Chapter 23: Brent is...

1.3K 63 9
                                    

Chapter 23.

Sabrina's POV.

Kinakabahan talaga ako. Akalain mo, naayos na pala ni mama ang lahat at ako na lang talaga ang kulang? Kaya wala din pala akong magagawa kahit gusto ko lang ng simpleng celebration. Nakapag rent na kasi si mama ng hotel na paggaganapan ng debu ko. 

Tinignan ko uli ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ganda gandang dyosa ko talaga! Para akong reyna ng gabi. Naisipan ni mama na gabi gaganapin yung debu ko. Saka formal attire. Lahat ng bisita ko at si mama ay kulay white and pink para daw kakaiba ako sa lahat. Taray diba?

Simple lang naman ang napii kong ball gown pero maganda naman! Kulay light blue at may mga diamonds andd glitters sa itaas. Swerte ko at wala akong bilbil ngayon kaya naman nag fit yung damit sa'kin. Napanagiti ako. Ano kayang magiging reaction ni Brent kapag nakita nya na ako? (A/N: Please click the external link to see the picture of Sab's gown)

"Nak, ang ganda mo talaga. Ang laki mo na! Parang dati lang e, iyakin at uhugin ka pa. Pero tignan mo naman ngayon? Ang ganda at ang tangkad mo na. Pero ang hindi magbabago 'nak? Mahal na mahal kita." Sabi sa'kin ni mama at niyakap ako. Hays, kaya mahal na mahal ko si mama e. 

"Salamat ma. Ang drama mo infairness huh? Hayaan mo, mas love na love kita kesa sa iniisip mo. Thanks for this day--I mean to everything! Ang swerte ko po talaga na kahit kailan ay hindi nyo ko iniwanan sa ere at kahit lagi akong sumusuway sa inyo, mahal mo pa din ako. Nandiyan ka pa din at inaalagaan ako." Muntik na kong maiyak pero pinalo nya naman ako ng mahina kaya natawa kami parehas.

"Wag ka nga umiyak at baka masira make up mo. Nagkandahirap si Ate Rose mo na make up-an ka!" Sabi ni mama. Sakto naman at may taong kumatok sa pinto. Binuksan ko naman iyon.

Kung nagtataka ka kung bakit ang ate ni Brent ang nag ayos sa akin, okay na din sila ni mama uli. Hindi ko man alam kung ano ang pinag awayan nila pero at least okay na uli sila. Doon pa lang masaya na ko. 

"Sabrina, may sasabihin lang sana ako. Tita, pwede ko po bang ma-excuse ng saglit si Sabrina?" Sabi ni ate Rose. Tumango naman si mama at umalis na. Ano kaya yun? Para naman akong kinabahan bigla at sobrang bumilis ang heartbeats ko.

"S-sab, may meeting sila Brent ngayon about sa--sa ano sa basketball. Sana maintindihan mo kung hindi agad sya makakarating. Pero nangako naman sya na makakarating sya at exactly na isasayaw ka na nya. Don't worry ha? And sorry kung matatagalan talaga sya. I hope you understand. Sige, baba na ako at hinahanap na ko ni mama eh." Sabi nya sa akin at nakipag-beso. Para namang gumuho ang mundo ko nun. Makakarating naman sya diba? Nangako sya eh. 

Sana lang talaga.

--

Pagkadating ko sa hotel ay puno na agad ng tao sa venue. Pero kunti lang naman sila 'no! Mga close lang na relatives namin at friends ko ang nandito. Nung nakita ko ang three little ponnies ay agad na nagtakbuhan kami sa isa't isa at nagyakapan. Waaah! Kumpleto na naman kami. Nakakatuwa lang! Nagulat naman ako ng may isa pa silang kasama. Si September?

"Beeees! Happy birthday. Nag message na ko sa'yo sa FB ha pero uulitin ko na lang. Enjoy this day! Pwede ka ng mabuntis at makulong. Yieeeeh!" Pinalo ko naman sya ng mahina. Para 'tong adik si Ellaisa. Araw araw high na high eh. Hahahaha!

"Happy birthday sa dyosa! Pagbibigyan kita kasi birthday mo e. Pagkatapos nito, ako na uli kaya wag ka mag alala ha? Alagaan mo ang sarili mo at malaking lampa ka na! Hahaha, yung sayaw nyo ni Brent ha, ayusin nyo!" Sabi naman ni Frances. Kinurot ko naman sya at kinurot lang din ako ng bruha. Ganyan kami magmahalan, mukhang tanga lang.

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon