Iva's POV;
"KAMI NA TALAGA OFFICIALLY NI LIAAAAM!!!!", ang bungad ko pagkabukas ko ng pinto sa bahay ni Nathan.
Agad naman nagsitinginan ang mga kaibigan ko sa 'kin pati narin si Nathan kahit alam na ng bakla.
"Oh?!", ang sigaw ni Tricia at pinakita sa 'kin ang kaniyang hindi-mo-ako-maloloko-look. Kainis, ah.
"Oo nga! Sa tingin niyo nagsisinungaling ako?!", ang sigaw ko ulit.
"Oo!", ang sigaw naman ni Angel sabay baba ng pocketbook na halos kalahati na ang nababasa.
Napaikot ako ng mata."Oo nga! Magdadala ba ako ng pagkain kung hindi totoo?!", ang sigaw ko ulit sabay taas ng plastic na puno ng chichiriya.
"Itanong niyo pa kay Nathan. Nakita niya kung paano nagselos si Liam, 'diba?!", tinuro ko si Nathan na ngayon ay busy sa pagc-cellphone. Pero tumango lang ang gaga sabay simpleng sabing "oo"Tang*nang mga kaibigan 'to oo, mga walang tiwala sa akin e.
"Paano namin paniniwalaan 'yan? E pati iyan loka-loka.", sabi naman ni Tricia na kumakain ng mani.
Napabagsak nalang ang balikat ko at tinapon ang plastic sa tabi ni Tricia. Bakit ba ayaw nila maniwala sa 'kin? E nagsasabi naman ako ng totoo.
Nagtataka ba kayo kung ganoon reaksyon ng mga 'to? Ganito kasi iyan, unang-una alam na nila ang about sa kontrata matagal na. Bobo ko rin kasi dahil sa locker ko inilagay ang kontrata at nakalimutan kong kunin kaya noong makikilagay na sana si Tricia ng mga gamit niya sa locker ko bigla ba namang nilipad ang papel papunta sa mukha niya at doon nalaman nila ang sekreto ko, mabuti na ngalang ay naintindihan nila kaya safe pa ang pera ko hanggang ngayon.
At pangalawa, ang alam nila ay walang feelings sa akin si Liam. Noong unang kita nila kasi kay Liam noong kasal namin ay halata sa mukha nito ang hindi pagka-interesado at coldness, kaya agad nila nawari na walang sparks sa aming dalawa at hanggang sa kontrata lang talaga nakatutok ang lahat.
Ganiyan katalino at ka-detective ang mga kaibigan ko, ako nga lang ata ang naiiba e hahaha. Kaya hanggang ngayon ay nanatili paring sekreto ang kontrata, kami-kami lang ang nakakaalam, ako, si Liam, at ang mga kaibigan ko pero hindi alam ni Liam na alam na ng mga kaibigan ko tungkol sa thingy-thingy na'yon at kapag nalaman n'on na may iba pang nakakaalam sa kontrata ay naku, bye bye money nalang.
Hindi rin alam ng magulang ko ang tungkol sa kontrata at wala akong balak na sabihin sa kanila dahil alam ko na papatayin ako n'on sa mala-machine gun na ratrat at mura kaya nananatili nalang din akong shut up sa kanila para ligtas. Kaya kayo rin mga bes, shut up din kayo ah.
Pabagsak akong umupo sa couch ni Nathan. Nandito kami lahat ngayon para mag-bonding, mabuti na ngalang ay sakto day off ng mga 'to. Mabuti pa sila may trabaho, e ako? Meron din naman, tinatanong niyo kung ano? Well isa lang, papaligayahin si Liam araw-araw. Charot.
Tinignan ko si Nathan na katabi ko lang. "Nathan. Ayaw nila maniwala sa 'kin.", ang naiiyak na sabi ko sabay taas ng paa ko sa hita niya.
"Hindi naman kasi kayo bagay sis, kaya gan'on.", ang maarteng sabi niya sabay scroll sa cellphone.
"Aba, edi sino pala ang bagay sa kaniya? Ikaw?" ang naiiritang sabi ko.
"Exactly. Kahit anong isip ko nga na anggulo ay bagay kami, e.", ang sabi niya sabay taas-baba ng kilay. Kung sunugin ko kaya 'yang kilay niya para matauhan.
Inikutan ko nalang siya ng mata bago siya sinipa. Umaray naman ang gaga kaya agad niya hinampas palayo ang paa ko sa kaniya.
"Kung kayo na nga 'officially' ni Mr. Liam. . . papuntahin mo nga siya rito para naman maniwala kami.", ang wala ka inte-interesadong sabi naman ni Angel habang nagbabasa parin ng pocketbook.