Chapter 13.
Sabrina's POV
"B-brent?!" Sabi ko. Mukhang nagulat naman si mama. Si Tita naman natawa lang.
Si Brent naman nakangiti!
Damn, sya ba talaga si Rafael?!
"Nak?" sabi ni mama. Hindi ko na napansin ang mga sinabi nila. Para din silang gulat na magkakilala pala kami.
Akala ba hindi rin ako nagulat?!
Lumapit sya sa akin at hinagkan yung likod ng palad ko. May mga band aid pa daliri nya. Bakit kaya?
"Rafael Brent Hernandez, Sabrina." feeling ko naalog ang utak ko sa sinabi nya. Rafael Brent?!
Nakita ko naman na may babaeng lumabas sa kwarto sa kaliwa.
Ate Rose?
"Oh, hello Sabrina! Long time no see ha? I miss you!" Lumapit sa akin si Ate Rose at niyakap ako.
Hindi ako makapagsalita. Omg, just OMG!
"Nak, kilala mo na pala sila? Hindi ka man lang nagsabi sa akin." sabi ni mama.
"Ako naman ay kilala ko na talaga sya. Lagi ba namang bukang bibig ni Brent sa amin ni Rose si Sabrina." sabi ni Tita Nadia. What?! Nagising diwa ko doon ha!
"Ma naman!" sabi ni Brent. Nagtawanan sila. Ito ako, Naloloka pa din.
"Ikaw talaga si Rafael?!" sabi ko.
--
"Nakakatuwa talaga, parang dati lang ang liit pa ni Rafael, ano?" nakangiting sabi ni mama. Tumango naman si Tita Nadia.
Nandito pa din kami sa bahay ni Brent--ay ni Rafael--Ay ni Brent! Kumakain kami ng dinner.
"Oo nga, at parang dati naman ihi ng ihi sa panty itong si Sabrina. Pero tignan mo naman ngayon, ang ganda nya na!" Sabi ni Tita Nadia. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako kasi na-puri ako o mahihiya ako kasi sinabi ni tita na ihi ako ng ihi sa panty ko sa harapan ni Brent?!
Patapos na kami kumain. Mula nung kumain kami at sa boom surprise! ay hindi pa kami nag uusap ni Brent.
Si Ate Rose lang ang dumadaldal sa aming dalawa. Sinubukan nya nga na pag-usapin kami e but failed sya.
"At yan naman si Rafael, laging mahilig i- kiss si Sabrina sa pisnge! Naku, kulang na nga lang ay magmukha na kayong magkasintahan dahil sa sobrang sweet nyo noong bata pa kayo." Nakakahiya si mama. Naalala nya pa yun?
"Muntik na din silang ma-arrange marriage diba, kumare? kaso naisip lang natin na karapatan nila ang pipiliin ng mamahalin." sabi ni Tita Nadia. Paano po ba pag sya ang gusto ko? naisip ko.
Nung natapos kaming kumain ay dumiretso kami sa malawak na garden nila. Madaldal nga talaga ang matatanda.
Gusto ko ng umuwi! Nahihiya ako. Basta nahihiya talaga!
"Nak mukhang ayaw mo na kausapin si Rafael ha? Para naman noon lang ay excited ka pang makita sya. Anong nangyare at tumamlay ka ata?" panunukso ni mama sakin.
Tinignan ko si Brent. No emotions.
"Hindi naman po, ma. Nagulat lang po talaga ako." sabi ko.
"Mahiyain pala si Sabrina. Pero ayun sa kwento sakin ni Brent, ay napakadaldal at laging lumalapit sa kanya ito. Ano Brent?" sabi ni Tita Nadia. Mukha nga na lagi nya akong ikinukwento.
"Mama." sabi ni Brent. Tumawa uli sila. Ano bang nakakatawa? Nakakahiya kaya!
"Ano ba yun anak? Ikaw din ba ay nahihiya kay Sabrina? Naku naman anak! Lumaki naman kayong sabay at nagkahiwalay lang ng saglit kaya ano pang ikinahihiya nyo sa isa't isa?" sabi ni Tita Nadia.
BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampireBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...