Chapter 42: A Vampire Too?

776 32 0
                                    

Chapter 42.

Sabrina.

"Ma?" Sabi ko nung nakarating na ako sa bahay namin. Dapit hapon na din non at sigurado ako na nasa bahay na si mama kapag ganitong oras.

"Sigurado ka bang okay ka na diyan?" Tanong sa akin ni Chase. Kawawang lalake na 'to. Kanina pa ako nito binabantayan at halos 'di pa nakatulog sa buong biyahe namin.

"Sige, okay na ako dito." Nakangiting sabi ko. "Nandito naman na din ako sa bahay eh. Sige na, bye!"

Napanguso naman siya. "Sige ingat ka diyan ha. Kapag may nangyare sa'yo, sigaw ka lang ng 'GWAPO' tapos darating agad ako. Okay?" Natatawang sabi niya. Hinampas ko na lang ang loko.

Nung umalis na siya tinawag ko uli si mama para pag buksan ako ng gate. Baka naman nasa garden si mama kaya hindi ako naririnig?

Pumunta ako sa likod bahay at doon ko nga nakita si mama.Tatawagin ko nasa siya kaso napansin ko may kausap siya. Kausap ang mama ni Brent? Anong ginagawa nila dito? Nandoon din si Ate April.

"Palayuin mo na si Sabrina sa kanya hangga't maari. Magpakalayo layo na din kayo dahil sigurado akong nalaman na ni Sapphire ang tungkol dito." Sabi ni Tita Nadia kay mama.

"Tita Shiela, hanggang ngayon baliw pa din sa'yo si Sapphire. Hindi niya kayo titigilan hangga't hindi niya kayo nahahanap. Hindi ko alam kung ano ng gagawin niya kapag nakita pa kayo ni Sabrina." Sabi naman ni Ate April. Sino si Sapphire? Anong ibigsabihin nito?

"Gusto ko man din magpakalayo, pero paano na kayo? Ngayong alam na ni Sapphire na may ugnayan tayo, baka madamay kayo? Ayokong mangyare 'yon Nadia. Sumama na kayo sa amin." Natatakot na sabi ni mama.

"May plano kami Shiela. Magtatayo kami ng bagong Empire patago saka namin sisipain paalis sa Red Empire si Sapphire. Mas mabuti ng hindi pa tayo magsama. Baka maulit ang ginawa niya sa inyo nung pinatay ni Sapphire ang asawa mo!" Pinatay nung Sapphire si Papa? Napatakip ako sa bibig ko. Pakiramdam ko ay babagsak na ako dito.

"Hindi ko na hahayaang mangyare 'yon. All this time, baliktad ang istoryang kinukwento ni Sapphire sa lahat. Kaya siguro masama ang tingin nila sa aming mga blue blooded. Dahil iniisip nila kami ang sumira ng Red Empire! Pero si Sapphire naman talaga ang gumawa ng kwento. Kung hindi lang sana ako ang minahal ni Henry eh di sana siguro tahimik ang buhay ng mga blue blooded at ninyong mga bampira. Kung hindi ko lang din siguro siya minahal..." Naiiyak na sabi ni mama. "Naaalala ko kung paano humadlang ang ama at ina ni Henry non sa akin. Akala nila ay may balak akong guluhin ang mga Vampire kaya inubos niya ang lahi namin. Kami lang ni Henry ang nakaligtas. Pero hindi katagalan, pinatay ni Sapphire si Henry."

Niyakap naman ni Tita Nadia si mama. "Wala kang kasalanan doon Shiela. Kasalanan 'tong lahat ng kasakiman ni Sapphire. Biktima lang kayo ng kanyang tahi-tahing kuwento."

"Kahit pa Vampire si Henry non at ako ay Blue Blooded lamang ay totoo ang pagmamahalan namin. Kahit ayaw sa akin ni Reyna Elle at Haring Xy, pinili ako ni Henry kesa sa kanila. Dahil buong buhay niya, si Sapphire ang lagi nitong pinaniniwalaan at kinakampihan. Ganon katuso si Sapphire." Naiiyak na kwento ni mama.

Lalong bumibigat ang puso ko. Hindi ko maunawaan ang sinasabi nila. Vampire si papa? Blue Blooded si mama? S-sino ako?

"Kung alam ko lang na pinababantay pala ni Sapphire si Sabrina kay Brent, eh di sana una pa lang ay naipatigil ko na si Brent. Sana hindi na 'to nangyayare. Naiipit na tuloy kayo." Naiiyak na ding sabi ni Tita Nadia. "May hinala na kasi si Sapphire nung una pa lang na si Sabrina ang natitirang blue blooded. Alam na ni Brent 'yon nung una pa lang, pero kahit kailan hindi siya nag report kay Sapphire na alam na niyang kayo."

"Oo nga po. Natuwa nga ako kay Brent dahil kahit kailan hindi niya kayo naisip na isumbong. Siguro mahal niya na talaga non si Sabrina." Sabi naman ni Ate April.

Naiiyak ako. Ginawa lahat ni Brent ang mga 'yon nung una para malaman kung blue blooded ako pero kahit kailan hindi niya ako hinulog sa mga kamay nung Sapphire.

Naalala ko si Alyssa, ang mga ginawa niya sa amin nung once na hinostage niya kami, nung biglang nag pula ang mata ni Brent na akala ko malikmata lang. Naalala ko 'yong mga death threat sa akin at ang galit ni Brent doon. Ang masasamang titigan nila Enrique at Brent tuwing nagkakasalubong sila. Bukod sa ako ang dahilan, dahil na din pala sa sekretong alam nila sa isa't isa.

Tuluyan ng nag sink in sa akin ang lahat. Mula sa mga kakaibang pagbabago ng kulay ng mata ni Brent at ang mga kilos niyang hindi pang ordinaryo.

"Hindi pwede malaman ni Sabrina ang lahat. Sigurado akong hindi niya mauunawaan." Sabi ni mama habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa mata niya. "Magiging masyadong mabigat ang lahat sa kanya. Pag uwi niya dito, hindi ko na siya papalapitin kay Brent."

"Stay away from me, Sabrina. You're not safe with me anymore...I'm a vampire and...you're a blue blooded. We can't be together."

"Don't worry, I'll still keep you safe no matter what."

Ngayon ko lang din naisip kung paano naging selfless para sa akin si Brent. Kahit alam niya na umpisa pa lang ay hindi niya na ako pwede lapitan, pero kahit kailan hindi niya naisip lumayo. Kasi mahal na mahal niya ako. Kasi hindi niya kakayanin kapag wala ako.

Ngayon ko lang din naisip kung gaano niya ako nililigtas sa kahit ano man. Kahit kailan hindi niya ako iniwan sa kapahamakan. Whenever he's around, I always feel safe. Ang tanga ko at pinagdudahan ko siya.

Even from the start, he meant no harm for me.

At ang tanga ko na ngayon ko lang naisip lahat. All this time, galit ako sa kanya. Pero siya, kahit kailan hindi siya nagalit sa akin. Kahit anong sabihin ko sa kanya.

"Pero paano 'yon Tita? Mama? Mahal nila ang isa't isa, sigurado akong hindi papayag si Brent na ganon mangayayare sa kanila." Sabi ni ate April.

"Sigurado akong maiintindihan ni Sabrina na para sa kanya ang ginagawa ko. Para ito sa kaligtasan namin. Ayoko ng maulit pa ang nangyare sa Papa niya. Hindi na ako magiging pabaya."

"Merong isang bagay akong na-realize Shiela. Kung Vampire si Henry at Blue blooded ka, hindi kaya't si Sabrina ang unang bampirang may dugong blue blooded?"

Doon ako natigilan.

"Anong ibigsabihin mo, Nadia?"

"Sabrina is maybe a Vampire too Shiela!" Nakita ko ang pagbuo ng ngiti sa mukha ni Tita Nadia. "She's immortal!"

"V-vampire, ako?" Napatingin sila sa aking lahat. Nagulat silang lahat nung nakita akong nandoon.

"A-anak, mali ka ng narinig--"

"Don't hide the truth at her anymore, Shiela." Tumingin sa akin si Tita Nadia. "Yes iha, you're a Blue blooded half Vampire."

--

Finally, alam na ni Sabrina ang katotohanan! Ang tanong, tatanggapin pa din kaya niya si Brent?

Chasing the Vampire's Heart | BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon