A/N: this is not edited. errors ahead. typo's and grammatical errors might observed!
Iva's POV;
Mistula akong naghahanap ng mga cup noodles at isang malaking kahon ng chuckie sa isang convenience store. Pagabi na ngayon at hula ko ay nasa bahay na si Liam sa mga oras na 'to. Hindi kami umuwi ng sabay dahil may urgent meeting daw siyang pupuntahan pero hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo dahil simula noong mabasa ko ang text ni Maxine sa kaniya, may kung ano-ano nalang bumabagabag sa aking isipin at hindi ko alam kung ano.
Hay, baka about business lang talaga iyon at wala ng lalagpas pa d'on. Tsk, nag-iisip na naman ako ng kung ano-ano, ang hirap talaga kapag matalino.
Kumuha ako ng tatlong yakisoba.
"Ma'am?" Natigilan ako.
"Ma'am Ivanna."
Lumingon ako sa kung saan galing ang boses na tumawag sa aking pangalan. Pagkalingon ko ay nakita ko ang isang matipunong lalaki, nakangiti ito at bakas sa mukha na kilala talaga ako.
Hm? Sino 'to? Paano niya nalaman pangalan ko? Sa pagkakaalam ko hindi naman ako gan'on ka famous.
Humarap ako sa lalaki at nag-aalinlangang ngumiti. Lumapit naman ito sa 'kin.
"Ahm, sino ka nga ulit?", ang tanong ko na may turo-turo pang nalalaman. Ayaw ko kasi maging rude mga bes, ayoko sabihin sa kaniya na "kilala kita?", kahit gusto. Baka isipin nito na wala akong pinag-aralan.
Tumawa ito ng mahina. "Nakalimutan niyo na po ata. Ako po 'to si Natoy, 'yong guard sa kompanya ni Sir. Liam."
May kung ano namang pumitik sa utak ko at parang nag-flash back lahat ng nangyari noong araw na pumunta uli ako sa kompanya na 'yon.
Nanlalaking mata at nakataas na kilay ko naman tinignan uli 'yong lalaki. Siya nga. Siya 'yong makapal na mukha na humarang sa akin at sinabihan akong bawal daw kuno ang outsider.
Naks naman, tapos ngayon maka-ma'am siya sa 'kin akala mo boss niya rin ako. Hah, gusto lang ata nito dagdagan ang sweldo niya e.
"Kamusta ka na po, ma'am?", ang tanong niya sa akin.
Wow, fc te? Ngumiti lang uli ako.
"O-okay lang naman. Ikaw?" Naglakad na ako papunta sa casher, sumunod naman siya sa 'kin.
Kung hindi ko lang 'to kilala iisipin ko talaga na rapist 'to. Ang laki ba naman kasi ng katawan, halos hindi ko na nga siya mamukhaan e, ang layo-layo ng itsura niya ngayon kesa noon.
May kamukha na tuloy siyang cartoon character, 'yong si Jhonny Bravo ba 'yon.
"Ganoon pa rin ma'am, sakto pa rin ang sweldo." Sabi ko na nga ba e, sweldo lang habol neto.
Well, sorry na lang Natoy, hindi kita type. . . . . . . nyay anong connect?
Matapos kong bayaran ang pinamili ko ay naglakad na ako papunta sa exit. Nagulat naman ako nang sumunod sa akin 'yong Natoy.
"Wala ka bang bibilhin?", ang tanong ko rito nang ipagbukas niya ako ng pinto.
Wow, ang gentlemen pero gusto ko sayaw. Watapaka gentlemen tenterentententen, charot. 'Di ko alam ang lyrics, nakakabulol, ang sakit rin sa ulo parang science at math. Pati rin itong Natoy na 'to, nakakasakit sa mata.
"Nakabili na po ako, sadyang nakita lang ho kita noong papalabas na ako.", ang simpleng sabi niya lang sabay kuha ng isang maliit na kahon na milk sa plastic na kanina niya pa nga talaga dala-dala.