Chapter 7.
Sabrina's POV
"E-enrique?" nakatulala pa din ako sa sobrang gulat ko sa mga pangyayare. Hindi ko akalain na sya pa magli-ligtas sakin.
Bakit ko ba kasi laging ene-expect na sya magliligtas sakin? Duh! may sakit kaya sya.
"A-Ako nga. Ahh." sabi nya pa. lumayo muna kami sa hagdanan dahil baka may mahulog na naman na kung anong bagay. kahit na gusto kong makita ang peste na naghulog sakin nun ay hindi ko na lang pinansin. Mukhang mas kailangan ako ni Enrique ngayon 'no. Umupo kami dun sa sahig.
"O-okay ka lang ba?" dagdag nya. Wow ha! sya kaya ang nahulugan ng balde. tapos sya pa nagtanong?!
"Baliw ka ba? Ikaw nga dapat tinatanong kung okay ka lang e. tapos ako oa tinanong mo? Tss. saan ba masakit?" sabi ko. Natawa naman sya. Anong nakakatawa?
"Sorry ha? Nag alala lang kasi ako sayo. Masama na bang mag alala sayo ngayon? Yung batok ko lang saka likod. bakit?" sabi nya. Creepy sya ha. Nag alala daw.
"Hihilutin ko na lang. wag ka mag alala, magaling akong maghilot! Talikod ka nga." sabi ko. Tumalikod naman sya.
"Paano ka nga pala nakapunta dito? e parang kanina naman walang tao sa likod ko?" sabi ko uli habang hinihilot likod nya. mukhang nasasarapan ang lokodahil ang tagal magsalita.
"G-galing kasi ako ng CR. Paakyat na din sana ako ng floor namin nung nakita kita. Eh ako naman dahil sa gwapo ako at maganda ka, sinundan kita-- Teka nga, bakit mo pa ba itinatanong yun? okay lang naman sakin kahit thankyou na lang sabihin mo e. Hindi naman po ko magagalit miss ganda." sabi nya sakin saka humarap sya sakin sabay kindat. kadiri! mukha namang hindi masakit likod nya na e.
Tumayo na ko, sya din naman tumayo.
"Edi thankyou po! Oh ayan na ha? nag-pasalamat na ko. Baka naman gusto mo pa ko lumuhod sa sobrang pagpapa-salamat ko. saka hindi miss ganda pangalan ko. Maganda man ako pero syempre may pangalan pa din ako no! Sabrina." pagpapakilala ko. Ginulo-gulo nya naman buhok nya.
May kinukuha naman sya sa bag nya. Isang t-shirt na medyo mahaba saka shorts. Natawa ako. Hindi kasi shorts ng lalake kundi shorts ng babae. hahaha! napansin ko naman na napa-nguso syam
"Oh gamitin mo muna yan. Kay Frances naman yan e. Yung tshirt sakin. Oh yan ha, baka naman may iniisip kang iba miss ganda?" sabi nya. Miss ganda sya ng kiss ganda ha! pasalamat sya totoo kaya di ako aangal.
Guys, kapatid ni Frances si Enrique kung nagbabasa talaga kayo maaalala nyo yan.
"Wala na. Salamat uli. Sige na po at aakyat na ko sa locker ko." sabi ko. Aakyat na sana ako ng hinila nya kamay ko.
"Sama na ko. Baka mamaya mahulugan ka na naman uli e." tumango na lang ako. I really find him approachable but at the same time, creepy.
--
Pagbaba namin ay kasama ko pa din si Enrique. Busy sya sa pagkwento ng mga kalokohan nya sa buhay. Talaga ngang maloko sya pero mukha naman syang mabait saka matulungin. Joker din. Kanina pa masakit panga ko dito kakatawa e.
Nasa gate na kami at mukhang magka iba kami ng dadaanan.
"Bye na. Salamat sa pagsama ha? na-appreciate ko talaga yun. Siguro kung wala ka nun baka madami ng dugo sa ulo ko nun at mawawala na ang kagandahang iniingatan ko for so many years. salamat talaga! Nagpaoasalamt din sayo ang buong angkan ko kasi naligtas mo ang magpapaganda ng lahi nila na si Sabrina Smith! Byeeee!" sabi ko. Pero hindi sya nag-kaway sakin man lang.
Hindi ko na lang pinansin kaso paalis na sana ako ng may humawak sa balikat ko.
Pagharap ko si Enrique na naman. Teka lang ha, nagsasawa na ko sa mukha nito e.

BINABASA MO ANG
Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1
VampirosBook 1 of Blood & Fangs Series | Chasing The Vampire's Heart | SABRINA SMITH'S STORY. Si Sabrina Smith lang naman ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagngangalan na Brent Hernandez. Paano ba naman? Hindi aiya ang typical na tipo ng kababaihan. I...