"Oh ofcourse, 'di ko makakalimutan 'yon. Sabrina is surely safe now. Wala na kaming gagawin sa kanya kung itutuloy mo ang kasal." He tapped my shoulder once again. "Wala na kong planong ubusin ang lahi nila. I realized, ano pa ba namang laban nila sa'kin? But oh, unless you change your mind...Babalik sa peligro ang buhay niya."
Napakuyom ang kamao ko. I kept my cool. I have to be better than this. Hindi ko pwede ipakitang siya lang makakapag pahina sa akin.
"Don't worry. Wala naman akong plano na ipahamak ang taong minamahal mo. Basta ba susunod ka lang."
The hell is wrong with this guy. Wala na kong maisip na matino. Wala na kong makitang dahilan para lumaban pa kay Sapphire. Wala na si Sabrina. Nawala na siya sa'kin...
"Master, the wedding ceremony is about to start. The Red Officials were wishing for you to come over there." Sabi nung isa sa mga alagad niya.
"Oh sure." Lumingon siya sa akin at muli ako binigyan ng kakaibang ngiti. I hate that smile. How I hope he die right in front of me. "Don't ever plan to escape, alright Brent?"
--
Sabrina.
"Anak ayos na ba gamit mo?" Nagising ang diwa ko sa boses ni mama. Buti na lang tapos na ako mag empake. Nag e space out na naman pala ako.
"Opo mama." Huminga ako ng malalim. Hindi ko matanggap na iiwan ko na ang lugar na kinalakihan ko. Madami din akong alaala dito at lahat sila 'di ko makakalimutan. "Ma, nabili na ba 'tong bahay?"
Ngumiti naman sa akin si mama saka tumabi. "Oo, ang laki nga ng bayad sa atin eh. Natuwa kasi sa laki ng bahay saka sa design din ng bahay natin! Buti na lang pala, isa akong dating feeling Interior designer."
Natawa na lang ako. Ang kulit talaga ni mama. Gabi na namin naisipan mag byahe para hindi traffic. Nakakatawang isipin na kasabay ng pag alis ko, kasal naman ni Brent at September.
Oo, alam ko 'yon. Nalaman ko mismo kay Chase. Matagal na palang nakaplano ang lahat. Nakakainis nga eh. Parang naging isang malaking joke bigla ang love story namin. Eh ano 'yong propose propose na ginawa niya nung gabing 'yon?
Umasa na naman ako. Ang galing ko talaga. Pero ito din naman gusto ko diba? Ako din naman ang gumusto na lumayo.
"Anak, malalim yata iniisip mo? Si Brent na naman ba?" Huminga naman ng malalim si mama. "Anak, baka hindi lang talaga kayo ang nakatakda sa ngayon. Alam mo 'yong bagay na tinatawag nilang reincarnation? Malay mo, balang araw, magtagpo kayo ulit diba?"
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...