Iva's POV;
Nang imulat ko ang aking mata ay madilim na sa labas.
Nakatulog ako?
Ahh, siguro dahil sa pagod. Napagod kiligin, ayiiee hahahah char ang corny ko.
Tumingin ako sa paligid.
Sino naman kaya ang bumuhat sa 'kin dito sa kwarto, e kanina sa couch lang ako nakahandusay, ah.
Biglang namula ang pisngi ko nang maisip ko si Liam.
Yiee, si Liam kaya 'yong bumuhat sa 'kin? Alangan naman si Brix 'diba, e payatot 'yon.
Sooo, si Liam nga. Ayiiee, enebe ehihihi~
Tumagilid ako at muntikan na akong mauntog sa dingding nang makita ko na muntikan ko ng mahalikan si Liam.
Put*kte, ba't ngayon ko lang siya napansin?
Maliit lang ang kama ko pero kasya naman ang dalawang tao kaya nagkakapagtaka ba't ang lapit naman ata ni Liam sa 'kin? At ito pa, nakapulupot pa ang isa niyang kamay sa bewang ko. Kyah! Ang sweet nemen~
Iba rin duma-moves itong si Liam, ah. May yakap-yakap epekt in a bed while sleeping pang nalalaman, hindi ko tuloy mapigilang kelegen, enebe.
Natigilan naman ako nang mapagtanto ko rin na nakapatong ang isa niyang binti sa binti ko at para niya akong sinisecure.
Uuuhaaaa!!! THE BEST NIGHT EVER!!!! PARA NA TALAGA KAMING MAG-ASAWA!!!!
Kulang nalang sabihin ko na, "Ano ba, Liam. Ang bigat mo, ehe~"
Natigil ang pagda-daydream ko nang may narinig akong nabasag sa ibaba.
Si Brix.
Agad ako bumangon at natanggal ang pagkakayakap sa 'kin ni Liam sa kadahilanan din ng pagkagising niya. Wow
Tumingin siya sa paligid at nahinto iyon pagdating sa 'kin.
Aww, ang cute niya!!!! May pagulo-gulo buhok pang ginagawa.
Ehem, ang init tuloy.
Umupo siya habang kinusot-kusot ang kaniyang mata.
"Anong oras na?", ang inaantok na tanong nito sa akin
"Ah, 6:40 pa naman ng gabi. Kung inaantok ka matulog ka muna, pupuntahan ko lang si Brix.", ang sagot ko at akmang lalaktawan na sana siya nang bigla siyang gumalaw.
"Sasama ako.", ang may energy na niyang sabi at tumayo, sumunod naman ako at pumunta na sa pinto.
Nag-inat-inat muna siya bago sumunod sa akin.
In-off ko muna ang ilaw at ceiling fan bago kami lumabas. Pagkababa ay nakita agad namin na nagwawalis si Brix.
Agad naman ako pumunta sa kaniya.
"Anong nangyari? May narinig akong nabasag, nasugatan ka ba?", ang nag-aalalang tanong ko nang makalapit na sa kaniya.
"Wala. Nabitawan ko lang 'yong baso dahil bigla akong nahirapan huminga.", ang sabi ni Brix at ibinalik na ang walis at dustpan sa kung saan nakalagay.
"Umaatake na naman 'yang hika mo. Uminom ka na ba ng gamot?", ang nag-aalala ko paring tanong.
May sakit kasi na hika si Brix. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang sakit na 'yon pero n'ong hindi siya matigil-tigil sa pag-ubo at nahihirapan daw siyang huminga ay agad na namin siyang pina-check-up at ang lumabas ay may hika raw siya.
Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit pumayag ako pakasalan si Liam. Kailangan din namin ng pera para sa gamot ni Brix.
"Oo, tapos na. Nga pala, ate. May mga sinampay si mama sa labas, nakuha ko na 'yong iba at natupi ko na. Ikaw naman sa mga natira, tinulugan mo pa ako, akala mo makakatakas ka.", ang masungit na sabi na ni Brix sa akin.